Christian's ability

1K 35 3
                                    

"Takpan mo yan ng kahit na ano! Ngayon na! Whaaaa!!" Pagsisigaw ko... nakapikit pa rin ako nang biglang...

"Pwede ka ng dumilat." Sabi niya. Dinilat ko muna yung isa kong mata para makasigurado. Nakita ko naman na nakatapis na siya ng kumot ko kaya dinilat ko na nang tuluyan yung mga mata ko. Kumot pa talaga noh?

"Te-teka lang ha. Hanapan kita ng damit... pahiramin muna kita." Sabi ko sa kanya at agad naman akong naghanap ng damit ko na pwede kong ipahiram sa kanya.

"Eto! Pwede na siguro tong mga to." Sabi ko sabay taas ng varsity short and light blue T-shirt saka ng underwear.

"Eto oh, isuot mo na" sabi ko sabay talikod. Sinuot naman niya agad.

"Ok na, pwede ka nang humarap." Sabi niya sakin.

"Bakit ba kasi wala kang suot?!" Inis kong sabi.

"Meron akong suot kanina, di ko namalayang nawala. Short din yun na puti. Wala kaming pang-itaas. Malay ko bang malisyoso ka pala." Mahinahon niyang sabi na parang ok na ok lang na makita yung kabuuan niya. Tsk.

"Wow ha! Ang bastos kaya! Ikaw ba naman makakita ng hubad na katawan ng isang taong di mo pa gaanong kilala! Siyempre nakakatakot na nakaka-inis." Inis kong saad.

"Yung sayo nga madalas kong makita ee. Di naman ako nagtititili!" Depensa niya na parang bata ang dating na ikanalaki naman ng mata ko nang sobra. Sinisilipan niya ko?!

"Hoy! Di kita sinisilipan! Assuming neto. Guardian mo ko kaya lagi akong nakabantay sayo! Ang dumi ng utak mo! Sabunin natin you want?" Sabi niya sa isip batang pamamaraan at para bang nababasa niya yung nasa isip ko.

"Oo nababasa ko. Baka nakakalimutan mo, hindi ako tao kagaya mo." Dagdag pa niya na talaga namang ikinagulat ko. At sa puntong iyon ay naniwala na ko sa kanyang Angel nga talaga siya.

"Ano namang akala mo sakin, sinungaling?" Mahinahon pa din niyang sabi. Di ata to marunong magalit.

"Hindi pa. Turuan mo ko, gusto mo?" Cute niyang sabi. May gusto palang magalit na masaya pa din.

"So ano mga kaya mong gawin?... bukod sa magbasa ng isip ng iba?" Mahinahon ko nang tanong.

"Kaya kitang kausapin kahit di ko binubuka yung bibig ko at gumagamit ng boses" parang narinig ko yung boses niya, pero di pala. Sa isip ko lang pala yun.

"Ang galing naman" sagot ko sa kanya nang hindi rin gumagamit ng bibig.

"So ano pa?" Dagdag ko sa parehong pamamaraan.

"Kaya kong tumagos sa mga bagay-bagay." Sabi na niya sakin sabay lusot sa kama.

"Ang galeeeeng! Nakikita ka din kaya ng ibang tao?" Tanong ko sa kanya.

"Di ko alam ee, ikaw palang nakakakita sakin." Simple niyang sagot.

"Subukan naten?" Buong galak kong tanong.

"Paano?" Pagtataka niya.

"Kung hindi ka makikita nang ibang tao, ibig sabihin yung damit ko... makikita nila... hmmm... alam ko na! Tumayo ka sa harapan ko, papalabasin natin na ako ang may suot nang damit na suot mo. Ano sa tingin mo? pero kung makikita ka nila, sasabihin ko nalang na isa ka sa mga kaibigan ko." Suggestion ko sa nais naming subukan.

"Ok lang naman." Simple niyang sagot at isinagawa na namin ang napag-usapan. Pagkatapos non ay agad kong tinawag si kuya Jobert.

"Kuya Jobeeeeeert!" Buong lakas kong sigaw. Ngunit walang dumating.

"Kuuuuuuyaaaaaaaaaaa Jobeeeeeeeert!!!" Pangalawa kong sigaw. Wala pa ding dumadating.

"Kuuuuuyyaaaaa Joooo---" di ko na natuloy dahil bumukas agad yung pintuan na ikinagulat ko. Leche, expected ko namang dadating siya pero bakit nagulat pa din ako? Hahaha

"A-ano po yung kailangan niyo si-sir?" Nangangamba niyang tanong.

"Anong kulay nang damit ko?" Simple kong tanong dahil mukha namang di niya nakikita si Christian kasi kung nakita niya tong anghel na to ee magugulat siya kung sino yun. By the way, yung damit na suot ni Christian kulay light blue, sakin dark blue. Kumunot lang noo niya na para bang takang-taka.
Nakakapagtaka nga naman yung sigaw ka nang sigaw tapos itatanong mo lang pala yung kulay ng damit mo.

"Ku-kulay blue p-po" kinakabahan niyang sagot na ikinalaki ng mata ko dahil di malinaw ang sagot niya, di niya sinabi kung light or dark, plain lang naman yung mga suot namin.

"Kuya wag kang kabahan, nagtatanong lang ako at saka anong blue? Light or dark?" Mahinahon kong tanong.

"Dark po sir." Mahinahon na niyang sagot.

"Ta-talaga?" Nagtataka ko namang sagot. Bakit dark? So hindi niya nakita ang damit ko na suot ni Christian? Ok last chance, yung short naman. Varsity-short kay Christian at naka boxer-short naman ako.

"Opo sir." Simple niyang sagot.

"Ee ano yung short ko?" Agad kong tanong na ikinakunot ng noo niya.

"Boxer-short po." Mabilis niyang sagot. Edi hindi nga niya nakikita yung damit ko na suot nitong lalaking to.

"Ganon ba? Sorry sa abala ah, akala ko iba suot ko. Hehehe hibang na talaga yung alaga mo kuya. Hihi" nakangiti kong sagot.

"Ahhhh ganon po ba??? Ok... sige sir alis na ko ah." Paalam niya.

"Sige po kuya" nakangiti kong sabi.

Pagkaalis na pagkaalis ay agad kong sinabi kay Chris na...

"Bakit di nakita yung damit ko na suot mo? Diba dapat makikita yun dahil di naman yon iyo?" Nagtataka kong sabi.

"Siguro dahil gamit ko kaya ganon..." di malinaw na kanyang sagot.

"Edi ako lang pala nakakakita sayo?" Tangang tanong ko.

"Siguro. Pero may kakayahan din akong magpakita sa ibang tao pag gusto ko." Pagpapaliwanag niya.

"Ganon? Ang dami mo namang kayang gawin, di ka ba napapagod niyan?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Kahit maghapon, magdamag namin gamitin ok lang, di kami napapagod." Simple niyang sagot.

"Ang galing naman. Edi di ka din nagugutom?" Tanong ko ulit.

"Hindi." Tipid niyang sagot.

"Kung hindi, edi angel ka pa din." Sabi ko sa kanya.

"Ang saya naman, may kakaiba kong kaibigan." Dagdag ko na tuwang-tuwa.

"Pero di ko pa din alam ang nangyayari satin ngayon..." buntong-hininga niyang sabi.

"Ako din ee, pero ok lang yan! Matutuklasan din natin yan! Tiwala lang, everything happens for a reason. Hihi" masaya kong sabi.

********************************                      
A/N: Sorry na sa mga typo. Hehehe

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon