*Cindy's calling.*
"Hoy! Bruha ka! Tagal mo nang di pumunta dito ah! Mag-aanim na buwan na!" Bungad niya sa pagsagot ko ng phone.
"Sorry na be, busy lang ako nung mga panahon na yun. Saka palagi naman ako sa inyo sa loob ng almost 3 and a half years. Kaya keri na yun! Hahaha" sabi ko sa kanya.
"Kailan mo balak pumunta? Alam mo namang ayokong umaalis mag-isa diba? Kaya ikaw pumunta dito!" Pagwawala niya.
"Oo na sige na. Pupunta ko jan pag may time. As soon as possible. Don't worry. Hahaha" pagkumbinsi ko sa bruha.
"Pag di ka pumunta, akin na si Christian! Yung boyfriend mo!" Pananakot niya sakin. Di ko pa din sinasabi sa kanya yung totoo na di ko na talaga nakikita si Christian. *sigh*
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo, di ko nga siya boyfriend! Di pwede!" Depensa ko.
"Wag ako girl, iba nalang. Di pa ba magiging kayo? Ee kayo lang nagkakakitaan at saka wala kang naging boyfriend noh! Kaya don't me!" Sunod-sunod niyang sabi.
"*sigh* ano pa nga ba. Sabi mo ee" sabi ko sabay irap. Di naman niya ko makikita ee. Hahaha.
"Osya sige na. Aalis ako ee. Byeee!" Sabi ko sabay patay ng tawag niya.
Aalis nga pala kami ngayon. Naalala ko nanaman yung mga nangyari kahapon. Aaarghhh nakakahiya talaga. Pero matagal na daw niya kong nakikita? May stalker pala ko here. Hahaha charrreng.
Nag-ayos na ko para ready na ko anytime na pumunta siya dito. Excited much? Hahaha.
Nasa tabi lang naman ng unit ko yung unit niya kaya anytime nanjan na siya.*tok!tok!tok!*
"Speaking..." sabi ko habang papunta sa pinto at sabay bukas na rin.
"Wow, ready ka na pala. So alis na tayo?" Anyaya niya.
"Tara na. Hahaha, san ba tayo pupunta? Di ako masyadong nagpabongga ha." Sabi ko.
"Ayos lang yun noh, di pa naman tayo kaya hindi to date. Bonding lang" sabi niya sabay ngiti. Casual lang suot namin.
Umalis na rin kami sa condo at nagpunta ng park. Bakit dito pa? Nakakahiya pa naman yung nangyari kahapon. Tsk."Ba-bakit dito?" Utal-utal kong pagtatanong.
"Kasi masaya dito. Saka sa mall naman tayo pupunta mamaya para mag lunch ee." Paliwanag niya sabay kindat.
"O-okay. Ano gagawin natin dito?" Tanong ko. Nakaupo na kami sa pinag-upuan namin kahapon.
"Magkukwentuhan. Wala ka bang kaibigan dito?" Simula niya sa pagtatanong.
"Wala, nasa malayo yung kaisa-isa kong kaibigan ee" sagot ko. Parang gusto ko nga ding sabihin na, 'tapos si Christian nawala pa' hahahaha. Di ako maka move on ee. Hahaha
"Ngee, edi ang lungkot mo diyan? Wala ka pang kasama." Sabi niya.
"(Sinabi mo pa. Chareng!) Di naman, busy kasi sa school kaya ganon." Sagot ko.
"Anong year mo na ba?" Usisa niya.
"Grumaduate na ko." Sagot ko.
"Talaga?! Anong course kinuha mo?" Tanong niya.
"Arts and Design." Sagot ko nang may bigla akong nakita.
"Vi-Vince?!" Sigaw ko na mahina lang, yung kami lang ni Zander nakarinig.
"Huh?, sinong Vince?" Tanong niya sabay tingin sa tinitignan ko.
"Wa-wala..." sabi ko at nagulat ako kasi papalapit si Vince samin.
"Miguel, pwede ba tayong mag-usap?" Sabi niya na ikinainit ng ulo ko dahil naalala ko yung panloloko at pang-iiwan niya.
"Hindi ee, kasi may kasama ako. Boyfriend ko, si Zander." Palusot ko na di ko alam kung saan hahantong ang lahat.
"Tara na Zander, punta na tayong mall, diba magla-lunch tayo dun?" Anyaya ko kay Zander para makatakas sa nakakainis na nakaraan.
Tumayo na kami saka naglakad papalayo, di naman na nagpumilit si Vince kaya malaya kaming nakaalis.***
Pagdating namin sa mall ee nagpunta agad kami sa isang restaurant at umorder na rin.
Saka naghintay. Habang naghihintay..."Sino si Vince?... At boyfriend? Ibig sabihin tayo na?! Wala nang bawian ah!" Pagtataka niya na nauwi sa excitement. Haays, napasubo ako nang di oras. Bahala na. Hahaha
"Tao si Vince. Isa siya sa aking mga nakaraan. Ano pa nga ba magagawa ko? Edi sige tayo na. Pero wala pa kong nabubuong feelings para sayo ha! Kaya umayos ka, dapat maramdaman kong mahal talaga kita. Hahaha" sabi ko.
"Oo naman! Ako pa ba?! Easy lang yan sakin noh! Hehehe. Pero ano ginawa sayo ni Vince? Bakit parang galit ka sa kanya?" Tanong niya kaya sinabi ko na rin.
"Ee ang lakas din pala ng kapal ng mukha niya para pumunta dito! Manloloko naman pala! Tsk." Inis niyang sabi.
"Pabayaan mo na. Kalimutan na natin yun." Sabi ko at saktong dumating na yung pagkaing hinihintay namim at kumain na kami. Di ako mahilig magsalita habang kumakain at ganon din ata siya kaya tahimik lang kaming kumain. Pagkatapos namin kumain ee naglakad-lakad kami sa mall.
"So... anong favorite mong dessert?" Tanong niya.
"Uhmm... Ice cream?" Di ko siguradong sagot dahil wala naman talaga kong favorite na pagkain. Kahit ano nga kinakain ko ee basta food. Hahaha.
"Tara, kain tayo ng ice cream sa DQ." anyaya niya.
"Sige." Sagot ko at dumeretso na kami sa Dairy Queen.
"Ano sayo?" Tanong niya.
"Brownie Temptation" sagot ko.
Double dutch yung inorder niya, sakin brownie temptation. Habang naglalakad kami ay kumakain kami ng ice cream! Charap-charap! At habang naglalakad at kumakain kami ng ice cream ee may nakita akong mga cap. Ang ganda nung cap!
Kaya patakbo akong pumasok dun sa store na punong-puno ng mga cap!"Bagay ba?" Tanong ko ng nakangiti nung sinukat ko yung isa sa mga cap na nandito. Kaso tinitigan lang niya ko na parang natulala.
"Hoy! Naa-adik ka ba? Pahuli kita kay Duterte sige. Bagay ba 'to sakin?" Tanong ko ulit.
"O-oo bagay. Gwapo mo nga ee." Sabi niya na may patango-tango pa.
"Tinanong ko lang kung bagay, di ko sinabing sabihin mong gwapo ako. Di marunong sumagot. Hmp! Hahaha" Pananaray ko pero siyempre biro lang yon. Kumuha ako ng isa pa habang suot-suot ko pa rin yung isa. Pagkakuha ko ng isa pang cap ay isinuot ko kay Zander na nagpatulala din sakin. Ang gwapo niya shems. Argh! Samahan pa ng mala inosente niyang aura dahil sa di niya inaasahang ginawa ko sa kanya. Ang gwepe nete. Papahuli ko talaga to ee, adik na magnanakaw pa. Adik na sakin tapos magnanakaw pa ng damdamin... ninakaw yung damdamin ko! Chareng.
Binili ko na yung dalawang cap na kinuha ko."Huwag mong iwawala yan ah. Sakin din, di ko iwawala" sabi ko sa kanya.
***
Inabot na din kami ng gabi dahil sa paglilibot at nanood din kasi kami ng movie sa sinehan. Di naman ganon ka-gabi pero mga 7pm ganern.
********************************

BINABASA MO ANG
My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)
FantasyMarami talagang bagay sa mundo ang di natin maintindihan, pero dahil sa wagas na pagmamahal, nabibigyan ng kasagutan. Hindi man lahat , pero at least karamihan. Pano kung ang di mo inaasahang pangyayari sa buhay mo ay dumating nang biglaan at dahil...