The Beginning of the End

850 24 0
                                    

8 am na nung magising ako. Wala naman kasi kaming pasok.
Nag-ayos ako ng sarili ko, siyempre noh, di lang dapat kapag may pasok nag-aayos. Hahaha.

Pagkatapos kong mag-ayos ay napagdesisyunan kong bisitahin si Cindy dahil di pa ko nakakapunta sa kanilang bahay. I mean sa loob.

"Punta tayo kela Cindy." Yaya ko kay Christian.

"Sige, kung gusto mo ba ee." Sabi niya sabay ngiti. Argh. Gwapo talaga!

Tinext ko agad si kuya Jobert na pahatid kami kela Cindy. Maya-maya pa'y dumating na siya.

"Good morning kuya Jobert! Pahatid kam-- ako kela Cindy." Sabi ko sabay ngiti para makabawi sa magkakamali ko palang na sasabihin.

"Sige po, good morning din sir." Sagot niya habang nakatingin sakin sa pamamagitan ng maliit na salamin sa harapan. Nginitian ko nalang siya at naghintay. Saglit palang ang nakakalipas ay nandito na agad kami kina Cindy. Di ko alam kung malapit lang ba yung Condo ko o mabilis lang magpatakbo si kuya Jobert.

"Salamat kuya Jobert" paalam ko sa kanya at bumaba na ng sasakyan.

Pinindot ko yung doorbell nila...
Walang lumabas.
Pinindot ko ulit...
Wala pa din.

"Tignan mo nga kung may tao sa loob Chitian." Sabi ko kay Christian na may bago nang palayaw. (Di po yan typo. Chitian 'Chishan') at agad namang niyang tinignan. Maya-maya pa'y lumabas na si Cindy na mukhang bagong gising lang kahit alas nuebe y media na ng umaga. Kasunod niya si Chitian.

"Good morning mukhang mangkukulam na rich kid!" Pagbati ko ng masaya sa bruha at pang-iinis na din. Hahaha

"Che! Ang aga naman ng pambubulabog mo! Di pa ko nag-aayos oh! saka kakagising ko pa lang!" Sigaw niya.

"Ee ganon talaga, di pa ko nakakapunta sa bahay niyo ee." Pa-cute kong sagot.

"Osya tara na sa loob ng palasyo ng kaibigan mong prinsesa" mahangin niyang sabi.

"Opo, prinsesa Fiona" pambabara ko. In fairness meghan Duh ang lungga ng Fiona ah.

"Nuod muna kayo ng TV mag-aayos lang ako... saglit lang to." Paalam niya sabay bukas ng malaki nilang TV. Di naman ako mahilig manood ng TV. Tsk.

Medyo matagal din kaming naghintay sa kanya bago siya dumating.

"Uyy guys! Samahan niyo ko sa kusina, luto tayo ng lunch." Yaya niya samin.

"Sige." Sabay na sabi namin ni Christian. At sumunod na din kami.

"Nasanay ka na talagang di nagsasalita ano?" Sabi ko kay Christian.

"Oo ee. Sorry ha." Paumanhin niya.

"Uy! Ano ba? Wag kang mag-sorry. Maliit na bagay. Saka parang di naman kita mahal. Tsk. Hahaha" sabi ko sa kanya.

"Hahaha mahal din naman kita ee" sabay kindat sakin. Teka nawala ata yung bra't panty ko. Ay wala pala talaga kong suot na ganon. Hahahaha

"Eeeh? Wag ganon. Kinikilig ako!" Charot kong sabi.

"Problema ba yun? I love you more." Sabi niya with feelings tapos kindat. Nasan na yung panty ko?! Ipakita niyo!! Nawawala na!!!

"Hoy! Ano yang mga pangiti-ngiti niyo jan ha?!" Biglang singit ng kontra-bidang si Fiona.

"Nakita ko na kasi si Shrek mo!" Pambabara ko.

"Che! Magluto nalang tayo." Yaya niya samin. Sinimulan na naming magluto at ang lulutuin namin ay nilagang baka at dahil alas diyes na ng umaga ee baka pasado alas onse na kami matapos dahil maghihiwa pa kami ng mga sangkap na gulay.

***

Pasado alas onse nga kami natapos at pwede na yun para kumain kami.

"Tikman na nateeen!" Alok ko na pasigaw.

"Sige!" Masayang sigaw ni Chris na ikinagulat ko.

"Ha-huh? Kakain ka?" Nagtataka kong tanong.

"Oo, nagugutom ako ee. Ewan, ngayon ko lang to naramdaman at saka para naman makatikim ako ng pagkain niyo." Mahaba niyang litanya habang nahimas-himas sa tiyan niya at nagsingkit pa ng mata. Ang cute niya! Bakit kahit ano atang gawin neto ee cute pa din siya? Hmp!

"Ok. Sigeee" sagot ko sa sinabi niya. At kumain na kami.

"Masarap pala yung pagkain niyo." Papuri niya.

"Ganon talaga lalo na't ako ang nagluto." Sabi ni Fiona este bruha.

Out of nowhere bigla ko nalang naalala si Vince, di na niya talaga ko pinansin. Mga lalaki talaga kapag nakuha na yung gusto nila o kailangan nila, mawawala na lang bigla na parang utot pero naiiwan pa rin yung masamang na-dulot nila. Tsk. Pangit niya na. Di ko na siya crush dahil may fafa Christian na me!!! Di pa ko iiwan. Yeah!

Pagtapos naming kumain ay umuwi na din kami. Eat and run ang nangyare. Ee di naman kasi kasama sa plano yung pagluluto at pag-kain namin dun! Bibisita lang dapat talaga kami. Hahahaha

"Napapagod ako, parang nauubusan ako ng lakas." Mahinang sabi ni Cristian.

"Huh?! Diba di ka naman napapagod?!" Nagpapanik kong sabi.

"Oo nga pero--" di na niya natuloy dahil bigla na siyang hinimatay.

"Oh my gosh!! Ano nangyari?! Halaa! Ano gagawin ko?!" Pagwawala ko habang binubuhat siya papuntang kama. Pagkahiga ko sa kanya, agad naman akong naghanap ng malinis na bimpo at maliit na palanggana na may maligamgam na tubig. Actually wala talaga kong kaalam-alam sa ginagawa ko. Pagkakuha ko ng mga yun ee agad ko namang pinuntahan si Christian.

"Ano nangyayari sa'yo? Wag mo naman akong takutin oh!" Pag-aalala ko habang pinupunasan ko ang ulo niya at katawan.

"Huy! Gising na! Di ko alam gagawin ko... shems! Di kita madadala sa hospital kasi di ka naman nila makikita. Buwisit na buhay to oh!" Nawawala sa sarili kong pagsasalita.

"Di naman siya mainit, meaning walang lagnat... and walang tulong yung pagpunas ko. Ang tanga-tanga ko talaga! Sheeeyt! Bakit nabuhay pa ko?!" Buwisit kong sabi.

"Humihinga ka pa naman... baka tulog ka lang. Ang OA ko pala. Tsk. Pero bakit di ka magising?! Gising! *sigh* pabayaan na nga kitang magpahinga. Tinatakot mo ko! Hmp!" Pag-aalala ko pa rin. Binantayan ko nalang siya at babantayan ko lang siya hanggang sa siya'y magising. *sigh*

********************************

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon