PART 39

5K 104 0
                                    

The news.


"Hey." Tinulungan ako ni Wayne na umupo pagkamulat ko ng mga mata ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil medyo nahilo pa ako sa biglaang pag upo ko. Nag aalalang sinapo naman niya ang ulo ko. Nagmulat ako ng mga mata at nagtama ang mga mata namin. He looks really worried. I just smiled at him to reassure that I am okay. He heaved a sigh after. "I'm sorry for what she'd done a while back. She should have not done that." Umigting ang panga ni Wayne pagkatapos niyang sabihin iyon. Hinawakan ko siya sa braso. Mariing pumikit siya at mahinang napamura. Nagmulat siya at tumingin muli sa akin.



"I'm okay now. I'm sorry too kung ngayon ko lang sinabi sa'yo to. Ayoko kasing mag away kayo ni Lu." Kinakabahan kong sabi. Umusog siya palapit sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Sana noon mo pa sinabi. Sana noon pa tayo talagang nagkabalikan." Nakangisi niyang sabi bago ako hinalikan sa labi. He stayed for a while in my condo before he decided to go home.

I've been busy the whole month after my encounter with Chantal. I didn't hear anything from her since then. Well except sa naibalitang hindi na tuloy ang kasal nila. Pinagpyestahan si Wayne ng media. Samantalang nawala na parang bula si Chantal. Sikat si Wayne hindi lang dahil fiancee niya ang sikat na model. Yes. Chantal is an international model. Pero noong naging sila ay dito na namalagi si Chantal. Dito na siya tumatanggap ng offers sa pagmomodelo. Iyon talaga ang talagang trabaho niya. While Wayne is one of the most talked about bachelors and most successful businessmen in his generation. Yes. He is a businessman. Just like Blue and Troy. Sa aming magbabarkada, ay sila talaga nila Blue ang mahilig sa business. Well Stayner hates business. And he is a rebel son. While Louie is an artist. Minsan ko na siyang pinilit noon na ilaban ang mga gawa niya sa international competition kaso ayaw niya. Hindi siya sikat na artist. Pero para sa akin, isa siya sa mga pinakamagaling just like Sabrina. Pareho silang fine arts graduate eh. Though sa magkaibang unibersidad. My friends were all successful on their chosen careers except Stayner. He's a mess. I just hope makahanap siya ng katapat niya someday.





"Ma'am. Sir Wayne is here po. Papapasukin ko na po ba?" Tanong ng sekretarya ko sa intercom.






"Okay. Please let him in." Simpleng utos ko sa kanya. Maya maya pa ay pumasok na si Wayne sa loob ng opisina.





"Hey." Nakangiting bati niya habang naglalakad papalapit sa akin. Tumayo naman ako at nilapitan siya.




"Hey. How's work?" I asked then hug him.






"Fine. How 'bout you?" Tanong din niya sa akin bago ako sinilip. I smiled sweetly at him before kissing his lips.






"Fine. Too. Kumain ka na ba?" Malambing kong tanong. Ngumisi naman siya sa akin bago umiling.




"Nope. I came here so we could go out and have lunch baby." Lumabas kami pagkatapos nun. Marami ang napapatingin sa amin dahil ito ang unang pagkakataong magkahawak kamay kaming lumabas. Tatanggalin ko na sana ang kamay niya dahil sa medyo naiilang na ako sa tinginan nila pero hinigpitan niya ang hawak niya sa akin. "Don't. I want them to know you're mine." Seryoso niyang sabi habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. Isinara niya ang pintuan ng kotse noong makapasok na ako sa loob. Pinanuod ko siyang umikot papuntang kabila. He started the engine once he got in. We dine in a fine dining restaurant around BGC. May mga napapasulyap pa din sa amin pero palagi akong sinusuway ni Wayne. Huwag ko na daw silang pansinin. He started the conversation after that. Kaya naman nakalimutan kong may mga matang nakatingin sa direksyon namin. He asked something about my work. What made me so busy that I forgot to text or call him. And some random questions. Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami. Hawak pa din niya ang kamay ko pero ngayon ay hindi na ako masyadong naiilang. Isinuot niya ang aviator niya bago ako hinalikan sa noo. Hinatid niya lamang ako sa kumpanya tsaka nagpaalam na. "I'll fetch you up later. I love you." Bilin niya at hinalikan nanaman niya ako sa noo. I said my i love you too before going out in his car. Naging maayos naman ang araw ko na walang nagtetext o tumatawag. Malamang wala pang kumakalat na balita patungkol sa amin ni Wayne. Well it's a relief dahil hindi pa ako handang mag explain sa mga kaibigan ko patungkol sa amin. Natapos ang araw at sinundo ako ulit ni Wayne sa kumpanya. We have our dinner before ako hinatid sa condo ko.





"Can I come in?" Tanong niya habang kinakamot ang ilalim ng baba niya. I arched my brow at him. He wiggled his brow and chuckled. "I juat want to stay longer. Is there's something wrong with that?" Nakangiti na niyang sabi. I rolled my eyes before nodding. Tuwang tuwa ang mokong at hindi na mapuknat ang ngiti sa labi niya habang nakaakbay sa akin hanggang sa elevator. Inilapit pa niya yung mukha niya sa gilid ng leeg ko, malapit sa tenga bago nagsalita. "Kinikilig ako. Pucha." Sinapak ko siya sa braso. Nangamatis na ang mukha ko sa sinabi niya. My gad! This guy. Issh. Humalakhak siya at niyakap ako. "Tangna. Kinikilig talaga ako." Ulit pa niya. Hinayaan ko na lang siya pero maging ako ay hindi na matanggal ang ngiti sa labi.





Naiwan siya sa may sala noong pumasok ako sa banyo upang magshower. Noong paglabas ko ay nasa kama ko na siya. Mahimbing na natutulog habang yakap ang unan ko. Nilapitan ko siya at inayos ang ulo niya sa pagkakahiga. He stirred pero hindi naman nagising. Tinanggal ko ang sapatos niya at medyas. Umalis ako sandali upang magbihis. Bumalik ako sa kama at tahimik na humiga sa tabi niya. I kissed his temple and smiled with contentment as I watch him sleep. Umusog pa ako para yakapin siya. Agad akomg nakatulog ng gabing iyon. Naramdaman ko pa ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko at paghalik niya sa noo ko bago ako tuluyang hilain ng antok. Maganda ang tulog naming pareho. Nagising lang kami noong may magkakasunod na ingay kaming narinig. We both groaned. Parehong phone namin iyong nag iingay. At kahit tinatamad ay inabot ko ang phone ko habang siya ay nakahiga pa din at nakayakap sa bewang ko. Sinagot ko ang tawag. Si Brooke.





"He..."





"Pusang gala! Selena! Kayo na ni Wayne?????" Iyon agad ang bungad niya sa akin. Ni hindi niya pa tinapos ang hello ko. Nanlaki ang mga mata ko at parang napunta amg lahat ng dugo sa ulo ko. "Hoy! Ano na? Walang balak magkwento te??" Salita niya ulit. Agad kong pinatay ang tawag. Napatingin ako sa phone at ganoon na lamang ang pagkagulat ko dahil halos lahat ng barkada ay may miss calls. May text din sila. Una kong binasa yung kay Sab.



Sab: Hoy babae na may tinatagong landi. De joke lang! Ano tong nabalitaan namin na kayo na ni Wayne ha? Sinasabi ko na nga ba eh. Naku naku. Congrats. Te. V-gin ka pa ba niyan? Hahaha. Lol. Text me back. O tawagan mo ako! Asap! 😙




Napahawak ako sa sentido pagkatapos ko ng mabasa lahat. Nagising na ng tuluyan si Wayne.





"Hey. You okay? What's wrong?" Inaantok pa niyang tanong. Napatingin naman ako sa kanya.


"They already know." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Napasimangot ako sa kanya sa kawalan niya ng pag intindi sa sinabi ko. "Naibalita sa tv! Sa internet. Sa buong Pilipinas na may namamagitan na sa atin! Oh yan! Gising ka na?! That's the news!" Nanlaki ang mga mata niya sa sagot ko. Tss. Just like what I expected from him. What now?

Someone Borrowed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon