Reminiscing

931 41 0
                                    

"Huy chaka girl, ready ka na ba? Saka ano pala number mo? Tagal na nating magkakilala ee facebook lang ang communication natin!" Chat ko sa bruha.

"Malapit na, teka lang. Eto number ko 09056635884" reply ng chaka.

"Puntahan ka na namin ah." Sagot ko.

"Tara na alis na tayo." Sabi ko kay Christian at tumango lang siya.

"Kuya Jobert! Pahatid kami sa bahay nina Cindy" anyaya ko kay kuya Jobert.

"Kami? Sino kasama mo?" Tanong niyang nagtataka. Ayshh, ang tanga ko talaga. Tsk.

"Kami, kasi mataba ako, so parang dalawa ko" pabiro kong sagot.

"Eh? Tama lang naman katawan mo ee, macho pa." Kunot noo nyang tugon.

"Hay naku kuya, tigilan mo ko. Tara na." Pag-iwas ko sa usapan.

Maya-maya pa ay narating na namin ang bahay nina Cindy, sinabi niya naman na sakin kung pano pumunta sa kanila.

"Huy! Nandito na kami! Labas ka na" text ko kay bruha.
Maya-maya pa ay lumabas na din siya.

"Uy! Nanjan ka pala? Hehehe tara na." Pagbati sakin.

"Ewan ko sayo. Bahala ka jan." Sabi ko sabay irap

"Joke lang ee, tara na" sabi niya sabay sakay.

"Nasan pala si fafa Christian?" Pabulong niyang tanong. Aba kung hindi ay mapapatay ko to. Hahahaha

"Nanjan lang yun sa tabi-tabi. Makikita mo nalang mamaya sa mall or kaya jan sa himpapawid." Sagot ko. Wala kasi siya sa sasakyan.

"Ay ganon?" Mabilis niyang sabi sabay tingin sa labas. Ang harot talaga ng bruha.

"Ay be! Totoo nga! Ayun siya oh! Nalipad na parang si Peter Pan, Ako daw si Wendy! Ikaw si Captain hook! Hahaha" excited niyang salaysay.

"Tsk, masyado akong maganda para maging si captain hook." Mahina kong sabi sabay irap at tingin sa labas.

"Uy! Nandito na tayo!" Sigaw ni Cindy.

"Baba ka na." Sabi ko. Bumaba na din ako. Nandito na kami sa mall, sa loob.

Habang naglalakad ako--kami, may nakita akong laruan na shovel. Napatulala nalang ako doon kasi may naalala ako.

Nung bata pa ko... (akala mo ang tanda na ah) ok, nung 7 years old ako, nagpunta kami sa isang beach. May white sand sa resort na yun... naglalaro ako sa dalampasigan, nakakita ako ng isang laruang bagay na panghukay tapos nung kukuhanin ko na, nasipa ko kaya napunta yun sa may dagat at lumutang. Maalon nung mga panahong iyon at mabilis na nailayo sakin yung laruan pero lumusong pa din ako para makuha dahil gusto ko maghukay gamit yon, nang bigla nalang may malakas na alon na humampas sakin, nasa hanggang dibdib ko palang naman yung nararating ko pero nawalan ako ng balance. Di ko makapa yung lupa, di ako makahinga. Nalulunod ako, di pa ko marunong lumangoy, sigaw ako nang sigaw ng tulong pero wala, walang tumugon. Di ko na kinaya yung nangyayari sakin. Di ko na alam ang sumunod dahil nagising nalang ako sa isang lugar na puro puti ang makikita. Puting pader, kama, kumot, unan... tinanong ko si mommy kung pano ko napunta dun. Dinala daw nila ko dun dahil nakita daw nila ko sa dalampasigan na walang malay.

"Huy! Akala namin nawawala ka na!" Sigaw sakin ni Cindy.

"Ha-huh? Nawawala?... kasama mo naman si Christian ee, madali niyo lang akong mahahanap." Gulat kong sagot.

"Ano ba kasi nilalandi mo dya't nagdrama ka na jan sa gitna ng daan?" Sabi niya na ikinahiya ko bigla. Ang dami kasing tao. Hahaha

"May naalala lang ako." Simple kong sagot habang naglalakad na.

"Ano naman yun?" Nagtatakang tanong ni Cindy. Nakatingin lang samin si Chris.

"Nalunod ako nung bata pa ko." Sagot ko.

"Nalunod? Ee kung nalunod ka edi dapat patay ka na. Duh!" Pang-aasar niya.

"Ewan ko sayo!" Sagot ko sabay tingin kay Christian.

"Alam mo ba yung nangyari sakin nun?" Tanong ko sa kanya na hindi niya agad sinagot.

"Ah-eh, oo. Ako yung nagligtas sayo nun, dinala kita sa dalampasigan at gumawa ng eksena dahil nanggulo ako sa cottage niyo gamit ang mga dahon na nililipad papunta sa direksyon mo kaya napansin ka nila. Madali lang para sakin ang ginawa ko dahil yung cottage niyo ay tapat na agad ng dalampasigan." Pagsasalaysay niya. Na ikinatulala ko dahil may naalala na naman ako.

"Wow, nakakainggit naman!" Sabat ni Cindy.

"Ikaw din ba yung lalaking nasa labas ng school na parang may sinasabi nang biglang nadulas si Vince?" Tanong ko sa kanya.

"Oo ako nga yun, kasi kung di ako gagawa ng eksena, ikaw yung madudulas." Paliwanag niya.

"Ikaw din ba yung may gawa nang ulan nung pupunta kami dapat sa mall ni Cindy para di kami matuloy at madamay sa hold-up-an ??" Panibagong tanong ko.

"Uhuh" simpleng sagot niya habang nakangiti.

"Bakit mo ginagawa yun?" kunot-noo kong tanong.

"Di ko din alam ee." Pang tanga niyang sagot.

"Eh?" Sabay naming sabi ni Cindy pero ngumiti lang siya na parang bata.

"Pero be, ang swerte mo at may ganyan ka. Ako nga di ko sure ee" change topic ni Cindy.

"Ang pagkakaalam ko kasi..." sabi ko pero di ko na tinuloy.

"Ang pagkakaalam mo kasi? Ano?" Panggagaya ni Cindy sa tono ko na nakakunot noo pa.

"Ang pagkakaalam ko kasi ay nasa mall tayo kaya tara na, kain na tayo at nagugutom na ko" sabi ko na may pagka eksaherada.

"Ay oo nga. Tara na nga." Anyaya ni Cindy.

Nandito na kami sa isang restaurant and umorder na si Cindy. Alam na, dakilang alalay. Hahahaha charot lang.

"Bakit ako, di pa ko nakaranas ng mga naratanasan mo? Yang mga paligtas-ligtas ng anghel. Hmp! Ang corny ng guardian ko teh!" Basag ni Cindy sa katahimikan nung pagkaupo niya.

"Ewan ko! Ako guardian mo?!" Eksaherada kong tugon.

"Ee kasi naman ee.. Hellooo? Nandito ka ba ngayon? Magpakita ka naman sakin oh!" Parang tanga niyang pagkausap sa hangin habang nililibot ang tingin sa kawalan.

"Ang drama mo teh. Tigil na, di bagay. Promise!" Pangbubuska ko sa kanya, at dumating na ang inorder namin at kumain.

"Ang alam ko kasi hindi dapat pinapakialaman ng mga angel ang mga ginagabayan nila ng sobra-sobra. Hmmm.. kakaiba lang." Sabi ko sa sarili. Wala akong pake kung mabasa man ni Christian yung nasa isip ko.

********************************

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon