New Beginnings

778 27 0
                                        

Naging maayos naman ang usapan namin kagabi ni Vince, tapos ngayon.. isa na namang magandang araw! Nagluto ako ng makakain at kumain mag-isa. Oo, sanay na ko... sanay na kong mag-isa. Charr. Hahaha

Pagkatapos kong kumain ay naghugas na ko ng pinagkainan ko. Natuto na kong magluto at gumawa ng mga gawaing bahay dahil wala naman akong kasama dito at ayokong may kasama ko dito... dahil baka makalimutan ko lang si Christian. Nasan na kaya siya? *sigh*

"Kung mandito ka man, pakinggan mo ko... miss na miss na kita Christian. Magpakita ka naman oh?" Pagkasabi na pagkasabi ko non ay may nakita akong reflection sa salamin na nakasabit sa harap ko dito sa lababo.

"Christian?!" Sabi ko sabay lingon sa likod ko. Pero sana di ko na lang ginawa dahil wala siya. O baka naman nawala na siya. O di kaya'y nababaliw na lang ako dahil nga sa miss na miss ko na siya ee nakikita ko na siya kahit saan. Maski kay Vince..

Tok!tok!tok!

"Ay kabayo!" Gulat kong sabi sa narinig kong katok. Buti tapos ko nang hugasan yung platong ginamit ko.

"Handalee, sandali lang!" Sigaw ko habang papalapit sa pinto.

"Oh, Zander! Kumusta? Aga mong bumisita ah." Bati ko sa kanya.

"Para namang di tayo magkasama kahapon! Hahaha." sabi niya. Oo nga pala, nagkita kami kahapon hahaha. Baliw lang ang peg? Hahaha

"So... ano sadya mo dito? Aalis ba tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, aalis tayo. Magkukwentuhan lang. Dun ulit tayo sa park." Sunod-sunod niyang sabi.

"Ahh, sige. Teka lang ah, magbibihis lang ako. Saka bakit gusto mo lagi sa park?" Tanong ko habang papunta na sa kwarto ko.

"Kasi masaya dun ee, payapa saka madaming bata. Nakakatuwa kaya ang mga bata. Ang ku-cute nila lalo na kapag naglalaro." Sabi niya. Mahilig pala siya sa bata. Ang cute naman ng lalaking mahilig sa bata. I admit, dagdag points yon para sa kanya. Hahaha lande.

"Ahh, sabagay." Sabi ko habang nagbibihis.

"Tara na? Nakabihis na ko. Hahaha" anyaya ko.

"Let's go!" Sabi niya sabay lagay ng isang kamay niya sa beywang na parang sa groom. Nakuha ko naman ang nais niyang iparating kaya nilagay ko yung kamay ko don. Hahahaha. Wala ee, nagugustuhan ko na din siya sa iilang araw ng aming pagsasama. Ewan, ginagayuma ata ako netong lalaking to kasi may kakaiba talaga sa kanya. Ang dali niya lang akong mapasunod, parang nahi-hypnotize ako sa bawat tingin niya sakin at parang sinasabi nito na 'sumunod ka sakin' hahaha.

Nandito na kami sa park.
"So ano gusto mong pag-usapan?" Tanong ko.

"Wala ka ba talagang kaibigan?" Tanong din niya.

"Meron nga, kaya lang di taga dito." Sagot ko.

"Sino?" Tanong niya.

"Si Cindy, siya ang ka-isa-isa kong best friend and kaibigan na rin" sabi ko.

"Ay! Meron na palang nadagdag na isa ko pang kaibigan!" Dagdag ko pa.

"Sino?" Tanong niya ulit.

"Si Vince! Hehehe" sagot ko.

"Ee diba galit ka sa kanya?" Tanong niya.

"Dati... ee matagal naman na panahon ang lumipas kaya kinalimutan ko na din. Ano ba, move on kung baga." Paliwanag ko.

"Ahh, ee bakit si Cindy lang yung kaibigan mo nung una?" Tanong pa niya.

"Ee kasi, siya yung kauna-unahang nakahalata sa preference ko ee. Saka madami na din kaming napagsamahan. Tulad ng gala, bonding sa kung saan-saan, magluto sa bahay nila, nood ng movie sa sinehan or sa bahay din nila, kain sa labas, at madami pang iba." Paliwanag ko. Di ko na binanggit si Christian kasi baka magtaka pa siya at di naman maniwala. Hahaha.

"Ay ganon? Sabagay, di naman gaanong halata yang pagkamalamya mo. Pero naramdaman ng puso ko ee, kaya wala kang ligtas. Hahahaha" pagmamayabang niya.

"Che! Ikaw? Wala ka bang kaibigan?" Tanong ko.

"Meron, nung high school nga lang. Tapos... wala na kong balita sa kanila kasi nag-ibang bansa na sila. Tapos nung college, mahirap maghanap ng totoong kaibigan don kaya pinili ko nalang na maging mapag-isa. Saka busy din naman kasi ako lagi dahil sa mga projects" paliwanag niya.

"Pwede ko din bang makilala si Cindy?" Tanong niya.

"Oo naman! Siguro next week. Natatamad pa kasi ako ee. Hahahaha" sabi ko sa kanya.

Nagkwentuhan pa kami don saka nakipaglaro siya sa mga bata na nandon. Di ko alam, pero nahuhuli ko nalang ang sarili kong nakangiti dahil sa nakikita ko siyang masaya plus dahil sa pakikipaglaro sa bata yung dahilan nung saya niya. Binilhan pa nga niya ang mga ito ng tig-iisang cotton candy ee. Ang bait niya talaga, para tuloy siyang angel. Angel? Argh! Naalala ko na naman si Christian.

***

"Oh, pagod na pagod ka ah. Saya mo kasi sa pakikipaglaro sa mga bata ee. Hahaha. Pero ayos lang yon, cute ka pa din naman kahit nakipaglaro ka sa mga bata. Nakapagpa-dagdag pa nga yun sa kagwapuhan mo ee." Sabi ko sa kanya.

"Hahaha uuy! Napo-fall na siya sakin! Sabi ko naman sayo ee, madali lang akong mahalin!" Sabi niya sabay kindat at kagat sa labi.

"Che! Tara na nga! Kain na tayo ng lunch! Libre ko na." Change topic ko.

"Kita mo na, ikaw pa manlilibre ngayon. Naks! Iba talaga tama mo sakin noh?" Mahangin niyang sagot. Ang yabang ah.

"Edi ikaw na manlibre!" Sabi ko.
Sabay sakay sa sasakyan niya. Nga pala, may mga sasakyan na kami. Sa kanya lang talaga madalas naming gamitin. Alam niyo na, manliligaw effect. Hahaha

Kumain kami sa Mcdo. Fries nalang natira sa kinakain ko at habang kumakain ako ng fries...

"Ang ganda naman niyan." Sabi niya sabay turo sa kwintas ko. Teka! Nakikita niya yung kwintas ko?! Ee ang sabi ni Christian, kami lang daw nakakakita non!

"N-nang alin?" Paninigurado ko.

"Yang design ng damit mo, fan ako ng Fairy Tail noon. Grabe! Adik na adik ako jan nung bata pa ko!" Sabi niya. Akala ko pa naman yung kwintas na yung nakita niya. Namiss ko tuloy si Christian lalo. Hmp! Lumungkot ng konti yung mukha ko at nahalata ata niya.

"Wag ka nang malungkot, ako din naman adik ako jan nung bata pa ko noh. Normal lang yan na binabalikan mo yung gusto mong anime. Ang alam ko nga, kahit matanda na yung iba, nanonood pa din ng mga anime ee." Sabi niya na medyo ikinatawa ko. Hindi ko naman alam tong Fairy Tail kasi di naman ako mahilig manood ng TV. Hahaha

"Hahaha! Sabagay. Tama ka nga naman." Palusot ko na lang. Hahahaha

Ganon pa din yung ginawa                                                                                                                        namin, tulad ng sa kahapon. Naglibot-libot, naglaro, nanood ng movie, nag dinner at yung pagtingin-tingin sa mga pwedeng bilhin. Ganern. Saka ako ho nagbayad nung nagastos namin nung lunch. Tinotoo ko na yung sinabi ko noh! Ayokong masabihan ng manloloko! Hahaha

********************************

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon