Christian

1K 39 5
                                        

"Teka lang, easy ka lang! Ako nga pala si Christian! Your Guradian Angel" sagot niya sakin. Ano daw?! Guardian Angel?! Loko ata to ee! Buwisit!
Christian daw pangalan? Ang common naman. Pero may saltik din to ee.

"Ga-guardian Angel? Hibang ka ba? Tinamaan ka ba ng kidlat or whatsoever??" Di ko pa ring makapaniwalang sagot.

"Hindi ako hibang noh. Ganto kasi yan Miguel" sabi niya. Kilala niya ko? Di ko na tinanong kasi mukhang magsasalita na siya...

********************************

(Christian)

Nandito na kami ni Miguel sa bahay nila. Buti balak niyang puntahan si Vince. (May kakayahan din naman akong magbasa ng isip noh.)

Pagdating niya dito sa kwarto ay nag-isip agad ako ng paraan para makapunta na siya kay Vince dahil niloloko lang siya neto, matagal na.

"Hmm... ano kaya pwede kong gawin. Hala! Wag ka nang mag cellphone jan puntahan mo na." Sabi ko. Para namang maririnig ako neto. Tsk.

"Gumana ka... gumana ka..." sabi ko habang pinapatay yung cellphone niya.

"Yown! Gumana!" Laking tuwa ko nang gumana yung ginawa ko.

"Eto pa. Gumana ka.. please ganaaa...." sabi ko habang pilit na pinapalakad yung paa niya papunta dun sa bahay nila Vince. Di ko alam kung ka-gagawan ko ba yung paglakad niya o siya na mismo ang naglakad. Kahit sino may gawa di ko na iintindihin basta lumakad na siya.

Nandito na kami sa bahay nina Vince, kakatok na sana siya ng sumang-ayon naman sakin ang kapalaran dahil agad-agad nagsalita yung babae.

Tuwang-tuwa ako kasi malalaman na niya yung totoo. Pero bigla nalang siyang tumakbo papalayo nung marinig niya yung mga sinabi nung Vince na yun! Akala ko lalaban siya at ipaglalaban niya yung karapatan niya, pero hindi pala. Nagkamali ako.

Umiiyak na siya nung sinundan ko papasok ng bahay nila. By the way, nakakalusot ako sa mga bagay-bagay dahil isa yun sa mga kakayahan naming mga Angels. Maya ko na kwento mga kaya naming gawin. So ayun sinundan ko na siya pero lalo lang lumalala yung iyak niya. Di na muna ko pumasok sa kwarto niya although pwede naman. Di ko kasi kayang nakikita siyang umiiyak. Parang nararamdaman ko din yung nararamdaman niya. Yun na nga yung mali ee, kasi kaming mga Angels, di kami nakakaramdam ng mga nararamdaman ng tao, di kami nasasaktan. Isa lang siguro ang kaya naming gawin at maramdaman. Yun ay ang mag-mahal. Nagmamahal kami kahit walang kapalit, dahil unang-una di naman kami nakikita, pangalawa di niyo kami nararamdaman, pangatlo di kami katulad niyo.

Back to the story. So ayun, hinintay ko munang tumigil yung pag-iyak niya bago ako pumasok. Medyo matagal din yun ah. Nung alam ko nang di na siya umiiyak, pumasok na ko.
Pag pasok ko, may kausap ata siya sa phone. Tama ako may kausap siya, si Cindy kausap niya. Kahit nandito ako sa may pintuan, nalaman ko kasi nga kaya kong magbasa ng isip ng tao nang biglang...

"Hoy! Ikaw! Oo ikaw nga!" Sabi ni Miguel sabay turo sakin.

"Ay ikaw! A-ako? Na-nakikita mo ba ko?" Sabi ko sa kanya. Di sana ko maniniwala na nakikita niya ko pero...

"Oo nga! Ikaw nga! Kulit mo naman ee!" Sabi ni Miguel.

"Hala! Nakikita mo ko!" Sabi ko habang papalapit sa kanya.

"Mahal mo ba ko?" Sabi niya sakin nang hindi tumitingin saking mga mata.

"Ha-huh? Mahal? Di ko alam pero--" naputol ang sinsasabi ko dahil Itinaas niya ang kaliwang kamay niya at ipinatong sa kanang balikat ko. At ang kanan kamay naman niya ay sa kaliwang pisngi ko at bigla niya kong hinalikan ng naka pikit.
Pag halik niya sakin ay may bigla akong naramdaman na di ko pa nararamdaman noon, sa loob nang mahabang panahon. Bigla nalang kumidlat at kumulog.
Nagulat ako dahil ang liwanag ng kidlat at sobrang lakas ng kulog. Nakapikit pa rin siyang napaupo sa kama niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Nanghina siya kaya agad ko naman siyang pinuntahan para ayusin ang katawan niya, na ikinagulat ko naman dahil nahawakan ko siya. Di naman kami nakakahawak ng tao ee.
Siguro dahil na din sa nakikita niya ko kaya ko nahahawakan ngayon ang katawan niya.

"Ang amo mong tignan, parang hindi ka tao." Sabi ko kay Miguel habang siya'y natutulog.

"Nakikita mo na pala ko, pero pano nangyari yun? Kakaiba pero ang galing." Dagdag ko pa. Di ko alam kung bakit pero may kakaiba na kong nararamdaman. Parang ang saya-saya, parang di ko maintindihan, pero hayaan ko nalang.

Di ko pa din maintindihan yung mga nangyayari ngayon... pano ko malalaman kung ano to? Kung pano to? Ano na ko?
Agad ko namang sinubukan ang ilang kakayahan ko, isa na dito ang paglusot ko sa pader, at pagbasa ng isip ng iba.

"Nagagawa ko pa naman, at walang nagbago, so Angel pa din ako? Hmmm." Pagtataka ko. Bumalik na ko sa kama ni Miguel at kinuha yung isang unan at ipinatong ko sa ibabaw ng mga hita ko. Nandito ako sa tabi ng pader at si Miguel ang nasa tapat ng pinto. Malaki naman yung kama ee. Naghintay pa ko nang ilang saglit at ayun nagising sa si Miguel.

***

(Present)

"Hi-hindi naman talaga kita nakita dun sa pinto ee." Sabi ko sa kanya na ikinagulat niya.

"Huh? Ee bakit mo ko tinuro? At naka-usap pa?" Sabi ni Christian na halatang nagpalito pa lalo sa kanya.

"Di ko din a-alam. Basta nagawa ko nal-lang yung pagturo sa pinto at kausapin ito" nauutal kong sabi.

"So hindi pala ako yun? Ang assuming ko naman" sabi niya sabay pout. Ang gwapo talaga neto, kaya pala ganto siya ka-gwapo kasi di siya tao. Tsk.

"Pa-parang ganon na nga... hehehe" sabi ko na parang nahihiya.

"Yaan mo na, malalama't malalaman din natin ang sagot. Ako nga pala ulit si Christian" sabi niya nang nakangiti sabay tayo para makipag-shake hands at.. at!! At nagulat ako! Dahil... dahil wala siyang suot!!! Na kahit na ano! Di ko napansin yun dahil nakapatong yung unan sa hita niya!!

"Whaaaaaa!!! Tekaaaa!!! My virgin Eyes!!!" Sigaw ko habang nakapikit dahil sa mahalay na nakikita ko.

"Takpan mo yan ng kahit na ano! Ngayon na! Whaaaa!!" Pagsisigaw ko...

********************************

A/N: Ooops! Nandito na si Christian! At mukhang may kakaibang nangyayari ah. Hihihi.

Keep on reading guys!

#MeetingYourGuardian

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon