Signs

930 39 0
                                    

Madami pa kaming ginawa sa mall non, pero di ko na iisa-isahin dahil yun lang naman yung usual na ginagawa ng mga pumupunta sa mall tulad nang paglilibot, pagbili ng magustuhan etc. Hahahahaa

Pagdating namin sa bahay ay nag-facebook ako.

"Love is everything"

" Always remember                    that true love is strong enough to conquer all the obstacles that block on its way"

"Sometimes only Love could be the answer in some mysterious incidents"

"The bible says, Love never fails. If it fails, it wasn't love"

Sunod-sunod na hugot ang nakita ko sa news feed ko.
Di kaya...???

"Christian..." tawag ko sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya.

"Ano nararamdaman mo sakin?" Tanong ko na naman.

"Nararamdaman ko...? Hmmm may panganib" sabi ni Christian.

"Nakalimutan kong sabihin na nakakaramdam din ako ng panganib." Dagdag pa niya.

"Huh? May panganib?" Pagtataka kong tanong.

"Oo, at lumalakas yung masamang inerhiya" medyo magulo niyang sabi. Di naman yun yung gusto kong iparating ee. Tsk.

"Ano namang klaseng panganib yan?" Usisa ko.

"May mangyayari sa pamilya mo." Mahinahon niyang sabi.

"Huh? Ano nama--" di ko na natuloy dahil may narinig akong malakas na kalabog sa labas.

"...Yun ba ang gusto mo?! Edi sige! Pagbibigyan kita! Now get out of my house, get out of my way, get out of my life! Wag mo na kong guguluhin kahit kailan!" Sigaw ni daddy kay mommy. Nakasilip lang ako sa may pintuan.

"Ganyan ka naman kasi! Hindi ka lumalaban para sakin! Dahil ako ang nilalabanan mo! Wala kang kwenta! Aalis ako kasama ang dignidad ko! Di ko kailangan ng pera mo! At magsama kayo ng babae mo!" Ganting sigaw ni mommy. Agad na umalis si mommy para kunin ang mga gamit niya sa kwarto at umiiyak na umalis.

Ni hindi man lang ako pinuntahan. Yaan na nga, sanay naman na ko. Di ko nadadama presensya nila dito. Pero parang pang-habang buhay ko nang di mararamdaman ang presensya nila kasi gusto ko na ding humiwalay. Tsk.

"Love never fails" sabi ko nalang sa sarili ko.

"Hmp! Makatulog na nga." Sabi ko ulit sa sarili at lumapat na sa kama at nakatulog na.

***

(Christian)

Nakakaawa ka naman, pero hayaan mo, naniniwala akong may magandang dahilan kung bakit nangyari yan. Di ko alam pero parang ang bigat sa loob, parang may kung ano mang kakaiba sa loob ko at may nararamdaman akong ganto yun ba yung lungkot? Lungkot na madalas kong marinig. Saka bakit parang ang gaan-gaan naman kapag kinakausap mo ko, eto pala pakiramdam ng ganon, sa tingin ko ito yung tinatawag nilang saya. Ano na nangyayari sakin? Madami nang nagbabago, madami nang nadadagdag na pakiramdam.

Ano kaya yung nangyari satin ano?
Pano kaya maipapaliwanag ang mga yon?
At saka yung tanong mo na bakit ako masyadong nangigialam sayo para lang mailigtas ka'y di ko rin alam ang sagot.
Baka sumobra lang ako sa pagmamahal. O di kaya'y iba na pala ang pagmamahal ang nai-aapply ko sayo. Di maaari-- Di to pwede.

"Bakit gustong-gusto kitang tinitignan-tignan? Bakit gustong-gusto kitang tinititigan? Bakit gusto ko dapat lagi kang masaya? Bakit ayaw kitang nasasaktan? Bakit ngayon ko lang to naramdaman? Ano ba nangyayari sakin? Di to nararapat... di ito kasama sa dapat kong gawin... bakit? Saka totoo ba yung mga binasa mo kanina? Di kaya'y... mahal na kita? Dati pa? Ee kung nangyari yon, edi dapat mahal mo rin ako. Hindi tama dahil di mo naman ako nakikita, at nakasisiguro akong binura ko lahat ng ala-ala ng panaginip mo nung mga panahong magkasama tayo sa ibang dimensyon. Alam ko binura ko yung masasayang ala-ala natin jan sa isip mo, pati yung mga pagbibigay ko sayo ng regalo, ng mga paborito mo, at yung lagi kong pangsu-surpresa sayo. Alam ko binura ko din lahat ng mga pangyayaring nagpapakita ako sayo. Alam ko din na wala na yun sayo... maaari bang ang utak lang ang makalimot? Di maaari ito, dapat una palang di ko na tinuloy. Di kaya, totoo yung madalas nilang sinasabi na, 'utak lang ang nakakalimot, ang puso'y hindi, kailan man' ganon ba talaga kalakas ang pagmamahal ? Kahit hindi kauri, basta mahal mo, mahal mo? Bakit hindi ko maintindihan?" Sabi ko sa sarili ko.

Puntahan ko nga ang panaginip niya, wala kong magawa ee.

"Sino na naman ba yung kausap niya? Bakit hindi niya ko maisip man lang?!" Inis kong sabi. Inis? Nakakaramdam na rin ako ng inis? O baka selos? Ganto yung alam kong term. Di ako pwedeng magselos. Di ako pwedeng makaramdam netong mga to! Hindeeee!!! Ugh! Pati galit nararamdaman ko na din? Ano bang nangyayari sakin?!
Makaalis na nga dito.

Naghintay ako ng ilang oras hanggang mag-umaga na.

***
(Miguel)

"Thanks! Walang pasok!" Magandang gising ko.

"Magpapaalam na ko kay papa na kung pwede ee bumukod na din ako." Sabi ko sa sarili at agad na tinungo ang kwarto ni papa.

"Papa, pwede po ba kong mag-boarding house or condominium? Bungad ko kay papang humihigop ng kape.

"Ikaw bahala, pero ganon pa din allowance mo." Mahinahon niyang sabi.

"Sige po! Pero ikaw magbabayad ng condo!" Magiliw kong sabi.

"Haays, ano pa nga ba? Si kuya Jobert mo na yung papaasikasuhin ko para kapag aalis ka na, di mo na ko hanapin." sagot niya.

"Sige po! Hehehe" huling sabi ko at umalis na.

***

"Lilipat na tayo ng tutuluyan mamaya! Masaya kong sabi kay Christian.

"Bakit gusto mo pang lumupat?"
Tanong niya.

"Para konti lang kasama ko, actually ikaw nalang ang matitirang kasama ko ee. hahahaha saka gusto ko lang subukan. " masaya kong sagot. Ngumiti lang siya.

********************************

A/N: sorry sa wrong grammar if meron man. Hehehe.

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon