Madami-dami din kaming napag-usapan ni Cindy kahapon, about sa buhay niya, mayaman din pala sila and nag-iisang anak din gaya ko. Malapit daw talaga siya sa mga beki. Yung bruha talaga ang daming sinabi. Napag-usapan din namin yung buhay ko at yung about kay vince. Naging crush ko siya ng slight lang naman dahil dun sa maarting nangyari. Pero slight lang talaga as in.
Excited na kong pumasok dahil at least may isa na kong kaibigan. Whoot-whoot! Masaya din pala sa feeling ng meron kang kausap at napagsasabihan ng mga bagay-bagay kahit simple lang.
"Ready na ko kuya Jobert, alis na tayo." Magiliw kong pag anyaya para sa pag pasok.
"Mukhang masaya ata ang amo ko ah, ano nangyare kahapon? Hmm??" Nagtatakang tanong niya sa kasiyahan ko. Hmp! Minsan na nga lang maging masaya ee! Charrrr! Hahaha
"May kaibigan na kasi ako dun sa weird na school na yun kuya. Hihi" masaya ko pa ding sagot.
"Aba, bago ata yan ah. Kaya pala masaya ka. Osya tara na." Yaya niya sakin.
"Sige po. Kuya, txt ko nalang po kayo if magpapasundo ako later, ha." Naka ngiti kong pagpapaalam.
"Sige" matipid niyang sagot.
Nakatingin na nanaman ako sa bintana, ee yun yung hilig kong gawin ee...
May nakita akong lalaking parang inosente ang dating tapos parang may hinahanap pero familiar yung mukha niya ee, san ko ba siya nakita? Hmmm... hmp! Yaan ko na nga. Di ko matandaan ee.
"Nandito na tayo sir!" Biglang sabi ni kuya.
"Ay inosente!" Gulat kong sabi. Bakit ba di ko laging napapansin na nandito na kami sa school tuwing ihahatid niya ko?! May nasabi tuloy ako.
"Ano po yun?" Pagtataka niya.
"Ah, wala yon. Hehehe. Bye kuyaaa ingaaat! Txt ko nalang po kayo ah. Byeee" paalam ko sa kanya.
Agad kong hinanap si Cindy sa room, pero wala siya. Hmmm siguro late? Hintayin ko nalang.
Nakatingin ako sa bintana nang biglang...
"Hi!" Sabi nang nasa tabi ko. Di ko pa nakikita and di ko naman kilala yung boses, kahit na magkakaklase lang kami. So tinignan ko.
"Ay palaka!" Gulat kong sabi. Si Vince pala. Lechugas. Si kraaaas my gaaawd dumidikit na sakin. Crush na din niya ko!! Charrrroooott! Hahaha assumera!
"Huh? Mukha ba kong palaka??" Nagtataka niyang tanong na ikinakunot ng noo niya sabay pout. Bakit ang cute niya??? Lalo ko siyang nagiging crush ee! Tumabi pa sakin. Hmp!
"A-ah, e-eh, hmm, di a-ah! Ang cute mo nga ee!" Nauutal kong sabi na ikinagulat ko dahil sa huli kong nabanggit.
"Ako? Cute?" Nakangisi niyang tanong. Whaaaa pano ba tooo?!
"Oo, cute ka. Mukha kang aso, di ka mukhang palaka." Sabi ko with matching blank face at tingin sa ibang dereksyon para di gaanong halata. Gosh! I'm gonna die na! help meeeee!!
"Ay? Akala ko totoo na! Paasa ka noh?!" Pagkadismaya niya pero ngumingisi naman. Kinikilig ako lalo. Leche.
"Sabay tayong mag-lunch? Gusto mo?" Alok niya na ikinalaglag ng bra't panty ko. Chaarot! Wala kong suot na ganon hahahaha.
"A-ah si-sige ba" nauutal kong pagsang-ayon. Gosh! Pwede na kong mamatay!! Si crush yon!!!
Umalis na siya after niya kong tanungin, yun lang talaga ang pakay niya. Kinilig naman ang nagmamaganda kong mukha. Sakto namang dumating si Cindy kaya sinenyasan ko ito na lumapit sakin.
"Ano na naman ba'ng kaartihan mo?" Nakangisi niyang tanong.
"Niyaya ako ni crush mag lunch! Sabay ka ah! Emegezz" kinikilig kong ibinalita sa kanya.
"Ako pa ba? Naman! Sama ko diyan." Mahangin niyang sabi. Arti talaga.
****
"Uyy! Ano? Tara na?" Yaya sakin ni Vince.
"Sige, pero kasama ko si Cindy ah. Hehehe" sagot ko nang nagpapa-cute.
"Sige" tipid niyang sagot.
Kumakain na kami dito sa cafeteria at panay ang tingin niya sakin. Kinikilig naman ako, pero ayokong magpaapekto dahil ayokong masaktan. Artiiii!!!
"Guys, salita naman kayo jan. Ang awkward ee. Hahaha" pagbasag ni Vince sa katahimikan.
"Ano ba gusto mong malaman? Tanong ko.
"Wag kang mag-alala, wala pang boyfriend tong bestfriend kong bruha kaya pwede ka pa." Sabat naman ni Cindy na ikinalaki ng mata ko. Hayuuup! Ang galeeeeng!!
"Hoy! Ano yan?! Harap-harapan mo kong binebenta ah!" Inis kong sabi na ikinangisi naman ni Vince.
"Ang tanong, payag ba siya?" Seryosong tanong nito. The eeeef?!?!? What the h*ll is happening to the world??!
"Oo naman! Sure na yun! Aarte pa ba yung kaibigan kong to?! Sa gwapo mong yan?! Hahaha" sagot ni Cindy. What the fiiiish!!
"Hoy!!! Bruha ka! Ano yang pinagsasabi mo?!" Inis ko dahil sa kahihiyang natatamo.
"Don't worry baby, from now on tayo na." Todo ngiti niyang banggit na may diin pa sa 'tayo na'.
"The f*ck?!" Pagkabigla ko. Di ko alam sasabihin ee.
"O sige, huling tawad, pseudo relationship nalang. Kunwari tayo na." Mahangin niyang sabi. Namula ata ako kasi naramdaman kong uminit yung mukha ko. Ayos na sakin yung pseudo relationship kasi di pa ko ready sa totoong relasyon.
"Hays, bahala kayo, ano pa bang magagawa ko? Wala na kong choice." Sagot ko na para bang wala na talagang mapagpipilian.
***
"Huy, san mo balak pumunta ngayon?" Tanong ko kay Cindy.
"Uuwi na, uwian na ee. Ayoko namang matulog dito sa school noh!" Sarkastiko niyang salaysay.
"Psh! Never mind. Punta nalang tayong mall-" di ko na natuloy ang balak kong sabihin dahil umulan bigla nung pagkasabi ko non.
"Mukhang di pwede ee, kita mo oh, umuulan." Panghihinayang niyang sabi.
"Hays. Badtrip. Sige na nga, uuwi nalang ako. Txt ko na si kuya Jobert" inis kong sabi.
Agad naman akong nagtungo sa kwarto ko at nahiga nang pagdating namin sa bahay. Sa sobrang pagod... na di ko naman alam kung anong dahilan kung bakit ba ko napagod ee nakatulog ako.
********************************
A/N: Hello guys! Kung sino man po yung nagbabasa, patulong po ako na padamihin pa kayong mga readers nitong story. Thank you! Love lots.
#TrueLoveWaits.
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)
FantasyMarami talagang bagay sa mundo ang di natin maintindihan, pero dahil sa wagas na pagmamahal, nabibigyan ng kasagutan. Hindi man lahat , pero at least karamihan. Pano kung ang di mo inaasahang pangyayari sa buhay mo ay dumating nang biglaan at dahil...
