Hapon nang kami ay magpunta na sa paglilipatan naming condo. Nauna na si kuya Jobert kasi may inaayos pa ko dito sa sasakyan. Pagkababa ko ay may bigla nalang...
"Kuya! Kuya! Tulong! May humahabol sa'kin! Please kuya tulong" pagmamakaawa ng isang lalaking kasing-edad ko din.
"Huh?! O sige pumasok ka muna dito sa sasakyan, kunwari kasama kita." Sabi ko sabay pasok kaming dalawa sa sasakyan.
"Sino ba yung humahabol sayo?" Tanong ko.
"Yung nanggugulo kong nakaraan." Sabi niya. Di ko na-gets agad pero naintindihan ko din naman.
"Di pa ba maka-move on?" Nakangisi kong tanong.
"Mukhang di pa. By the way, I'm Kevin." Pakilala nung lalaki.
"Miguel, Miguel Cruz" pagpapakilala ko din. Na ikina-kunot ng noo niya nang biglang...
"Kevin! Keeeviiiin! Mag-usap naman tayo oh!" Sigaw ng isang lalaking tumatakbo sa labas at laking pasasalamat ko-- namin dahil di niya kami napansin at lumagpas nalang.
"Maraming salamat Miguel, di kita makakalimutan. Pangako." Sabi nung lalaki sabay alis na din papunta sa kabilang direksyon na pinuntahan nung lalaki.
"Ang dami na talagang kakaibang nangyayari sa mundo. *sigh*" sabi ko sa sarili. Pumunta na ko kay kuya Jobert at tamang-tama dahil tapos na siya sa kung ano man ang kailangan nilang pag-usapan. Ganon ba ko katagal? Tsk. Hahaha
Nandito na kami ni Christian sa loob ng aming unit.
"Bakit parang tahimik ka? Galit ka ba? Ay! di ka nga pala nagagalit." Basag ko sa katahimikang nakakabingi.
"Ah- eh... may iniisip lang." Sagot niya.
"Ano?" Usisa ko.
"Ano ba yung pagmamahal na meron ang dalawang tao? Yung pagmamahal na di kayang ihalintulad sa pagmamahal ng pamilya." Naguguluhan niyang tanong.
"Ano bang ibig mong sabihin? Yung sa couple?" Paninigurado ko.
"O-oo yun nga." Kinakabahan niyang tanong. Ngayon ko lang siyang nakitang kinakabahan.
"Yun yung di din namin maintindihan. Basta kusa mo nalang mararamdaman." Sabi ko.
"Hindi ako sigurado pero mahal na ata kita." Walang kaabog-abog niyang sabi.
"Ha-hu--" naputol kong sasabihin dahil sa bilis ng pangyayari. Nanlaki ang mata ko! Dahil hinalikan niya ko!! At may nararamdaman akong kakaiba, para bang ang tagal na panahon ko na siyang kilala. Itutulak ko sana siya pero ayaw ng puso ko. Ang gulo ng utak at puso ko. Wala na kong nagawa dahil na din sa di ako makapag-isip ng maayos. Nahuli ko nalang ang sarili kong nakatulala sa mukha niya't biglang may mga nakita sa isip ko. Nakikita ko na siya noon pa! Noong mga panahong nakatulala ako at magugulat nalang bigla, kaya pala ganon ee dahil sa kausap ko siya nung mga panahong iyon. Ee bakit di ko naaalala?!
"A-ano yun?" Nagtataka kong tanong.
"A... kiss...?" Mabagal niyang sabi.
"Hi-hindi yun. Yung mga nakita ko... yung ikaw. Yung tayo." Sabi ko. (Maka tayo ha! Wagas te)
"Binura ko kasi yan sa alaala mo. Di mo kasi ako pwedeng makita." Paliwanag niya.
"Kaya pala lagi lang familiar yung mukha mo noon at parang laging bago nang bago... binubura mo pala." Sabi ko.
"Ee kung binubura mo, bakit naaalala ko yung mukha mo? I mean bakit familiar ka sakin? Diba dapat walang kahit na ano?" Dagdag ko pa.
"Yun din ang tanong ko, pero baka dahil hindi nakakalimot ang puso." Seryoso niyang sabi.
"Kalimot? Ibig sabihin... ibig sabihin mahal kita noon pa? Paano?" Tanong ko.
"Siguro dahil sa pagiging malapit ko sayo ng husto." Seryoso pa din niyang tugon.
"Di ko alam kung saan tayo dadalhin neto pero yung halik mo, kakaiba dating sakin. Di ako nakagalaw, huminto ang mundo. literal na huminto talaga para sakin." salaysay ko sa kanya.
"Wag na nating intindihin yan. Basta alam ko mahal kita... sobra. Mali man, wala na kong pakialam. Ipaglalaban kita magpa-sa-walang hanggan." Sabi niya na ikinatulala ko, dahil na-touch ako at kinilig na din.
"Miguel?" Dagdag niya. Binigyan ko lang siya ng isang ano-yun-look.
"You're my beginning and the end... you're my teacher... you're my true love." Sincere niyang sabi at mabagal na para bang 'I-just-wanna-feel-this-moment'..
"Bakit teacher?" Pagtataka ko.
"Kasi tinuruan mo kong makadama." nakangiti niyang sabi.
"Christian?" Gaya ko sa kanya at binigyan din niya ko ng parehong tingin gaya ng ginawa ko.
"You're my insanity and clarity... you're my guardian... you're my angel... you're my lover." Seryoso kong sabi.
"In fairness satin at hindi tayo gaya ng iba na, I love you at I love you too lang. Hahahaha" biro ko sa kanya.
"This is the second time na mag-kiss tayo. Pero mas gusto ko yung ngayon, kasi nakikita na natin ang isa't isa." Sabi niya. Change topic agad. Hmp! Hahaha
"Ako din, mas gusto ko to. Dahil this time may nararamdaman na talaga tayo para sa isa't isa." Nakangiti kong sabi.
"At saka walang kulog at kidlat. Mas feel yung moment. Hindi nakakagulat." Dagdag pa niya.
"Ano kaya yung nangyari satin noh? Gusto ko na talagang malaman." Sabi ko naman.
"Hintay lang tayo, malalaman din natin in the right time. Everything takes time. Wag nating madaliin, naka-ayon yan sa plano." Sabi niya sabay ngiti. Ang gwapo niya talaga.
"Sabagay... nagugutom na ko, gabi na pala." Sabi ko.
"Kain ka na." Masaya niyang sabi. At kumain na nga ako.
Ano kaya ang mga mangyayari pa? At saka pano naman yun? Angel siya tao ako. Ang pangit naman kung magsasalita, tatawa, at kung ano-ano pa sa kanya kapag nasa labas na kami dahil magmumukha akong tanga na kumakausap ng hangin.
Pero wala na akong pakialam sa iisipin o sasabihin nila. Ipagmamalaki ko kung ano ang meron ako kahit na wala pang maniwala sakin. Gagawin ko lahat para sa mahal ko kahit magmukha pa kong tanga.********************************
A/N: konting push pa, matatapos na ang story. :D
![](https://img.wattpad.com/cover/72213800-288-k435427.jpg)
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)
FantasíaMarami talagang bagay sa mundo ang di natin maintindihan, pero dahil sa wagas na pagmamahal, nabibigyan ng kasagutan. Hindi man lahat , pero at least karamihan. Pano kung ang di mo inaasahang pangyayari sa buhay mo ay dumating nang biglaan at dahil...