Pagka-dating na pagka-dating ko sa condo ko, agad kong nilapat yung katawan ko sa sofa dahil mas malapit ito kaysa sa kama ko. Ilang minuto pang lumipas at may kumakatok sa pintuan.
"May nakalimutan kaya si Zander?" Sabi ko habang papunta na sa pintuan at para buksan na ito. Nang pagbukas ko ay nagulat ako kung sino yung nasa labas. As in gulat na gulat!
"Ki-Christian?!!" Sigaw ko sa nakita ko sa labas ng pinto.
"Huh? H-hindi kita sasaktan! G-gusto ko lang mag-sorry sa lahat ng nangyari, gusto ko mapag-usapan natin yun nang maayos para matahimik na rin ako." Sabi ni... ni Vince na napagkamalan kong si Christian at buti nalang at nagkamali siya nang dinig sa Christian. *sigh*
"Ah... eeh... sige, pasok ka muna." Pag-anyaya ko sa kanya. Kaya pumasok na kami at naghanda ako ng mirienda para sa bisita. Di naman na talaga 'ko galit sa kanya, nabigla lang ako kanina dun sa park. Ewan, basta nabigla ako. Kaya nasabi ko tuloy na boyfriend ko si Zander. Hays. Kaya gumulo ang lahat dahil sa pagpa-panic ko. Tsk.
"Eto oh, juice saka tinapay. Kain ka muna. Pasensya na kung yan lang ah, di ako ready ee. Wala akong sinaing saka ulam for you, pero kung gusto mo ng kanin at ulam, oorder ako. San mo ba gustong fast-food?" Alok ko sa kanya.
"H-hindi na kailangan, kumain naman na ko ee. Saka ok na to, sapat na to. Salamat." Sabi niya sabay ngiti.
"Ano ba sadya mo't napa-punta ka dito?" Tanong ko sa kanya.
"Ah.. gusto ko sanang humingi ng tawad sa nangyari satin nung mga high school students pa tayo." Sabi niya na may sinseridad sa mga mata.
"Ano ka ba, nakalimutan ko na yun! Ang tagal nang panahong nakalipas noh!" Sabi ko sabay tawa para gumaan yung tensyong lumilibot sa lugar namin.
"H-hindi. Hindi mo kasi naiintindihan... uhm.." di niya matuloy-tuloy na sabi kaya uminom siya ng juice.
"Paliwanag mo sakin para maintindihan ko. Makikinig ako. Saka, pinapatawad na kita. Para naman mabawasan na yang kaba mo. Kahit di ka pa humihingi ng tawad ee napatawad na kita noh." Sabi ko ng mahinahon at saka ngumiti.
"Kasi nagising nalang ako isang araw na... na..." hinto niya.
"Na??.." sabi ko. Ilang minuto din siyang natahimik.
"Naaa??" Dagdag ko pa.
"Nagising nalang ako isang araw na hinahanap-hanap na kita... na, parang kailangan kong humingi ng tawad sayo... na.. na kailangan kita. Di ako sigurado. Pero base sa nakikita ko sa sarili ko... mukhang... mukhang mahal na ata kita" paputol-putol ngunit diretsahan niyang sabi na ikinagulat ko at nagpa-estatwa sa kinalalagyan ko.
"P-posible ba yun?! Ee ang tagal na nating di nagkita ah?! Pano mo naman naramdaman yan?! Hay nako! Gusto ni Maria si Jose!(this is just an expression) Kakaiba to!" Gulat kong sabi. Siyempre, sino ba namang di magugukat diba?! Apat na taon kaming di nagkita at walang komunikasyon tapos ganto?! May gusto siya sakin dahil nagising lang siya nung araw na yun?! Anong milagro't kababalaghan yon?!
"Naiintindihan kita, maski ako naninibago din. Di ko alam pero eto ako ngayon sa harap mo dahil hinahanap-hanap kita. Pero sa ngayon, ang gusto ko lang mag-sorry sa lahat ng panlolokong ginawa ko sayo.. di naman kita pinipilit na gustuhin mo rin ako... dahil alam kong may boyfriend ka na, at... at wala na kong pag-asa." Mahaba niyang litanya.
"Sinong boyfriend? P-pinapatawad na nga kita." Naguguluhan kong sagot.
"Si Zander ba yon? Diba boyfriend mo siya? Sabi mo nung nagkita tayo sa park kanina." Sabi niya. Oo nga pala, nasabi ko nga palang boyfriend ko si Zander. Ee kaya ko lang naman nasabi yon dahil din sa panggugulat niya ee. Tsk. Hmp!
"Ah.. oo nga. Siya nga. Boyfriend ko nga siya. Hehehe" sagot ko.
"Pwede ba tayong maging magkaibigan? Or best friend man lang?" Tanong niya.
"Oo naman! San ka na ba nakatira? Saka pano mo ko nahanap dito?" Tanong ko.
"Ah, taga jan lang ako, malapit lang dito. Jan sa may kanto jan." Sabi niya sabay turo sa may likod ko. Taga dun pala siya sa kanto ng pader. Charr. Hahahaha
"Sinundan ko kayo. Hanggang sa pag-uwi mo." Dagdag pa niya.
"Ahh kaya pala. Kumusta ka naman?" Tanong ko. Gusto ko nga sanang itanong kung pano niya nalaman na alam ko yung kasalanang ginawa niya, pero di ko na tinanong kasi baka nahalata naman at naramamdaman naman siguro niya nung mga panahong iyon, dahil di ko siya pinapansin non.
"Ayos lang ako. Masaya nga ako ee. Saka maghahanap na din ako ng trabaho. Siya nga pala, may trabaho ka na ba?" Mahaba niyang pagsasalita.
"Ahh, sana makahanap ka na ng trabaho. Hehehe. Wala pa kong trabaho, sabi naman ni papa sakin, pwede akong pumasok sa kompanya niya kapag kaya or ready na ko. Ee i-eenjoy ko muna yung bakasyon. Hehehe" paliwanag ko.
" Hahaha buti ka pa. Ako maghahanap lang ee." Sabi niya sabay simangot.
"Gusto mo sa kompanya nalang namin ikaw pumasok? Recommend kita." Alok ko sa kanya.
"Talaga?!" Di siya makapaniwala sa alok ko.
"Oo nga, ano gusto mo ba?" Alok ko ulit.
"Siyempre gusto! Biyaya na ang lumapit sakin ee!" Masaya niyang sabi.
Tinawagan ko agad si papa nung panahon na yon at tinanong kung ano pang bakanteng position meron. Secretary nalang daw yung vacant dahil yung isa para sakin na.
"Uhm.. secretary nalang daw vacant, ok lang ba sayo?" Tanong ko.
"Oo naman! Kahit ano nga pwede ee, kahit nga janitor pa ee! Hahaha" loko niyang sagot. Kaya nung nasabi niyang ayos lang sa kanya yung maging secretary ee ni-recommend ko na siya kay papa at sinabi ko na din kay Vince kung pano at kung kailan siya dapat pumunta sa company namen.
Madami din kaming napag-usapan ni Vince tulad ng paghihirap niya sa naging college life niya kasi super pagsusunog ng kilay ang nangyari daw sa kanya. Di na daw siya minsan nakakatulog dahil di niya daw talaga maintindihan yung mga inaaral niya... at marami pang iba.
********************************
A/N: Sorry natagalan sa pag-update. Nagbasa ako ng story ee. Ee Nasarapan kaya ayon, di muna nakapag-update. Saka na rin sa biglaang life events na nangyari sakin. hehehe
Sana maintindihan niyo.
Pls. Do vote po. ^_^
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)
FantasíaMarami talagang bagay sa mundo ang di natin maintindihan, pero dahil sa wagas na pagmamahal, nabibigyan ng kasagutan. Hindi man lahat , pero at least karamihan. Pano kung ang di mo inaasahang pangyayari sa buhay mo ay dumating nang biglaan at dahil...
