The End

1.1K 33 6
                                        

(Christian's POV)

Way back to the 'Missing you' chapter

"Hindi mo na nga ako makita, wag kang mag-alala gagawa ako nang paraan para makasama ka ulit." Sabi ko kay Miguel na humahagulhol at umaasang maririnig niya ko. Ngunit sa huling pagkakataon ay niyakap ko muna siya bago ako umalis sa lugar na iyon.

Ano nga ba ang maaari kong gawin? Paano ko ba to susulusyunan? Aaarghhh... Ano ba yan! Malas!
Hindi ako titigil hangga't di ako nakakagawa ng paraan!

***

"Tatlong taon ang lumipas ngunit wala pa din akong nakikitang paraan kung paano ba ako makakabalik or kung paano ba niya ko makikita. Hindi ko na siya dapat bantayan lang. Hahanap ako ng paraan, at wala akong makikitang paraan kung babantayan lang kita palagi. Paalam mahal, hintayin mo ko sa pagbabalik ko." Paalam ko sa kanya na ani mo'y maririnig niya.

Habang naglalakad ako papalayo sa kanya'y nakita ko si Vince, inis pa din ako dito kaya lang nagulat ako sa nangyari dahil bigla na lang may bumangga sa kanya, sobrang lakas ng pagkakabangga, ngunit siya lang ang napuruhan. Mabait yung nakabangga sa kanya dahil itinakbo siya sa hospital at minabuti ko silang sundan. Ang nangyare, si Vince ang binabantayan ko ngayon.

Ilang oras pa ang lumipas ay dumating na ang mga magulang niya at di pa rin siya nagigising.
Araw... buwan ang lumipas. Ilang buwan na siyang nandun ee di pa rin siya nagigising, di ko alam kung bakit ko siya binabantayan pero parang may nagsasabi saking bantayan ko siya.

Di na ko makatiis, iiwan ko na sana siya para maghanap ng paraan para makabalik na ko kay Miguel ng biglang nagpantay ang linya at tumunog ang isang machine na isang hudyat para malamang patay na siya. Patay na siya?! Kung ganon... Hindi! Hindi maaari!!!

Sa mga oras na yon ay naka-isip din ako ng paraan. Pano kaya... pano kaya kung...

Subukan ko na nga lang.
Sinubukan kong pumasok sa katawan ni Vince at hindi ko na alam ang sunod na mga nangyari, naramdaman ko na lang na masakit ang batok ko at may sugat pala ko dito... pano ko nagkasugat dito?

Nagulat ako nang bigla kong makita ang sarili as Vince!

"Oh My Gosh... it works!" Sabi ko sa sarili ko at nagising ang nasa tabi ko. Mama ni Vince.

"Nurse!! Nurse!!! Gising na ang anak ko!!! Oh My Goodness! Nabuhay ka!! Thanks God! Salamat! Salamat!" Sigaw ng mama ni Vince na tuwang-tuwa. Nakonsensya ako sa ginagawa ko. Napaniwala ko silang buhay si Vince na hindi naman talaga. Kainis! Naiinis ako sa sarili ko!! Pero wala na kong magagawa, eto na yun ee. Nangyari na.

Nakihati ako sa katawan ni Vince, nakikita ko ang alaala niya, lahat. Parang ako din si Vince, kaya lang ang pinagkaiba lang naming dalawa ee, mahal ko si Miguel at ibang babae ang mahal niya... si Stacey. Di naman sila kaya madali lang lusutan yon.

Isang taon pa ang lumipas at saka ko napagdesisyunang sundan si Miguel. Tanda ko pa naman kung saan siya nakatira kaya madali ko lang siyang napuntahan.

'Something New' chapter.

Nakita ko siya sa park na may kasamang lalaki. Nakita din niya ko at halata ko ang pagkagulat niya nung makita niya ko. Nilakasan ko na ang loob ko saka lumapit sa kanila.

"Miguel, pwede ba tayong mag -usap?" Kabadong-kabado kong tanong.

"Hindi ee, kasi may kasama ako. Boyfriend ko, si Zander." Pagtanggi niya. Ang sakit sa damdamin. Parang sinaksak ng sinaksak yung damdamin ko sa sakit, nung marinig ko yun.

"Tara na Zander, punta na tayong mall, diba magla-lunch tayo dun?" Dagdag pa niya. Hindi ko kinaya yung mga narinig ko kaya hinayaan ko na lang silang umalis. Pero sinundan ko sila ng di nila alam, naging stalker ako ng ginagabayan ko. Nung anghel pa ko, ayos lang kasi wala namang makakakita sakin ee, ngayon madami nang makakakita sakin.
Sinundan ko sila hanggang sa makauwi na sila.

Pabasa nalang po ulit nung chapter na 'The Past' para sa next scene dito.

Tuwang-tuwa akong umuwi sa bahay dahil makakalapit na ko sa kanya, kahit FRIENDS lang kami. Masakit para sakin na may iba na siya. Pero kahit na ganon, masaya ko para sa kanya kasi at least masaya siya. Hihintayin ko na lang ang panahon ko sa buhay niya.
Nga pala, dahil di na ko angel, wala na din yung powers kong pang angel. Ayos na to, at least makakasama ko ang taong mahal ko.

***

Nag-mistulang isa kong stalker sa loob ng isang taon at higit pa nina Miguel at Zander. Palagi ko silang binabantayan ay sinusubaybayan. Masakit mang makita silang masaya, nagiging masaya na rin ako alang-alang sa kanya. Hanggang sa dumating ang araw na pinaka masakit para kay Miguel... ang pagkawala ni Zander. (Chapter: Simple)
Nakita ko ang buong pangyayari, ang pagwawala ni Miguel at ang paglaho ni Zander. Isa din pala siyang angel. Kaya pala wala siyang ka-pamilya dito. Pero bakit siya na-fall kay Miguel? Naintindihan ko yung tanong kong iyan nung biglang nagsalita si Zander... nagtaka lang pala siya sa kung anong meron kami ni Miguel. At base sa pagkakaintindi ko at dahil na din sa tulong ng utak ni Vince, matinding pagmamahal ang kasagutan sa matagal na naming katanungan.

Sinundan ko siya hanggang sa condo niya dahil parang naka-sense ako nang hindi magandang mangyayari... at hindi ako nagkamali. (Chapter: Suffering) basahin niyo nalang po ulit hehehe. Nakakatamad magsulat ee.                                        
May isang bagay lang na positibo para sakin ang naiisip ko sa nangyare... mabibigyan na ko ng pagkakataon para mahalin siya at magsama kami.

Madaming taon ang lumipas... Isa... dalawa... tatlo... apat... lima... labing limang taon ang lumipas at sa loob ng labing limang taon, tatlong taon akong nanligaw kay Miguel. (The Finale) pabasa nalang din po. Hehehe.

********************************
Hindi man alam ni Miguel na si Christian na ang kasama niya, ramdam naman ng puso niya, dahil kahit kailan... hindi ito nakakalimot. Ayaw din namang sabihin ni Christian para di na mag-isip pa ng iba si Miguel at mabuhay nalang silang tahimik at mapayapa. Nagsama sila hanggang sa sila'y namatay kagaya ng pangako/sinabi nila sa isa't isa nung anghel pa si Christian. Ganyan ka-lakas ang pagmamahal. Kahit sino ka man, basta nagmahal ka ng tunay, kaya mong gawin lahat. 'Remember that true love is strong enough to conquer all the obstacles that block on its way!'

Nawa'y nagustuhan niyo ang storya na dulot ng malikot kong utak. Have a nice day! God bless you all!

PS. Yung peklat sa batok ni Vince na nakita ni Miguel ang palatandaan na di na si Vince yun. At sa pagkakatanda ko ee naisulat ko yun sa isang chapter jan na napansin ni Miguel yung peklat ni Vince.
At yung pagsakit and pagkirot ng puso ni Miguel nung may nangyari kay Zander, nagkataon lang yon. Walang ibang meaning.

~From the author. ^_^

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon