PART 44

5.3K 99 1
                                    

Said you love me but you lied.

I stopped slicing the meat when I heard his footstep coming near me. My breath hitched and my heart ached by just his simple presence. Hindi na ko siya hinarap. Hindi ko din siya kinausap.

"I'll be out of town for two weeks. May conference kami sa Davao. I just want to inform you." Malumanay niyang simula. Malalim akong nagpakawala ng buntunghininga at nagpasyang harapin siya. Gustong gusto ko siyang sumbatan at sabihing huwag na siyang magsinungaling pa pero kusang nawawalan ako ng boses sa tuwing kaharap ko na siya. He's been lying to me for a year now. I know everything simply because I am not stupid enough. Chantal. Gusto kong isampal sa kanya ang pangalang iyon pero sobrang namanhid na ang puso ko para magwala pa. I chose to smile but I made sure that he'll see that it didn't reach my eyes.




"Okay. Take care. Have fun. I know you'll really enjoy Davao lalo na at may kasama ka, uh I mean, kasama mo ang mga kakilala mong businessmen." Sarkastiko kong sagot sa kanya. His breathing became rugged after hearing it as if he was found guilty. I smirked at the back of my head before turning my back and continued slicing the meat.





I've waited him to at least defend himself or say something that will ease my pain but I didn't hear anything from him. I just heard his footsteps walking away from me. Napailing na lamang ako at tuluyan ng nawalan ng gana magluto. Iniref ko na lamang ang mga iyon at nagpunta na sa kwarto. Naabutan ko siyang nakaupo sa kama at tulala. Napakunot ang noo ko at hinayaan siyang pagmasdan ng mga mata ko. Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya kaya napatingin siya sa nakabukas na pintuan kung saan ako ngayon. Mabilis din siyang nag iwas ng tingin at tumayo na. Nagtungo siya sa banyo. Tahimik akong nagpunta sa closet at inayos ang gamit niya na dadalhin sa conference daw nila sa Davao. But I knew better. Kasama niya lang yung Chantal na iyon. Alam ko din na nasa pareho kaming condo building nakatira. She's just a block away from ours. Damn her. Makati talaga!

Saktong nailigpit ko ang mga gamit niya noong lumabas siya. Napatingin ako sa kanya habang pinapatuyo niya ang buhok niya gamit ang puting tuwalya. Nag iwas siya ng tingin sa akin bago nagtungo sa closet. Sinundan ko siya pero tahimik na nakatitig lamang sa kanya. Isinuot niya ang puting shirt. Tulala lamang akong nakatingin habang isinusuot niya lahat. Nagkagulatan pa kami noong humarap siya.




"May kailangan ka?" Malamig pa niyang tanong. Ikaw. Ikaw ang kailangan ko. Napailing iling ako para matanggal sa isipan ang salitang gusto kong ibulyaw sa kanya. Gusto ko siyang bugahan ng lahat ng aking sama ng loob. Anong nangyari sa aming dalawa? Bakit siya nagbago? Ang daming tanong na gusto kong itanong sa kanya pero isang salita lang ang tanging nasambit ko.



"Ingat kayo ng babae mo." Tumalikod ako agad sa kanya at hindi na hinintay pa ang gulat sa mga mata niya. Hindi ko kayang makita iyon. Ayokong makita ang guilt sa mga mata niya. Ayokong makita ang emosyong dadaan doon. Ayoko. Hindi ko kaya. Napakuyom ako ng kamao habang iniisip iyon. I shook my head and tried to be strong. Lumabas ako ng kwarto. I want to end this suffering and pretensions. I want to leave him now. But I can't. It's not because I love him but because,



"Mommy." Napatingin ako sa likod ko noong marinig ko ang boses niya. I smiled. It's because of her. Our daughter. Mag lilimang taon na siya. She's my angel. And the very reason why I am still holding on to this fuck up marriage. No. I won't give them the satisfaction. No. I won't let them be happy together. No. Wayne will never get his freedom. Because I will never set him free. No annulment will be happening soon. They will face my revenge. They will feel my pain. Isang taon na nila akong niloloko. Isang taon. Tang ina. Isang taon. I wiped my tears before I plastered my fake smile in front of my daughter. Lumapit ako sa kanya at lumuhod para yakapin siya.






"I love you baby Yra. Mommy loves you so much." Hinang hina kong sabi sa kanya na para bang nagsusumbong na ako. Yinakap naman niya ako ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.





"Love ko din po kayo mommy. Asaan po si daddy?" Sagot niya sabay tanong sa akin. Lumayo ako bahagya sa kanya at akmang sasagutin na sana kung hindi lamang nagsalita si Wayne mula sa likuran.





"Yra." Tawag niya sa anak namin sa mabigat na boses. Yung klase ng boses na parang siya pa ang agrabyado. Yung klase ng boses na para bang siya ang niloko.






"Daddy." Masayang tawag na tili ni Yra sa ama niya. Umalis siya sa akin at tumakbo papunta sa ama niya. Nagpasya akong tumayo at humarap sa kanila. Agad na nagtagpo ang mga mata namin ni Wayne at bago ko pa man mabasa ang mga emosyon sa mga mata niya ay ako na agad ang nag iwas.



"I'll just cook our dinner." Paalam ko at iniwan na sila doon. Sabay kaming kumain. Kung titignan ay parang totoong masaya ang pamilya namin. Pero walang nakakaalam kung gaano ito kawasak ng sobra. Yung klase ng pagkawasak na wala ka ng babalikan. Natapos ang dinner na si Yra at Wayne lang ang nag uusap. Kung magsasalita man ako ay kung may tatanungin lang si Yra sa akin. Iniligpit ko ang mga pinagkainan at hinugasan na din. Nauna silang pumunta sa kwarto ni Yra para patulugin ito. Ilang oras akong nakatulala sa may kusina pagkatapos kong iligpit ang mga pinaghugasan ko. Napatingin ako sa kabuuan ng bahay. We used to have a happy home. But now, I don't know if I can still call this a home. Dahil kung tutuusin, noong tatlong taon kaming kasal ay sa mansion kami nakatira. Lumipat lang kami dito dahil sabi ni Wayne mas malapit ito sa company nila. Pero hindi ko naman naisip na ibang company na pala ang sinasabi niya. Yung company palang sinasabi niya ay ang klase ng company na magpapainit sa kanya. Nakakagago lang talaga. How can he do this to me? How can he still swallow everything? How can he still go home with us as if he is not doing anything? I hate him.! I hate him.





Mabilis kong pinunasan ang tumulong luha sa mga mata ko noong makita siyang papasok sa kusina. Humarap ako sa may sink at nagkunwaring hindi pa tapos sa ginagawa.




"Tulog na si Yra. Hindi ka pa ba matutulog?" Simula niya ng usapan. Tumigil ako at kinalma ang sarilu bago siya hinarap.






"Susunod na ako. Kay Yra ako matutulog. You can go back to your room. I think you'll be needing a lot of rest dahil siguradong papagurin ka, I mean mapapagod ka sa conference ninyo. Two weeks pa man din iyon." Mabilis siyang naglakad papunta sa akin at nangingitim ang mga mata sa sobrang galit. I smirked painfully. Siya pa ang may ganang magalit?! Ang kapal! Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at pinakatitigan ng pagkalamig lamig. Pero hindi ako natinag. I gave him that kind of stare too. He cursed under his breath before hugging me. I was shocked at first but then I remembered her. Chantal. Itinulak ko siya at doon na ako nagsimulang lumiyab sa galit. Pero tiis na tiis pa ako para hindi magising si Yra.





"Why Wayne?" Sumbat kong tanong. Nag iwas siya ng tingin pero hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. "You promised to love me. You promised Wayne. But this? Ito ang ibinigay mo sa akin? A fuck up marriage. Really Wayne? If you want her. If you love her. Then why did you marry me?" Hinakit kong tanong sa kanya. Tumingin siya sa akin pagkatapos kong itanong iyon.






"I love you Selena. I do. Believe me when I say I love..." Sinampal ko siya at di na pinatapos. Hindi ako nagsalita pang muli at umalis na sa harapan niya. Akmang lalabas na sana ako ng kusina ng bigla siyang nagsalita. "Gusto kong sabihin sa'yo lahat baby, pero natatakot akong baka tuluyan mo akong iwan. Natatakot akong baka lalo mo lang akong kamuhian. Please undertand me. Please." Nahihirapan niyang sabi. Itinagilid ko ang ulo ko pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.






"Too bad. Too late. I hate you so much now. And there is no forgiveness in what you did. You don't deserve my understanding Wayne. I hate you so much. No. I loathe you. I loathe you so so much. You said you love me, but you lied. You lied. And I will never forgive you. You lied to me. You made me a fool. You lied." Paulit ulit kong saad bago siya tuluyang iwan doon.






Someone Borrowed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon