Missing You

787 25 0
                                    

Matagal din akong nakatulala.
Habang nakatulala sa kawalan ay may biglang kumislap sa may bandang kaliwa ng paningin ko kaya naagaw nun ang atensyon ko.

Pagkalingon ko sa bandang kaliwa kung saan nanggaling yung kislap ay nanlaki yung mata ko dahil...

"Ito yung kwintas na binigay niya sakin nung... hindi ee, kung panaginip yun, pano mapupunta sakin to ngayon? Bakit ang daming hiwaga? Ang gulo-gulo. Di ko na maintindihan." Sabi ko sa sarili. Maya-maya pa'y napagdesisyunan ko nang isuot yung kwintas pero bago ko masuot ee naalala ko yung moment namin bago niya ibigay yung kwintas sakin...

"Nga pala, eto oh, regalo ko sayo. Nanjan lahat ng alaalang binura ko sayo" sabi niya sabay abot ng kwintas.

"Nang sa gayo'y lagi mo kong maalala"...

"Alam mo na mangyayari to no? Di mo lang sinabi sakin! Ang daya-daya mo talaga!" Inis kong sabi at sinuot ko na din yung kwintas.

***

"Miguel, eto oh, sandwich para sayo. Sorry kung yan lang kaya kong gawin. Hehehe" sabi ni Christian.

"Hehehe ayos lang, masaya naman ako kasi lagi kang nanjan at saka lagi mo kong binibigyan netong tinapay na tong may ham, cheese, egg, at iba pang condiments." Masaya kong sabi.

"Kumusta ka naman?" Tanong sakin ni Christian.

"Ayos lang. Masaya naman ako. Ikaw?" Sagot-tanong ko.

"Masayang-masaya din, kasi nandito ka kausap ko." Sagot niya.

"Ee lagi naman tayong magkausap ah." Sabi ko.

"Para kasing hindi ee. Dito nga lang tayo nag-uusap ee-- dito sa panaginip mo." Sagot niya

"Kahit dito lang tayo nag-uusap masaya na ko." Sabi ko

(Di ko man nakikita ang sarili ko, Ramdam ko namang umiiyak ako sa mga nakikita ko)

"Kung masaya ka, mas masaya ako!" Sabi ni Christian na tumatawa na at tumawa na din ako nung pagkatawa niya.

"Kung hindi lang kita guardian, iisipin kong mahal mo ko." Sabi ko sa kanya.

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon