PART 8

7.5K 140 0
                                    

Another girl

Malapit na kami sa condo na tinitirhan ko ng madako ang paningin ko sa mga taong nandoon. Nanlaki ang mga mata ko pagkatapos kong makilala ng ang taong iyon. Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni papa kaya napatingin naman ako sa kanya. Muling nagbabadyang tumulo nanaman ang luha ko pero ayokong tuluyang mahulog ang mga iyon. Di ko namalayang inihinto na pala niya ang sasakyan.

"I don't know why they are here pa. But i think i need to talk to them." Pilit ang ngiti kong sulyap sa kanya. Pag aalala, iyon ang nakita ko sa mga mata niya. "Don't worry pa. They're my friends. Package deal na sila, wala na akong magagawa dun." Dugtong ko pa para maibsan ang pag aalala niya. Napatingin nanaman ako sa direksyon nila. Nag vibrate ang cellphone na hawak ko. Napatingin ako doon. Brooke is calling, again. Napatingin ako sa direksyon ni Brooke at nakita ang pagkairita sa mukha niya. Lumunok muna ako bago ko sinagot iyon. "Brooke." Sagot ko at tumingin kay papa bago tumingin ulit sa direksyon nila di kalayuan sa amin.

"Where are you exactly? We are so damn worried. Andito kami sa baba ng condo mo. The staffs told us na wala ka pa daw. Please Selena, at least tell us that you are safe." Nag aalalang sabi nito.

"Gaga. I am fine. I'm with my father. He just came home last week, kaya i'm spending time with him after work." Tumawa pa ako kunwari para mawala ang pag aalala nilang lahat sa akin. Pero agad na napawi ang ngiting iyon ng magtama ang mga mata namin ni Wayne. I know, he saw me even if i am inside the car. Nakita kong may sinabi siya kay Brooke, and there, they all look to where we are. Lalong kumunot ang noo ni Brooke. Parang nag slow motion pa ang lahat. Mula sa unti unti nilang paglapit sa sasakyan namin hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pagsara ng driver's seat. Doon ko napansing bumaba na pala si papa, kaya naman napalabas na din ako ng wala sa oras.

"Oh God. Sel! You made us all worry. Bwisit ka talaga. Dapat nagsabi ka man lang." Agad na sugod yakap sa akin ni Brooke. Niyakap ko naman siya pabalik bago tumingin sa iba pa naming barkada. Napatingin ako kay Wayne na nakatingin kay papa.

"Uh. Guys, i know you haven't met my father yet. Well. He is my real father. Dreigan Dela Vega. Pa, si Brooke, Stayner, Blue, Luioe and Uh. Wayne." Pagpapakilala ko sa kanila lahat. Nakipagkamayan naman ang mga ito maliban kay Wayne, kaya tinabig pa siya ni Stayner sa balikat pero kinunutan lamang siya ng noo nito.

"You don't have to say my name to him. I met him once." Malamig na sabi ni Wayne na siyang ikinagulat ko pati na rin ang mga barkada namin.

"Dude. You, what?" Hindi pa makapaniwalang tanong ni Stayner. Napatingin naman si Wayne sa kanya at tumango bago tumingin sa akin at kay papa.

"Oh. You didn't know? But I'm surprise. Why didn't he tell you?" He asked sarcastically at me before he looked at my father again. "I'm curious, why? Sir!" Matigas, malamig, mapait at may hinanakit na tanong niya sa ama ko. Napaawang naman ang labi kong nagpabalik balik ng tingin sa kanila.

"Because she doesn't have to know. My daughter deserves everything in life. Let's go Selena." Sagot ni papa bago ako tinawag. Ni hindi niya na pinansin pa ang mga kaibigan ko. Tatalikod na sana kami ng muling magsalita si Wayne.

"Yeah. Of course. She deserves everything. Both heaven and hell. That's how she deserves everything. But i wish, it will be a lot in hell than heaven." He said meanly. Tinabig pa niya ang katabi niyang gulat na si Stayner at sumakay na sa kanyang sasakyan. Iniwan niya kaming tulala lahat doon.

"What the hell is wrong with that man? Naku pasensya na po tito. May pagkatopak lang talaga ang isang iyon." Unang nakarecover si Brooke kaya humingi ng tawad kay papa. Tumango lang naman siya at tuluyan ng bumalik sa sasakyan. "Naku. Humanda sa akin si Wayne kapag nagkita kami. Bakit ba galit na galit sa'yo yun? Kung makaasta parang ex mo. Ang bitter." She said out of nowhere. And i swear muntikan na akong mabuking kung hindi lamang ako tinawag ni papa.

Someone Borrowed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon