"Masaya ko't nakilala kita... masaya ko dahil ikaw ang itinakda sakin para aking bantayan at alagaan... kahit na sa gantong paraan lang tayo nagkikita. Masaya ko dahil masaya ka din. Wag kang mag-alala, pinapangako kong magsasama tayo hanggang sa mag-wakas ang ating buhay... Pangako." Sabi sakin ni Christian habang hawak-hawak ang mga kamay ko at medyo di ko maintindihan.
"Ano ba yang sinasabi mo? Aalis ka ba? Buti nama't gising ka na. Wag mo na kong tatakutin ulit ha?" Pag-aalala kong sabi habang nakatingin ng diretso sa mata niya.
"Hinding hindi... pangako." Sabi niya sakin at ngumiti.
Pinag intertwine niya yung mga kamay namin at saka lumakad. Di ko alam kung nasan kami kasi nagising nalang ako sa lugar na to at binabantayan ako ni Christian. Maganda dito, madamo, madaming bulaklak, mapuno, may mga paru-parong naghahabulan, may aso, at may banig na puno ng pagkain at isang basket na puno din ng pagkain. Ang gandang pagmasdan dahil parang picnic and na-surprise ako. Kinikilig ako! Hahaha.
Umupo na kami sa banig at nagsimula na siyang maghain ng pwedeng kainin.
"Eto oh, kainin mo, ginawa ko yan" alok niya sabay bigay ng isang tinapay na may palamang ham, cheese, egg, tomatoe, onion, at iba pang condiments.
Tinikman ko at ang sarap. Super!
"Ang sarap ah, ang galing mo namang gumawa neto, tatawagin ko tong ham and egg with cheese ala angel sandwich. Hahaha" sabi ko ng tuwang-tuwa.
"Sana lagi nalang tayong ganito ano? Masaya at malaya. Sana magkatulad nalang tayo." Seryosong sabi niya sakin.
"Ano ba sinasabi mo? May nangyari ba?" Tanong ko sa kanya.
"Wala naman... natatakot lang akong mawala ka sa tabi ko o ako sa tabi mo." Malungkot niyang sabi.
"Edi tabi tayo. Ayan." Sabi ko sabay upo sa tabi niya.
"Ok na?" Tanong ko.
"Hahaha loko ka talaga. Oo ok na. Masaya na ko. Hahaha" masaya na niyang sabi. Ang gwapo niya talaga lalo na kapag ngumingiti. Argh!
"Eto oh, juice inumin mo" alok niya sakin.
"Sige. Kain ka din kaya? Try mo. Daming pagkain oh! Ang corny naman kung ako lang kakain niyang lahat ng yan" sabi ko sa kanya.
"Di pa ko gutom ee. Ayos lang saking di kumain, basta maging masaya ka lang ee sapat na sakin." Seryoso niyang sabi sabay ngiti. Parang may kakaiba sa mga nangyayari.
"Nga pala, eto oh, regalo ko sayo. Nanjan lahat ng alaalang binura ko sayo" sabi niya sabay abot ng kwintas.
"Nang sa gayo'y lagi mo kong maalala" dagdag pa niya na hindi makatingin saking mga mata. Kinuha ko yung kwintas at isinuot. Pagkasuot ko ay tumigil bigla sa paggalaw ang katawan ko ngunit hindi ang paghinga at pag-iisip dahil may nakikita ako.
Nakikita ko ang sarili ko at si Christian. Nakikita ko kami na magkasama...
Lagi kaming masaya... lagi kaming magkausap.
Di ko napanuod lahat, parang trailer lang.
"Pasensya na't binura ko yan sa alaala mo." Malungkot niyang sabi.
"Magsabi ka nga sakin ng totoo, ano ba talagang nangyayari? Aalis ka ba? Mawawala ka ba? Tinatakot mo naman ako ee!" Mangiyak-ngiyak kong pagtatanong.
"Hindi ko din alam" simple niyang sagot na hindi parin ako tinitignan sa mga mata ko.
"Ang galing naman ee! Lagi nalang nating hindi alam! Lagi nalang tayong walang alam! Wala na bang ni isang bagay ang alam natin at sigurado tayo?!" Umiyak na talaga ko nang tuluyan.
"Meron... ako meron, di ko alam kung ganon din sayo." Malungkot niyang sabi.
"Ano?!" Tanong ko
"Sigurado akong mahal kita." Seryoso niyang sabi at sa pagkakataong ding iyon ay tinignan na niya ko sa mata.
Napahinto ako sa lahat ng ginagawa ko. Parang iba yung dating, parang napakalma ko ng mga salitang yon... parang nagdugtong yon sa loob ko.. parang may kakaibang nangyari sa puso ko. Hindi ko maintindihan. Nawala lahat ng nasa isip ko't ang alam ko nalang ay ligtas ako, Masaya ko, at mahal ko din siya. Nasabi naman na namin sa isa't isa yon pero iba ang dating ng sa ngayon.
"Ma-mahal din kita. Sigurado ako dun. Siguradong-sigurado ako dun." Sagot ko sa kanya sabay yakap at nagpatuloy sa pag-iyak.
"Pano na ko kung mawawala ka? Ayos ng mawalan ako ng guardian angel basta ikaw makasama ko ngayon hanggang sa mamamatay ako." Hagulgol ko sa dibdib niya.
"Hindi mangyayari yun, gagawa ako ng paraan para magkasama pa tayo." Sabi niya sakin. Pagkasabing-pagkasabi niyang yun ay bigla nalang akong may naramdaman na likido sa pisngi ko at siguradong di yon mga luha ko kaya tumingala ako para makita ang mukha niya at laking gulat ko kasi...
"Umiiyak ka? Paano?" Pagtataka ko.
"Hindi ko din alam, siguro dahil sa takot na mawala ka sa tabi ko." Sabi niya habang may mangilan-ngilan na pumapatak na luha mula sa mga mata niya.
"Ganto pala ang lakas ng tunay na pagmamahal. Kaya niyang baguhin ang pagkatao mo at pati na rin ang nakasanayan mo para lang sa pinaka-mamahal mo. Kaya din pala nitong gumawa ng himala." Seryoso niyang sabi. Umiiyak siya pero mas lalo siyang naging gwapo dahil sa pagiging matapang niya para umiyak, karamihan kasi duwag umiyak dahil sa ayaw nilang mapahiya.
" Always remember that true love is strong enough to conquer all the obstacles that block on its way " sabi ko sa kanya, dahil naalala ko yung quote na nabasa ko sa fb at dahil totoo naman pala ito at isa pa, di ko pa din naman nasasabi sa kanya.
"Pero teka lang, nasan ba tayo? Bakit walang ibang tao dito? Nirentahan mo ba to?" Tanong ko dahil kakaiba talaga yung lugar. Masyadong perfect.
"Nandito tayo kung saan ikaw ang makapangyarihan" simpleng sagot niya.
"Huh?" Sabi ko nang bigla nalang lumiwanag ng sobrang liwanag kaya pumikit ako.
***
Pagdilat ko ng mga mata ko ay agad kong nakita si Christian sa kama at nakahiga at napansin kong may hawak ako sa kamay ko... yung kwintas na binigay niya.
********************************
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)
FantasyMarami talagang bagay sa mundo ang di natin maintindihan, pero dahil sa wagas na pagmamahal, nabibigyan ng kasagutan. Hindi man lahat , pero at least karamihan. Pano kung ang di mo inaasahang pangyayari sa buhay mo ay dumating nang biglaan at dahil...
