Suffering

731 26 0
                                    

Oras ang lumipas, iyak lang ako nang iyak. Hindi alam yung mga sumunod na nangyari, basta nung nahimasmasan ako ee nakasalampak na ko sa sahig, umiiyak, at naramdaman ko nalang ang mga kamay na nakapalibot saking katawan pati na rin ang mukha niya sa may balikat ko dahil sa mainit niyang hininga. Merong tao sa likod ko. Di ko siya kilala dahil di ko pa siya hinaharap at wala ako sa mood para harapin siya, maging ang lakas ko'y nawala na kaya hinayaan ko nalang ang posisyon namin.

"Bakit siya pa? Bakit pa siya nawala?" Tanong ko na dapat ay saking sarili lang.

"Shh... Nandito na ko, wala nang pwedeng manakit sayo." Sabi ng isang tinig. Di ko matandaan kung kaninong boses yon pero familiar iyon.

"Hindi mo naiintindihan. Wala nang makakaintindi sakin. Wala na." Hagulgol ko pa.

"Iintindihin kita. Nandito lang ako, babantayan kita." Sabi niya.

"Hindi ee, hindi mo alam. Wala na siya. Wala akong pruweba. Basta nawala na siya." walang buhay kong sabi.

"Maniniwala ako sayo, ano ba yun? Iintindihin kita, pangako." Pagkumbinsi pa niya sakin.

"Nabangga siya, tapos naglaho nalang siya. Siya na yung lahat-lahat sa akin! Siya na lang ang natitirang ka-pamilya ko! Ngayon, mag-isa na lang ako! Dapat hinayaan mo na lang akong tapusin na ang buhay ko!!" Pagwawala ko ngunit hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sakin.

"Nandito ako, pwede akong maging ka-pamilya mo. Handa akong maging iyo." Sabi niya pa.
Di ko na napigilan ang sarili ko at hinarap ko siya at niyakap din ngunit di ko pa din nakikita ang mukha niya dahil mabilisan lang ang nangyari at nagpatuloy pa rin sa pag-iyak.

"Shhh. Tahan na, nandito na ko. Hindi kita pababayaan." Sabi ng isang malambing na tinig.

"Bakit lagi na lang nila kong iniiwan?! Bakit lagi na lang nila kong sinasaktan?!" Tanong ko sa kanya na para namang alam niya.

"Hindi kita iiwan. Nandito lang ako." Sabi niya.

"Sawang-sawa na ko diyan sa mga pangakong yan! Hindi kita iiwan?! Hindi daw ako iiwan?! Sabihin mo!! Nasan sila ngayon?!" Malakas kong tanong sa di ko kilalang nilalang.

"Hindi ako nangako. Basta, hanggang nabubuhay ako, di kita iiwan." Sabi niya sakin na medyo ikinahiya ko dahil di nga naman siya nangako.

Nakahugot din ako ng konting lakas kaya naisipan ko na siyang tignan, kung sino ba tong kinakausap ko na hindi ko naman kilala ee nakikipagdramahan ako.

"V-Vince?!" Gulat kong sabi.

"P-pano ka nakapasok dito?!" Tanong ko pa.

"Di mo naman sinara yung pinto ee. Nakita kita kanina na tumatakbo na parang galit na galit at umiiyak kaya sinundan kita dito. Hindi ako nagkamali ng desisyon sa pag-sunod ko sayo dahil kung di kita sinundan... ee baka na-sundan mo na yung papa mo." Paliwanag niya.

"Bakit parang ang unfair sakin ng buhay? Bakit parang galit to sakin? Sa tuwing may magsasabi na di nila ko iiwan... saka naman sila nawawala. Naglalaho." Umiiyak kong sabi. Double meaning yung sinabi ko, maaaring literal, o yung kadalasang ginagawa ng mang-iiwan.

"Hindi unfair sayo ang buhay. Pinapatatag ka lang nito. Saka malay mo, di naman talaga kasi dapat na hanggang dun ka nalang, pero ikaw... susuko ka na agad." Pagko-comfort niya sakin.

"Si Zander na yun ee! Perfect na siya para sakin! Biyaya siya na binigay para sakin! Pero bakit kapag laging may mabait sakin... nawawala din sakin..." sagot ko.

"Alam mo, ang buhay... hindi natatapos sa pagkawala... kung tutuusin nga, dun pa nga ito nagsisimula ee." Hugot niya na di ko maintindihan.

"Basta! Lagi na lang akong naiiwang mag-isa! Di na ko magtataka kung mawawala ka din balang araw!" Sabi ko pa.

***

Isa.. dalwa... tatlo... apat na buwan ang lumipas na puno nang pasakit.
Sa loob ng apat na buwan, hindi ako masyadong nakapasok sa kompanya, di ako nakakain ng maayos, di ako naging masaya, medyo namayat ako, pero di nawala si Vince sa tabi ko, siya lagi ang nagko-comfort sakin, nagpupumilit sakin para kumain, nagbabantay sakin, nagpapasaya sakin, kahit na wala ako sa mood ee nagagawa niya kong patawanin, basta, lagi siyang nanjan para sakin. at dahil din sa kanya kaya ako naka-recover sa loob ng apat na buwan. Masakit man sa damdamin, pero kailangan tanggapin... dahil ang oras ay lumilipas, ako lang ang mahihirapan kung di ako sasabay sa takbo ng buhay. Mawawala nga yung sakit na nararamdaman ko, pero yung alaala niya dito sa isip at puso ko, mananatili magpakailan pa man. Umayos-ayos din yung lagay ko kahit papaano. Konting push na lang, makaka-move on din ako sa sakit... pero di ako makaka-move on saming alaala. Wala na siya... yan ang dapat kong tanggapin. Di ako pwedeng makulong na lang saming alaala.

***

Nakatulala ako at nagulat na lang sa kamay na umagaw ng atensyon ko na may laman na candy, Fres yung candy. Tinignan ko yung naka-sulat sa Fres, at nakalagay...

"Start the day right" medyo napangisi ako kasi relate ako, malungkot kasi ako, ee mali yun. Ang aga-aga tapos malungkot ako? Hahaha.

Maya-maya pa ay may inabot na naman siya...

"Cherish each day"

"Never lose hope"?

"Have a fresh start"?

"Finally found you"??

"I'm yours"???

Nakatingin lang ako sa baba non at inaabot yung mga candy na binibigay niya at eto, ito ang unang pagkakataon na napatingin niya ko sa kanya dahil nagulat ako sa nakasulat at nagbigay lang ako ng 'ano-ibig-sabihin-nito look' at nag-abot pa siya ng Fres. Si Vince yon. May Factory ata to ng Fres sa bulsa niya ee.

"Mahal kita" tumingin ulit ako sa kanya at nagbigay na naman ng parehong tingin gaya nang sa kanina.

"Be mine" pareho ulit ng kanina ang reaksyon ko.

"Please say Yes" aba, pinaghandaan ata ng loko to ah.

"Don't forget me" tumango ako.

"Yehey!" "Forever Love" sabay niyang ibinigay. Na-mali ata siya nang intindi at sasabihin ko na sana nang biglang may inabot ulit siyang Fres.

"Hugs and Kisses" pagka-basa ko nun ay nagulat nalang ako kasi bigla niya kong niyakap at hinalikan sa pisngi ng tatlong beses...

********************************

A/N: Nanghalungkat pa po ako ng Candy ng Fres sa paninda namin. Hahahaha. Saka request din yan ng isa kong friend na maglagay ako ng scene na may binibigay na Fres. Love lots!

Please do vote! ^_^

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon