Pseudo Relationship

1.3K 53 2
                                        

"Hi babe, good morning! Kain ka ng breakfast mo ah, wag magpapalipas... mahal pa kita. :*" yan ang nabasa ko dun sa txt na bumulabog sakin ng pagka-aga-aga. Unregistered number siya pero alam ko na kung sino... Si Vince. Hay naku! Ano ba tong napasok ko. Ewan. Lichee!!

At dahil di na ko makatulog ulit, nag-ayos nalang ako para sa pagpasok ko mamaya. Nakakainis, nabitin tulog ko. Isa-silent ko na yung phone ka pag matutulog na ko para di na ko mabulabog. Hahahaha

Nakakainis, naalala ko na naman na binwisit ako ng ulan kahapon. Hmp! Ang aga-aga bad mood ako.

"Kuya, tara na po." Matamlay kong sabi.

"Sige". Matipid niyang sagot.

Parang may biglang pumasok sa isip ko, Panaginip ko ata, may lalaking nakikipag harutan sakin mga nasa 17 to 20 years old ang itsura niya tapos gwapo, matipuno, kakaiba parang di tao sa sobrang pagkaperpekto. Parang ang tagal nanaming magkakilala, saka familiar yung mukha niya, matagal na. Sino naman kaya yun? At bakit ko siya naaalala or napapanaginipan ? Pero infairness gwapo siya at nilalandi ako, aarte pa ba? saka 16 years old palang naman ako noh! Chos! Di ko alam pero parang gumaan yung pakiramdam ko. Landeee!

"Nandito na po tayo!" Pagbasag ni kuya sa katahimikan.

"Ay gwapo!" Gulat kong sabi. Ano ba yan! Pwede bang nagugulat nalang ako?! Bakit may nasasabi pa ko?! Hmp!

"Gwapo? Ikaw ah, gwapo pala iniisip mo ah?" Pang-aalaska niya sakin.

"Ewan ko sayo kuya! Jan ka na, papasok na ko!" Inis kong sabi na ikinangisi lang niya.

Pagpasok ko sa room bigla nalang akong sinalubong ni Cindy na parang natataranta pa.

"Beee!!!" Malakas nitong sabi.

"Ano nanaman bang kadramahan ng buhay mo te?" Pang-iinis ko sa kanya.

"Nagpapasalamat ako sa ulan be!" Sabi niya na may mataas na tono.

"Tsk! Nabubwisit pa din ako jan. Teka nga, bakit ka naman nagpapasalamat sa ulan na sumira ng biglaang lakad natin?" Inis na may pagtataka kong sabi.

"Eh kasi may hold up-an don kahapon! May mga nasaktan nga ee, madami! Grabe talaga! Kundi dahil sa ulan ee malamang isa tayo sa mga na-hold up. Grupo daw yung nanghold up, madami sila. Puro mga lalaking malalaki ang katawaaaan! Katakooot!" Natataranta niyang sabi.

Di ako nakasagot agad. May mga pagkakataon talagang sinuswerte ka noh? Sa buhay di lang dapat laging pagtitiyaga, pagsisikap, katalinuhan, kabaitan, at marami pang iba, dapat meron ka ding swerte. Yan yung parang maliit na natutunan ko sa pangyayaring ito. Chareeeeeeng!!

"A-ah eh, ganon ba? Buti nalang at umulan. Hehehe." di malinaw kong sabi.

"Oo. Osya, pumunta ka na sa upuan mo at ibaba mo muna yung bag mo dahil kanina ka pa tinitignan ng boyfriend mo!" Pamamaalam niya.

Napatingin naman ako kay Vince, nakatingin nga pero umiwas agad ako nang tingin papunta kay Cindy. "Ha-huh?" Napakunot kong noo sa pagtataka.

"Don't me! Dalian mo na, makipag usap ka na don!" Pangtataboy niya sakin.

"Che!" Maikli kong sabi. Mas maikli pa sa bangs ni Dora at saka pumunta na ko sa upuan ko.

"Hi babe, di mo ko sinagot sa txt ko sayo kaninang umaga." malungkot niyang sabi sabay pout. Tengene! Ang gwafuu nawala bigla yung bad mood ko. Kinilig ako!! (Pout palang yan ah! Landi mo talaga!)

"A-ah eeee, wala kasi akong load. Hehehe" pagpipilit kong maging normal saka nag pa cute.

"Ganon ba? Bawi ka nalang sakin, kain tayo mayang lunch. Tayong dalawa lang." Mahinahon niyang sabi sabay bigay ng napakagandang ngiti. Takteee!! Yung ngipiiiiiiiin!! Ang puputi at ang gagandaaaa!! Emegezz help meee!! Tapos meron pa siyang teary eyes!! Emegeeeez!!! (Sunod ilong, kilay, pilik-mata, labi, tenga, paa, tuhod, balikat, ulo. Lahatin mo na! Nahiya ka pa ee!)

"Si-sige" matipid kong sagot dahil pag hindi ko tinipiran ee baka kung ano pa masabi ko dito sa gwapong nilalang na to! Grabeeee! Bakit ngayon ko lang siya na-appreciate?! Whaaa!!

***

"Babe, tara na" yaya niya sakin dahil lunch na.

"Sandali lang, tago ko lang tong notebook ko. Di ka naman nagmamadali niyan?" Natatawa kong sabi.

"Hindi naman, naeexcite lang dahil ito ang first date natin as a couple. Kahit jan lang tayo sa cafeteria dahil bawal tayong lumabas, ee ok na. Basta ba'y kasama kita." Nakangiti niyang sabi.

"Oo na! teka ayan na! Dami pang drama sa buhay. " pang aalaska ko. Gwapo talaga neto.

Habang papalabas kami ng room ee bigla niyang kong inakbayan. Namula ata ako dun sa ginawa niya, pero inalis ko na din.

"Ayaw mo nang akbay? Edi ganto nalang." Sabi niya sabay intertwine ng mga kamay namin. Inaalis ko pero ayaw niya ipaalis kaya hinayaan ko nalang. Namumula ko noh! Kasi kinikilig ako saka madami ding nakakakita samin kaya nakayuko akong pumunta sa cafeteria.

"Ako nalang bibili ng kakainin natin, ayokong nakikita kang napapagod kaya hintayin mo nalang ako dito." Pagpaalam niya sakin. So naghintay naman ako.

Naabutan ko nalang ang sarili kong nakatulala dun sa kabilang table na nasa harapan ko banda nang biglang may umupo dung lalaki na familiar sakin. Bakit ba puro familiar na lalaki nalang yung nakikita ko?! Di ko din matandaan kung iisang lalaki lang ba yung nakikita ko. Nakatulala pa din ako sa kanya habang kumakain siya.

"Huy! Huy! Sino ba yang tinitignan mo? Nandito naman ako." Panggugulat sakin ni Vince na nandito na pala na may pa clap-clap pa ng kamay para lang magising ako sa pagkakatulala at saka biglang nag pout. "huh? Eee-..." pagkagulat ko, ituturo ko sana yung lalaking tinitignan ko pero wala na siya dun. "... wala, wala akong tinitignan, inaantok lang siguro ako bitin kasi ako sa tulog ee. Tara kain na tayo ." Pagpapalusot ko at pag-iba ng topic.

"May lakad ka ba mamayang uwian?" Tanong niya sakin.

"Wala naman... bakit?" Sagot-tanong ko.

"Date tayo ulit? Sa mall naman. My treat." Anyaya niya sabay ngiti.

"Oohhh-kaaaaay? Sige, wala din naman akong magagawa sa bahay." Sang-ayon ko.

"Sunduin nalang kita sa inyo ng 5 pm." Nakangiti niyang sabi.

Masasanay ata ako sa gantong setting ah, ang gwapo kasi niyaaaaaa! Pero pano niya nalaman bahay namin?

"Alam mo bahay namin?" Pagtataka ko.

"Oo naman, kapit bahay ka lang namin noh! Naalala mo yung pagkanta mo ng Chandelier, I love you too much, the apology song, mahal kita pero, saka yung... ano... may mahal din dun ee... ayun! Mahal ko o mahal ako. Todo lakas ka pa nga non ee, tapos sintonado pa. Hahahahha" pagpapaliwanag niya.

Di ako makapagsalita sa sobrang hiya, napunta ata lahat ng dugo ko sa ulo ko. Grabe ang kahihiyan ko!!! Whaaaaa!!!

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon