The Visit

665 32 0
                                    

Minuto.. oras.. araw.. at linggo ang lumipas. Paulit-ulit ang routine namin ni Zander at dahil don ee napamahal na talaga ko sa kanya. Totoo yung pagmamahal ko sa kanya pero di ko pa rin makalimutan si Christian. Pero di ibig sabihin non ee niloloko ko lang si Zander. Sadyang ganon lang siguro na di ko kayang kalimutan si Christian. Salamat sa nakaintindi sa sinasabi ko.
At dumating na ang napag-usapan namin ni Zander.

***

Ang tagal din ng panahon bago ako maka bisita dito, eto na. Kumatok ako ng tatlong beses at maya-maya pa ay bumukas na ang pinto at agad na bumungad samin si Cindy na parang gulat na gulat sa kasama ko.

"Ah oo nga pala, boyfriend ko, si Zander." Masayang pagpapakilala ko kay Zander.

Nanlaki yung mata niya na nahalata naman naming dalawa ni Zander, at eto namang si Zander ee nagbigay lang ng napaka-tamis na ngiti sabay sabing... "Hello, Cindy".

Oo kilala na niya si Cindy dahil madalas ko nga siyang ikwento dito. Eto ba naman kasi ang kai-isa-isang best friend ko sa loob ng mahabang panahon! Hay grabe, buti nga at di ako nananawa dito sa babaeng ito ee. Hahaha. At saka magda-dalawang linggo palang naman kami ni Zander kaya nagulat talaga si Cindy dahil ang alam niya na boyfriend ko ay si Christian dahil sa yun ang pinaniniwalaan niya.

"Tuloy muna kayo at mukhang madami pang ikukwento sakin tong boyfriend mo, Zander. Hehehe". Pagpapatuloy niya samin ng may pagtataka. Siyempre di ako pumasok agad-agad kahit na gawain ko yun noh, may hiya din naman ako, nahiya ako hindi dahil kay Cindy, kundi dahil kay Zander. Hehehe landeeee!

Naupo kami sa mahabang sofa, mayaman naman kasi itong si Cindy, at saka nag-iisa lang siya ngayon dahil yung boyfriend niya ee seaman at nagtatrabaho na sa kasalukuyan.

Naghahanda si Cindy sa kusina nila. (oo mayaman sila pero kuripot kaya ayaw kumuha ng katulong.)

"Miguel?! Tulungan mo nga ako dito! Para ka namang bago nang bago ee!" Sigaw niya sakin na ikinagulat ko naman dahil sa lakas ng sigaw niya hahaha.

Nakasanayan kasi namin na kapag naghahanda siya ng merienda o kahit anong makakain ee nandun ako. Hahahaha sorry naman! Tagal ko na kayang di nakaka-dalaw dito. Mahigit ilang buwan na din, mga pito ganern. Di ko matandaan ee, masyado kasi akong naging busy dahil graduating ako, at kaka-graduate ko lang ng college nitong bakasyon sa kursong
Arts and Design. Pero alam ko nasabi niya yun nung tumawag siya sakin one time. Pinuntahan ko na si Cindy at baka mamaya ee sugurin pa ko sa sala at mabigyan pa ko nang havey at bonggang-bonggang batok ee mapahiya pa ko sa kasama ko. Hahahaha

"Ano na naman ba problema mo?! Ganda-ganda ng sikat ng araw sa labas tapos ikaw ang pangit-pangit mo!" Pang-iinis ko sa kanya sabay ngisi.

"Tigilan mo ko sa kaartehan mo ha! At sino yang kasama mo?! Asan si Christian?!". pabulong ngunit malakas at madiin niyang sabi sakin. Napatawa nalang ako kasi para siyang bata, tinutok pa talaga sakin yung tinidor na hawak niya.

"Hoy babae, di ako kriminal, wag kang mag alala, walang masamang nangyari kay Christian." Natatawa ko pang sabi.

"O, ee nasan nga siya?!" Pangungulit nito. Ngunit nagbago lamang ang expression ng aking mukha, nahalata ata niya yon.

"Uyy, ano nangyare??" Pagbaba at paghinahon ng tono nito.

"Hindi ko nga din alam ee, bigla nalang siyang nawala isang umaga. Namimiss ko na nga siya ee, ilang taon ko na din siyang di nakikita." Malungkot kong sabi.

Siya lang naman kasi nakakakilala kay Christian kasi siya lang yung matalik kong kaibigan, at di ko naman siya pwedeng ipakita sa magulang ko, siguradong magtataka yung mga yun saka isa pa, hiwalay na sila mama at papa. Mahabang panahon din kaming nagsama sa panaginip ko noh, nakakamiss lang.

"Ano ka ba, mag move on ka na nga! May Zander na ko ngayon. At masaya kami. Wag kang magulo. Bleh bleh" Pagbabalik ko ng sigla at pang-iinis ko sa kanya sabay patong ng kamay sa ulo at ginawang tenga sabay dila na parang bata. Masaya naman talaga kami ni Zander, sa katunayan nga ee para siyang si Christian. Di ko po siya panakip butas, sadyang namiss ko lang si Christian noh. Echoserang mga toh!

"Pero seryoso, pwede mo bang ikwento yung pangyayare bago siya nawala?" Concern niyang pagtatanong.

Kaya kinuwento ko yung nangyare habang naghahanda ng mirienda, para makalaya na din ako sa kalungkutan ko. Ang hirap kaya ng may tinatago. Tsk.

"Aww... anong nangyare? I mean pano yun nangyare?" Mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"Hindi ko din alam ee. Pero, hayaan na muna natin yun. Di man ako umaasang magkikita pa kami. Pero alam ko na nanjan lang siya sa tabi-tabi." Malungkot kong sabi.

"At hindi ko din nakikita yung kwintas na binigay niya sayo. Sana one day... magkita din kayo." Sabi niya pa.

"Pero unfair ka! Ilang taon mong tinago sakin yan! Naniniwala ako na lagi kayong magkasama at masaya pero di naman pala! Tsk!" Dagdag pa niya.

"Sorry na. Ee ayoko lang kasing maramdaman ulit yung naramdaman ko noon dahil sigurado ako na mararamdaman ko ulit yun once na magkwento ako... and di ako nagkamali." Paliwanag ko.

"*sigh* oo na, naiintindihan ko na. Tara na't ilagay na natin to sa sala para makain niyo na" sabi niya sabay buhat ng inihanda naming sandwich at juice na para din naman sa amin.

Nagkwentuhan kami ng mga oras na yun. Kung paano ko nakilala si Zander at yung madalas naming ginagawa.. pati yung pagmamalaki ko kay Zander dahil mahilig at mabait siya sa mga bata... yung pagkikita namin ni Vince.. yung sa trabaho.. sa college life.. at madami pang iba.

********************************

A/N: "The end"..

Charrr hahahahahaha di pa tapos pero malapit na. Konting push nalang talaga. Minamadali ko na ngang tapusin kasi magpapasukan na at alam kong mawawalan ako ng time for this pag pasukan na. Hahaha                

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon