Madaming taon ang lumipas... Isa... dalawa... tatlo... apat... lima... labing limang taon ang lumipas at sa loob ng labing limang taon, tatlong taon akong niligawan ni Vince. Siyempre, di muna ako nagpa-easy to get no. Ang sakit kayang mawalan, kasi na-realize ko na, yung mga taong minahal ko ee mabilisan ko lang nakuha kaya mabilis ding nawala. Kaya sinubukan ko namang patagalin at magpa-hard to get ang peg. Sa loob ng tatlong taong panliligaw ni Vince, hindi nawala yung pagiging sweet niya, mapag-alaga niya, maging yung pag-intindi niya sakin, di niya ko iniwan dahil sa mga flaws ko. Ginawa din namin yung ginagawa namin ni Zander na, walang tinatagong lihim, walang kahit na anong kasinungalingan. Mali man, pero para din siyang si Zander. Wala kaming naging pagtatalo at pinagseselosan. Malaki ang tiwala namin sa isa't isa. Minsan nga ee, sinubukan ko siya kung susuko ba siya agad sa panliligaw dahil nagkunwari akong may kausap na lalaki at kinikilig-kilig pa kunwari pero ang totoo non ee si Cindy lang din yon. Nakuha niya yung tiwala ko dahil tinanong ko siya kung galit ba siya dahil may tumawag sakin tapos kinikilig-kilig pa ko, pero di siya nagalit o nagselos man lang. Ang sabi niya lang 'nililigawan kita para magustuhan mo ko, hindi para lang sa maging akin ka.' Di ko makalimutan yang sinabi niyang yan, siyempre totoo naman yung sinabi niya ee. Kung yung iba niyan, galit na saka di na mamamansin tapos iiwan ka nalang ng parang bula. Yun din pala yung araw na sinagot ko siya and sinabi na di naman talaga lalaki yung kausap ko. Minsan nga, napagkwentuhan namin yung kalandian namin nung high school pa kami, sabi ko sa kanya na manloloko naman talaga siya dati pa, pero tinawanan niya lang ako at sinabi na, noon lang daw yon, nung di pa niya ko mahal.
Masaya kami sa setting namin, thrice a week kaming may date. Siyempre bawal araw-araw, may trabaho kami noh! Hahaha saka minsan out of town or out of the country. Lagi niya kong sinu-surprise, minsan flowers, minsan chocolates, minsan stuff toys, at kung anu-ano pa, pero yung pinaka nagustuhan kong surprise niya ee yung couple ring, di man kami ikasal, ayos na sakin ang couple ring na may nakalagay na, "Vince's True Love" sakin tapos "Miguel's Lover" naman yung kanya. Napaluha pa nga ako nun ee, OA na kung OA pero promise... na-iyak ako.
Nag ampon din kami ng dalawang bata, isang lalaki at isang babae. Magandang lahi ang mga ito, mapuputi at makikinis, at swerte pang kambal sila. Inampon namin sila nung baby pa talaga sila tapos natutuwa kami kasi parehas dada yung tinatawag samin dalawa. Kahit ganto lang, masaya na kami. Kahit wala nang kasalang maganap, kasi para sakin, ang kasal, nasa papel lang ngunit ang pagmamahal, nasa tao yan.
Ngayon ngang 15 years na ang nakalipas, 10 years old na sina Christina at Xander. Grade 5 sa school na pinasukan namin nung High School pa kami ni Vince. Matalino silang dalawa at nakakapasok pa sa top, di kagaya ko--namin ni Vince hahahaha. Halatang di samin galing ang mga bata. Pero ganon pa man, sinabi na agad namin sa mga anak namin na di kami ang kanilang tunay na magulang and sinunod namin yung kasabihang 'Honesty is the best policy' kaya walang nagsisinungaling sa pamilya namin. Matatawag ko na din itong isang perfect family dahil puro lang kami kasiyahan at walang awayan. May di man pagkakaintindihan at nagkakainitan kung minsan, pero di na namin paaabutin ng gabi o umaga yung mga di pagkakaunawaan. Sana nga hindi na sila mawala sa tabi ko, sana di na nila ko iwan.
Ngayon nga ee papunta kami sa Palawan para magsaya, Saturday ngayon at bukas ang uwi namin.
"Ready na ba kayo guys?!" Masaya kong tanong.
"Oo, honey, ikaw?" Tanong sakin ni Vince.
"Yes, honey! Kanina pa." Sabi ko sabay ngiti.
"Kayo Christina, Xander, ready na ba mga gamit niyo? Yung toothbrush niyo? Twalya, sabon, shampoo?" Sunod-sunod kong tanong.
"Yes daddy Migz!" Sabay nilang sagot. Ang cute talaga nila! These are little angels. Thanks God for giving me this kind of family. Tama si Vince sa sinabi niya noon, yung hugot niya noon.
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)
FantasiaMarami talagang bagay sa mundo ang di natin maintindihan, pero dahil sa wagas na pagmamahal, nabibigyan ng kasagutan. Hindi man lahat , pero at least karamihan. Pano kung ang di mo inaasahang pangyayari sa buhay mo ay dumating nang biglaan at dahil...
