Nagising nalang ako sa tunog nung alarm. Nakatulog na pala ko kakaisip. Totoo pala yung magigising ka nalang isang umaga na madami kang marerealize. Na-realize ko na nawalan pala ko ng pake, pake para sa sasabihin ng ibang tao sakin dahil si Cindy at si Vince lang naman ang nakakaalam ng preference ko dahil transferee ako dito sa school na to at dahil sa mga nangyayari samin ni Vince ee di ko na napapansin ang mga tinginan ng mga tao sakin at panigurado ako na madami na silang nasasabi about sakin. Bahala sila sa buhay nila noh. Tanggap ko namang pangit ako pero dahil insecure sila, dinaig ko pa tuloy ang mga dyosa. Mag-aayos na nga ako't baka ma-late pa ko sa kakaisip. May problema na ata ako sa utak ee, lagi nalang akong nag-iisip at kinakausap ang sarili. Hmp! Pa-check up kaya ako? XD hahahahaha.
"Kuya, tara na po?" Maarti kong sabi. Pabebe voice yan noh.
"Sige sige." Sagot niya.
Hays, bakit parang kakaiba ang atmosphere ngayon? Di ko like yung mga kakaiba kong nararamdaman. Ewan ko ba. Magulo sila, mas magulo pa sa di maayos-ayos na buhol-buhol na sinulid.
"Nandito na po tayo sir! Nakatulala ka nanaman." Natatawa niyang sabi.
"Ay sinulid! O-oo nga ee, may problema ata sa utak alaga mo kuya. Hahaha" pakikisakay ko sa trip niya.
"Mahirap po yan. Iba nang usapan yan. Hehehe" gatong pa niya.
"Hahaha jan ka na nga kuya! Bayiii" pabebe ko nanamang sabi at dumeretso na ko sa room.
Late nanaman ata si Cindy. Hmp! Ba't parang matamlay tong si Vince? May problema kaya to?
"Hey, Vince!" Magiliw kong tawag.
"Oh?" Suplado niyang sagot sabay hablot ng cellphone niya at nagpipipindot don. Tsk. May regla ata, bilhan ko kaya ng napkin to with wings. Tsk.
"May problema ka ba?" Pag-aalala ko.
"Wala" walang buhay niyang sagot.
"May regla ka ba? Gusto mo bilhan kita?" Natatawa kong biro sa kanya. Pero di na niya ko sinagot.
Kakaiba, pero parang nasaktan ako sa mga nangyayari... parang may mali... di naman siya ganto dati. Siya pa nga yung palaging mangungulit sakin ee. Hmp! Bahala siya jan. Kung ayaw niya kong kausapin, de wag!
Late nga talaga si Cindy dahil dumating na yung teacher namin pero wala pa siya...
Speaking of the bruha. Ayan na ang malandi kong kaibigan. Masabi nga mamaya yung about kay Vince.
***
"Uyy, tara kain tayo
My treat!" Sabi ko sabay ngiti.
"Sure! Lalo na't libre!" Parang bata niyang sagot.
"Bruhang to, basta libre at lamon ang usapan agad-agad susunggaban! Harot mo! Kati mo sa bangs!" Natatawa kong pang-iinis.
"Bruha ka din, sino ba namang di maeengganyong sumama kapag libre?!" Pagdepensa niya.
"Tara na nga, arti!" Anyaya ko.
Pumunta na kaming cafeteria.
"I said my treat, so ikaw bumili. Kahit ano lang sakin di naman ako maselan." Sabi ko sabay abot ng pera.
"Tamad mo girl! Pero okay lang, basta keep the change!" Maharot niyang sabi.
"Oo na! Bili ka na! May sasabihin pa ko!" Pagmamadali ko sa kanya. 1000 din yung inabot ko dun ah. Bruhang yon talaga, ang harot.
Nakatulala nanaman ako pero sa kawalan naman na. At parang na-eengkanto ata ako dahil may liwanag akong nakikita. Pumikit ako at kinalog ko yung ulo ko, at nung pagdilat ko... madami nang liwanag ang nakikita ko, maliliit, parang alitaptap. Kakaiba, parang napunta ko sa ibang dimensyon nang biglang... nang biglang may lalaking papalapit sakin, pero parang nagpe-fade... pilit kong tinitignan yung mukha dahil familiar pero palabo na nang palabo. Nagfocus ako lalo sa mukha niya nang biglang..
"Huy! Huy! Namamaligno ka ba?! Huy!" Pag-clap-clap niya habang nagsasalita. Nandito na pala ang bruha.
"Oo ata ee, may nakita akong lalaki. Di ko naman kilala." Nakakunot kong noong pagsabi.
"Hala ka girl! Pa-albularyo kaya kita? Katakot ka, pero ano itsura nung guy??!" Malandi niyang pangangamba.
"Una sa lahat, tigilan mo ko sa kaka-girl mo dahil di ako babae pero kahit di ako babae, mas maganda pa rin ako sayo, pangalawa di ko kailangan ng albolaryo! Pangatlo, naisip mo pa yung itsura ng maligno! Pero gwapo siya be, matipuno, parang perpekto na be. Di ata tao yun ee." Pagsakay ko sa trip niyang kakaiba. (Kaya nga maligno diba?! Engot neto.)
"By the way, si Vince, nag-iiba na. Hmmmp" dagdag ko.
"Bakit?" Pagtataka niya. Gulat naman ako dahil nakalimutan na niya yung tungkol sa malignong gwapo. Hahaha
"Kasi nanlalamig na siya." Matamlay kong sagot.
"Wow be ha! May feelings?! Kayo ba ba talaga?! At may nanlalamig ka nang echos jan?" Gulat niyang usisa.
"May point ka, pero kahit na, nagbago na siya. Buti di naging kami." Dismaya kong sagot.
"Oo at least maaaga palang nalaman mo na na mabilis siyang manlamig pagdating sa pagmamahal." Sagot-payo niya.
"May point ka nanaman." Simple kong sagot. Gusto ko sanang sabihin na, masakit... sobrang sakit. Pero wag na, magmukha pa kong tanga.
"Siguro dahil sa sinabi ko sakanya kahapon." Dagdag ko.
"Ano ba yun?" Tanong niya.
"Na kahit na mahalin ko man siya ee di ako susugal na maging kami." Matamlay kong sagot.
"Ay baka nga, at sumuko nalang agad. Iba din! Buti talaga hindi ka sumugal, mabilis pala sumuko ee. Di ka pa ipaglalaban." Gatong pa niya sa usapan. Matalino din pala tong bruhang to kahit konti. Salamat at nagkaron ako ng kaibigang ganto.
"May point ka nanaman, tatlo na point mo, guhit ka na ng triangle? you know, connect the dots. Hahahahaha" biro ko sa kanya.
"Ewan ko sayo! Bilisan mo nang kumain jan at baka ma-late pa tayo sa next subject natin. Malapit na kong matapos oh!" Pag-aapura niya sakin.
"Oo na teka." Tipid kong sagot.
Puntahan ko kaya si Vince sa bahay nila mamayang uwian. Hmmm. Ano naman ang gagawin ko dun? Hay ewan! Bakit ko pa ba iisipin yung buwisit na yun?
********************************
A/N: Wag na kayong mainip. Malapit na dumating si Christian!! Whoot Whoot!
Kapag may nawawala, may dumadating. Hahaha
Keep reading guys! Sana dumami pa kayong nagbabasa. Hehehe. Recommend niyo naman this story sa mga friends niyo. XD
#ChristianIsNear
#EverythingHappensForAReason
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)
FantasíaMarami talagang bagay sa mundo ang di natin maintindihan, pero dahil sa wagas na pagmamahal, nabibigyan ng kasagutan. Hindi man lahat , pero at least karamihan. Pano kung ang di mo inaasahang pangyayari sa buhay mo ay dumating nang biglaan at dahil...
