Linggo ngayon kaya day off namin. At napagpasiyahan namin na mag-date sa Park. At napag-usapan na din namin na susubukan namin di mag-mall at kakain nalang sa karendirya. Di naman ako maselan, kahit saan ok lang. Hahaha. kaya umalis na kami at nagpunta na ng Park.
"Babe, tignan mo oh! Ang daming bata!" Sabi niya sakin na para ding isang bata. Ngumisi nalang ako.
"Tara, sali ka samin, makipaglaro tayo sa kanila." Anyaya niya sakin. Kung titignang mabuti, para siyang isip bata, pero kung iintindihin mong mabuti, mahilig lang talaga siya sa bata. Yan yung pinagkaiba ng pagtingin at pag-intindi. Kaya karamihan sa mga tao ee judgemental, dahil sa tinitignan lang nila ang tao at hindi nila iniintinding mabuti. Pumayag akong makipaglaro sa kanila at maski ang mga magulang ng mga bata ee natutuwa din dahil nakangiti silang nanonood samin. Naglaro kami ng habulan, langit lupa, ice water, moro-moro, saka bring me. Yung bring me may prize. Iba talaga tong boyfriend ko. Sana makilala niyo din siya. Hahahaha. At hindi lang yon, nanglibre pa siya ng lunch para sa mga bata at sa kasama nung bata. Wala namang problema don kasi madami naman siyang pera saka ako din naman nakihati sa gastusin noh! Ang sama ko naman kung puro siya lang. Hahaha.
Nilibot namin ang lugar dito nang naglalakad lang, masaya naman kami dahil madami kaming nakikitang bago, saka kwentuhan na rin about sa maliliit na bagay saka sa kagustuhang mag-anak. Gusto daw niyang mag-ampon ng bata. Mga dalawang bata daw para masaya. Lalaki't babae. Ee sabi ko, di pa ko ready sa pag-aalaga ng bata kaya wag muna saka i-enjoy na muna ang bawat araw na kami lang munang dalawa.
Na-kwento ko na din si Vince, yung pagiging mabait niya sakin, yung pagdalaw-dalaw niya sa office ko nung mga panahong nawawala si Zander hahaha natatawa na lang siya kasi para daw may gusto sakin si Vince. Tapos sinabi ko na din na meron nga, and hindi naman siya nagalit kasi malaki daw tiwala niya sakin. Siyempre noh! Swerte ko na kay Zander tapos ipagpapalit ko pa ba? Ano sa tingin niyo? Ipagpapalit ko pa? Kung ako tatanungin, hindi na. Hinding-hindi na. Wala na siguro akong mahahanap na katulad ni Zander de Alonzo! Siya lang ang namumukod tanging taong may katangiang ganyan. Kung hindi nga lang siya nakikita ng iba, malamang iisipin kong angel siya. Pero hindi ee, tao siya. Saka isa pa, dahil sa kanya kaya naging katulad niya rin ako. Nakakahawa pala yun noh? Hahaha. Di na din mainitin ulo ko saka mahaba na din pasensya ko. Tumulong siya sa pagbabago ko. *sigh* dalangin ko na sana hanggang kamatayan na kaming magsasamang dalawa.
Inabutan na kami ng dilim dito sa medyo madilim at maliit na eskinita dahil wala gaanong ilaw. Saka dito kami dumaan kanina ee.
"Nauuhaw na ko." Sabi ko.
"Hanap tayo ng tindahan, alam ko may nadaanan tayo kanina ee." Sagot niya. Kaya nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa may nakita kaming tindahan sa kabilang banda ng street.
"Dito ka na lang, ako na pupunta sa kabila saka may liwanag dito kaya mas magandang nandito ka nalang ha. Hintayin mo lang ako." Sabi niya sakin. Medyo madilim nga sa kabilang banda don dahil ilaw lang ng maliit na tindahan ang nagsisilbing liwanag don.
"Ok honey. Hihintayin kita." Sabi ko sa kanya kaya umalis na siya ng biglang...
*boogsh!!!*
Na-estatwa ko sa nakita ko. Sa pangyayaring nakita ko. Isa.. dalawang minuto akong natulala sa nangyari at saka lang nag-sink in sa utak ko ang nangyari.
"Z-Zander?! Zandeeeeeeerrr!!!!" Sigaw ko habang papalapit sa kawawa kong boyfriend na nabangga ng walang kwentang tao! Sobrang lakas ng bangga! Maski yung driver hinimatay din dahil nasubsob sa manibela niya. Pero wala na kong pake sa kanya dahil mas may pake ako sa boyfriend ko!
"Zander!!! Sumagot ka! Ayos ka lang ba?!" Nandun pa rin ako sa pagkakabigla ko kaya di ko alam ang gagawin at nagtanong nalang ako. Nawala ako sa ulirat. Lumayas ata yung utak ko!
Nauubo-ubo niyang sinabi na "Totoo lahat ng pagmamahal na pinadama mo sakin. Ngunit wala nang mas tototoo pa sa pagmamahal mo sa kanya. Ngayon maliwanag na sakin ang lahat. Magkikita't magkikita din kayo dahil may hiwagang nagdudugtong sa inyong dalawa... hiwagang walang sino man ang makakaalam at makakasira. Naging masaya ko sa piling mo... sobra. Alam kong ganon ka din, ngunit kahit na masaya ka... di mo pa rin maiwasang maalala siya...
Tandaan mo din sana na, may dahilan kung bakit to nangyari. Habaan mo lang ang pasensya mo mahal ko." putol-putol niyang sabi at bigla nalang... sa isang iglap... sa isang simpleng ihip ng hangin... sa isang simpleng patak ng luha... sa isang huling sulyap... naglaho siya kasabay ng hampas ng hangin. Di ko maintindihan ang mga sinabi niya dahil wala talaga ko sa ulirat.
"Zandeeeeeeeeerrrr!!!!!! Zaaaaaaaandddeeeeeeeeeerrr!!!! ZAAAAAAAAAAAAANDDEEEEEEEEEEEEER!!!! Bakeeeeet?! Ano ka?!!!!" Sigaw ko sa kawalan ng biglang.
"Si-sir? Ayos ka lang po ba?" Tanong sakin ng isang lalaking di pa rin maayos ang kalagayan dahil nakahawak pa rin siya sa ulo niya't i-ika-ika. Hindi ako nakasagot agad. Napagkamalan niya siguro na ako yung nabangga niya. Sana nga ako nalang! Sana ako nalang!
"Sana ako nalang!!!" Sigaw ko sa kanya.
"P-pasensya na sir! Di ko po sinasadya. Di ko po nakita. P-pasensya na po talaga." Paghingi nito ng tawad na ikinainit ng ulo ko kaya tumayo ako't sinugod siya.
"Alam mo ba yung ginawa mo?! Alam mo bang ikamamatay ko yung ginawa mo?! Pano mo na siya ibabalik sakin kung ako mismo hindi ko alam?!!! Sumagot ka!!" Sigaw ko sa kanya habang hawak ang kwelyo nito.
At di maipinta ang itsura niya dahil wala namang ibang tao dun kundi ako lang at na-realize ko na baka magtaka pa siya at kung ano pa malaman niya. At may bigla nalang akong narinig.
" Tandaan mo din sana na, may dahilan kung bakit to nangyari. Habaan mo lang ang pasensya mo mahal ko."
Napakalma ako ng tinig na yun na alam kong galing kay Zander. Binitiwan ko nalang ang buwisit na lalaking pumatay sa pinaka mamahal ko at dumiretso sa unit ko. At dun ko binuhos lahat ng galit ko. Nagwala ako, nagsisigaw ako. Sinuntok ko nang sinuntok ang pader. Umiyak ako nang umiyak.
"Hindi ko maintindihan!!! Ano ba ang nangyayari?!!! Bakit lagi nalang kakaiba?!!! Bakit ikaw pa?!!! Sabi mo di mo ko iiwan! Pero iniwan mo din ako! Ang sakit! Ikaw na yun ee. Ikaw na yung lahat-lahat sa akin. Paano ko na to haharapin? Naglaho ka, pano ko to ipapaliwanag sa kanila? Wala akong pruweba! Lagi niyo nalang akong pinapahirapan! Lagi niyo nalang akong binabaliw! Ano pa ba?! Ano pa?! Kulang pa ba?! Patayin niyo na lang ako! Ayoko na!" Sigaw at pagwawala ko nang may makita akong kutsilyo.
Nilapitan ko ito at kinuha at aktong isasaksak sa sarili ko nang biglang...
********************************
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)
FantasyMarami talagang bagay sa mundo ang di natin maintindihan, pero dahil sa wagas na pagmamahal, nabibigyan ng kasagutan. Hindi man lahat , pero at least karamihan. Pano kung ang di mo inaasahang pangyayari sa buhay mo ay dumating nang biglaan at dahil...
