PART 40

5.6K 92 1
                                    

Need.

"What will we do now, Wayne?" Kunot noong nakatingin sa akin si Wayne, na para bang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko sa kanya. What did he expect? Pati ako ay gulong gulo na. Parang kahapon lang nangyaring itinatago namin ito pero sa isang kisap mata ay alam na ng mga tao. Our friends knew it already too. Oh my God. What will we do now? Bumuntunghininga si Wayne para kalmahin ang sarili bago inabot ang kamay ko.

"You worry too much, Selena. Ako na ang bahala. Just hold my hand, and I'll protect you from anyone. I love you." Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang sentido ko. Hindi nagtagal si Wayne sa condo ko dahil may mga media na pala sa baba. Buti na lang at makapangyarihan siya at nagawa niyang paalisin ang mga iyon bago pa tuluyang dumami. Pinigilan ng mga tauhan niya ang media. Hindi ko alam kung sa paanong paraan niya iyon nagawa. Basta nakalabas ako ng condo at nakarating sa opisina na walang nanggugulo. Well except sa...


"Hoy babae! Ano tong nabalitaan ko sa tv ha?" Ito na ang sinasabi ko. Napahilot ako sa sentido at napaikot ng upuan ko patalikod sa papasok na si Brooke, kasama si Sab. "Aba aba. Tumatalikod pa sa amin. Hoy, Selena. Hoy." Pinaikot niya ang upuan paharap sa kanila. Nag iwas ako agad ng tingin sabay hawak ng mabilis sa pen pero agad din iyong inagaw ni Brooke. Napalunok ako ng wala sa oras bago nagmatapang na tumingin sa kanya. Pinantaasan niya ako ng kilay habang hinihintay amg magiging sagot ko.



"Papaano kayo nakapasok? You should have asked my secretary first." Malamig kong sabi. Lalong tumaas ang kilay ni Brooke. Nag iwas ako ng tingin sa kanya at tumingin kay Sab na ngayon ay napakalaki ng ngisi. Ngising mapang asar. Napasimangot ako at bumuntunghininga. "Okay. Okay. Fine. What do you want to know?" Suko ko na. Napatili sila pagkatapos. Napaikot na lamang ako ng mga mata.


"Oh my God. Everything, Selena! Papaanong?" Pabitin pang tanong ni Brooke. Naku! Itong babaeng ito! Kung siya kaya ang tanungin ko dito?! Asar.


"We're officially dating. Iyon lang ang dapat ninyong malaman." I said firmly but they didn't buy that. They dig for more hanggang sa sumuko ako at naikwento lahat sa kanila. Nakanganga lang silang pareho habang nagkwekwento ako.




"Oh my God. So, kayo na noong highschool tayo tapos nagbreak kayo ng walang formal break up noong bumalik ka dito sa Pinas? Oh my God. You are unbelievable." Hindi makapaniwalang saad ni Brooke habang tahimik lang namang nakikinig si Sab. Tumango tango lang ako. Natahimik silang dalawa pero maya maya pa ay sinabunutan na ako ni Brooke. "Langya ka Selena! Bakit tinago mo sa akin to? Diba bestfriends tayo?!" Maktol niya habang sinasabunutan pa rin ako.

"Aray naman Brooke. Bitawan mo nga ang buhok ko. Aray naman." Sinunod naman niya ako. Inayos ko yung nagulong buhok ko bago masamang tinignan siya. Binelatan niya lamang ako sabay irap. Napabuga ako ng hangin. "Tss. You're too unlady like for a flight attendant." Ingos ko. Pinandilatan niya ako sa sinabi ko. Natawa naman si Sab sa akin.


"Alam mo, tama ka dyan Selena. Parang hindi f.a yang si Brooke kapag off niya. Anyway, hindi na kami magtatanong pa ng madami. We are so happy that you two happened. I mean, Wayne and you, you're perfect. I don't really like that Chantal for him. Mas bagay kayo." Nakangiting sabi ni Sab. Napangiti din ako pabalik pero umeksena pa si Brooke.

"Nako. Yung babae, kinilig oh." Sabay duro niya sa pisngi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Timping timpi na ako dito kay Brooke. Isang push pa at ako na talaga ang mapapatanong sa relasyon nila ni Shaun. Makita niya! "Pero honestly speaking, bagay nga kayo ni Wayne." Aba aba! Mukhang nakaramdan siya. "Oh siya sana kayo na nga para magka love life ka naman na. Kawawa ka naman." Ngising dugtong pa niya. That's it! Magsasalita sana ako kung hindi lang ako naunahan ni Sab.


Someone Borrowed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon