Out of the Plan

651 26 0
                                    

Araw.. linggo.. buwan.. at taon ang lumipas. Mas lalong tumatag ang pagsasamahan namin ni Zander at nakakapunta na din kami sa iba't ibang bansa gaya ng sa Hong Kong, Thailand, Paris, London, New York, Maldives, at Japan. Masaya kami sa bawat oras at sandli na meron kami. Di ko alam pero di ko talaga siya nakikitang magalit kaya nahawa na din ako, di ako nagagalit. Hahaha. Wala din naman siyang ginagawang bagay-bagay na ikaseselos o ikagagalit ko man lang. Perfect na talaga siya sakin. Napaka swerte ko talaga sa kanya! At di ko na siya papakawalan pa... May trabaho na din siya at dun pa sa kompanya namin bilang assistant ko kasi mas gusto daw niyang malapit sakin kaya ok lang kahit assistant lang at saka mapilit siya ee. Hahaha. Oo na! Kinikilig ako! Chacharot niyo ha!
Saka napalapit na din sakin si Vince, nagiging close na talaga kami sa isa't isa. Nagtutulungan kaming tatlo sa trabaho o kaya naman ee sa pagkain. Hahahaha. Busy na din kasi si Cindy dahil sa trabaho niya kaya txt o tawag nalang kumustahan naming dalawa.

Pero nagbago ang lahat sa isang iglap... hindi saming dalawa ni Zander kundi samin ni papa.
Alam ni papa kung anong meron kami ni Zander pero di ko naman inaasahan yung nangyari...

"Papa!!! Bakit di mo naman ako in-inform?! Bakit?!" Sigaw ko kay papa.

"Bakit di mo man lang ako inihanda dito?!" Sigaw ko pa ulit.

"Dun lang sa kompanya mo ko inihanda! Kaya pala minadali mo kong pumasok dun dahil alam mong mangyayari to at saka pag di ko pa yung sinunod ee wala akong gaanong alam kung paano yun pamahalaan. Kainis ka naman ee!" Dagdag ko pang sabi sa harap ng kabaong niya. Namatay si papa sa sakit na lung cancer at talagang pinaghandaan na niya ang araw na ito. Kaya pala di na siya nagpapakita sakin dahil nandun nalang siya sa kwarto niya kasama ang private nurse niya. Kaya pala puro tawag nalang siya. Ni hindi ko man lang nahalata... Ni hindi man lang sinabi sakin na wala na pala siya dahil ang naabutan ko nalang ay yung lamay niya. Na meron ng kabaong dito sa bahay niya.ang unfair diba? Talagang kabaong nalang yung pinahintulot saking makita ko. Nabigla ako. Sobra.

"Tama na babe, wala na tayong magagawa... nanjan na siya, alam kong may dahilan siya kung bakit di niya sinabi sayo ang lahat ng yan. At saka manalig ka nalang sa Diyos dahil alam Niya ang ginagawa niya. Huminahon ka na jan. Please? Pati ako nahihirapan sa kalagayan mo ngayon ee. Di kita kayang makitang nagkakaganyan. Tahan na please?" Pagco-comfort niya sakin. Tama siya, wala na nga akong magagawa kundi tanggapin nalang ang mga pangyayari. Kaya niyakap ko nalang siya ng mahigpit at saka sinubukang maging mahinahon.

***
Pagkalipas ng tatlong araw ay nilibing na si papa. Puro mga nagtatrabaho lang sa kompanya niya yung mga nakiramay... ni hindi ko man lang nakita si mama.

Habang naghahagis kami ng mga rosas ay may napansin ako sa batok ni Vince... dahil siya yung naghahagis ng rosas nang mga panahong iyon. Meron siyang peklat don, na wala naman noon. Pero di ko nalang pinansin at naghagis na din ako ng rosas. Saka tuluyan nang tinabunan ng lupa ang kabaong ni papa.

Oras.. araw.. linggo.. at buwan na ang lumipas bago ako tuluyang maka move on sa nangyari. Di gaanong kahirap mag move on dahil nga di ako nasanay sa presensya nila. Pero kahit na, ama ko pa rin yun kaya dumaan pa rin ako sa moving on stage.

"Bakit parang latang-lata ka?" Tanong ko kay Zander.

"Mukhang magkakasakit ako ngayon ee." Sabi niya sabay hipo ko naman sa noo at leeg niya para malaman kung may sakit nga siya.

"Mataas ang lagnat mo ah. Wag ka munang pumasok ngayon. Di na rin ako papasok. Mahiga ka lang jan at pupunasan kita ng bumaba naman ang lagnat mo." Sabi ko sabay kuha ng maliit na palanggana na may laman na maligamgam na tubig at saka bimpong malinis.

Habang pinupunasan ko siya ay may naalala ako. Yung katangahan ko noon na ginawa ko kay Christian... wala naman pala siyang sakit pero pinupunasan ko siya. Tsk. Pero nakakamiss din yun ah.

"Aww!" Sabi ko sabay hawak sa kaliwang dibdib ko. Sumasakit yung puso ko, kumikirot.
Tapos nung pagkahawak ko kay Zander ay lalo lang tumaas ang lagnat niya. Shemz!

"Daldalhin na kita sa hospital! Di ko na kasi alam gagawin ko. Tumataas na lagnat mo!" Sabi ko sa kanya habang siya ay tulog. So ang siste ee binuhat ko siya. Kaya ko naman siya, macho ata to noh! Saka magkasing tangkad lang kami kaya keri ko na. Yung buhat ko ee parang pagbuhat ng groom sa bride niya. May elevator naman kaya madali lang, saka kaya ko naman talaga siya.

Sinakay ko na agad siya sa sasakyan ko at nagpunta sa pinaka malapit na hospital...

"Huwag na sanang lumala yang sakit mo. Natatakot ako. Wag mo kong iiwan mahal ko." Sabi ko ng may sobrang lungkot na tono. Nadala na ko sa pangyayaring kagaya nito noon ee. Kaya sana mawala na yung lagnat niya.
Nawala na din yung pagkirot ng puso ko at kasabay din nun yung pagbaba ng lagnat niya. Medyo mahiwaga pero di ko na binigyan ng pansin.

Ilang oras pa ang lumipas at nagising na siya.

"Buti naman at nagising ka na! Tinakot mo ko!" Sabi ko sa kanya ng may pag-aalala.

"Di naman kita iiwan ee, saka lagnat lang to. Wag ka nang mag-alala honey. Ayos na ko. Saka dinala mo pa talaga ko sa hospital ha." May pag-aalala din niyang sabi.

"Malamang! Ee di ko alam gagawin ko ee! Saka di ko hahayaang mawala ka kagaya-- oo! Hindi kita kayang mawala! Kaya dinala na kita dito." Medyo napapalakas kong sabi pero di ako galit. Halata naman sa itsura ko nang bigkasin ko ang mga salitang yon at muntik ko pang masabi sa kanya yung tungkol kay Christian.

"Shh... ok na ang lahat, tama na. Maayos na ko oh, di kita iiwan. Pangako." Sabi niya sabay yakap niya sakin. Buti di niya na pinansin yung pagkakamali kong pagsabi.

"Promise?" Paninigurado ko.

"Oo, promise." Sabi niya sabay halik sa ulo ko. Ang bait talaga niya. Di ko kayang magalit sa kanya. Lord, wag mo na siyang kunin sakin please? Di ko siguro kakayanin.

********************************

A/N: To be honest, nakalimutan ko yung flow ng story dahil sa 3 days life event na nangyari sakin, pero alam ko pa din naman yung ending kaya keri ko pa yan! Hahahaha.

Malapit na siyang matapos.

Please do vote. ^_^

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon