Revelation

981 38 4
                                    

Nandito na ko sa bahay at pinag-iisipan kung pupunta ko kela Vince o hindi.
Tatawagan ko sana kaya lang namatay yung cellphone ko, di naman lowbat pero ayaw nang bumukas, at isa pa naalala kong di nga pala ko nagpapaload kasi wala naman akong nakakatxt or tawagan.

Hindi ko alam pero parang hindi ko paa itong mga nandito sa baba ng hita ko. May sarili ata tong mga utak ee. Tamad na tamad na ko saka wala na kong balak puntahan ang bahay nila Vince pero yung paa ko naglalakad na ng kusa. Hmp! Iba to.

Dahil magkapitbahay lang kami ni Vince ee mabilis ko lang narating ang bahay nila.

"Okay, nandito na rin lang naman ako ee, sagad-sagarin ko na." Sabi ko sa sarili. Kakatok na sana ko nang bigla kong may narinig na mga boses na nag-uusap.

"Ee yung tungkol kay Miguel? Annyare na?" Sabi ng isang tinig na wari ko'y isa itong babae. Nanlaki naman ang mata ko nung marinig ko yung pangalan ko, kaya imbis na kumatok e minabuti ko nalang na makinig.

"Tama hinala mo, di ko na kailangan magtagal pa at pahirapan ang sarili ko." Sabi ni Vince.

Ano daw? Pahirapan ang sarili niya??

"Bakla pala siya, di ko man lamang nahalata. Di ko nga kinaya yung mga ginawa namin ee" dagdag nito.

"May nangyari ba sa inyo?!" Gulat na tinanong ng babae.

"Engs, yung pag tawag ng babe, holding hands, nood ng movie, bonding kung saan-saan, at lalong-lalo na yung halik sa noo. Whoo!" Pandidiri ni Vince.

Maluha-luha na ko kaya agad na kong umalis sa lugar na iyon. Ang sakit. Sobrang sakit. Di naman kami pero bakit ang sakit? Oo masakit nga yung pagbitaw nung nung mahal mo sa pinanghahawakan niyo, pero mas masakit pala yung feeling na malalaman mong sa umpisa palang ee di na siya nakakapit. Ikaw lang pala mag-isa yung umaasa.

Agad-agad na kong pumasok sa kwarto ko. Wala namang nakapansin ng mukha kong may pumapatak ng mga likido dahil busy ang lahat ng mga tao dito sa bahay kakalinis at kakachikahan. Di naman sila super dami mga nasa 7 lang sila kasama na si kuya Jobert.

Pagdating ko sa kwarto ay agad akong lumapat sa kama ko at humagulgol na ko ng mahina lang para di nila marinig sa labas at magtaka. Isinarado ko din ang bintana sabay tabing ng kurtina at baka makita pa ko nang walang hiyang manlolokong Vince na yun. Buti nalang talaga at di ako masyadong nagpadala. Pero kung di ako masyadong napadala, ano tong drama ko ngayon? Buwisit ka Vince! Anong ginawa mo sakin?! Ang arte-arte mo! May pa-pseudo-pseudo relationship ka pa. Manloloko ka! Buwisit ka! Sana lokohin ka din ng madaming tao!

Di ko alam pero pwede na po akong magpatayo ng isang branch ng Maynilad dito samin dahil sa di mapigil na pagbuhos ng luha kong peste din. Malakas ata talaga ang tama ko sa Vince na yon! Hayup! Ang sakit-sakit. Parang may humihiwa sa loob tapos ang hirap huminga. Mamamatay pa ata ako dito. Leche ka Vince! Ang drama-drama mo! Bibigyan kita ng Best Actor award! Papalamon ko sayo yung trophy! Tapos sasamahan ko na din ng giveaways, papalamon ko na din sayo! Lason papa-inom ko. Hmp!

***

Matagal-tagal din ako sa drama kong yon ng ma-realize kong ang tanga-tanga ko talaga. Bakit ko siya iniyakan. Wala ngang kami! Akala ko kaya ko. Akala ko madali lang. Siguro mas maayos kung nagsawa lang siya sakin, hindi yung pinaglaruan lang pala niya yung damdamin ko!

Chinat ko nalang si Cindy about dun sa mga nangyari sakin kanina na pumunta ko kela Vince at agad naman siyang nag-reply nang....

"Bukas natin pag-usapan be, nagagalit sakin si papa now." Ganda ng sagot niya. Tsk. Sino naman kakausapin ko?!

"Hoy! Ikaw! Oo ikaw nga!" Sabi ko sabay turo sa may bandang pintuan. Nababaliw na ata ako. May kinakausap akong di ko nakikita.

"Oo nga! Ikaw nga! Kulit mo naman ee!" Para kong tangang sabi. Nagulat ako dahil biglang pumasok sa isip ko yung gwapong malignong lalaking familiar sa paningin ko.

"Mahal mo ba ko?" Ano ba tong pinagsasabi ko? Nababaliw na ata ako.

Itinaas ko ang kaliwang kamay ko na ani mo'y may tao sa harap ko at ipinatong sa balikat nito. At ang kanan ay sa kaliwang pisngi nito at aktong humalik sa hangin ng naka pikit. Naisip ko nanaman yung lalaking gwapong di ko pa rin kilala hanggang ngayon.
Pag halik ko sa hangin ay biglang kumidlat at kumulog.
Nagulat ako dahil ang liwanag ng kidlat at sobrang lakas ng kulog. Nakapikit pa rin akong napaupo sa kama ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Nanghina ako. Di ko na alam ang sunod na mga nangyari.

"Ah! Ang sakit ng ulo ko, anong nangyari?" Tanong ko sa sarili ko.

"Di ko din alam ee" pagsagot ng di ko kilalang boses.

Nakatakip pa rin ang kamay ko sa noo ko dahil nga masakit ang ulo ko. May ibang tao ba sa kwarto ko? O guni-guni ko lang?

Nang pag-alis ko ng kamay ko ay bigla akong napabalikwas sa kama dahil... dahil!!! Dahil may lalaki dito!!!

"Si-sino ka?!" Nauutal kong tanong.

"Anong-- anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?! Pano ka nakapasok?!" Dagdag ko at natatakot pa din.

"Hindi mo ba talaga alam? Pero nakakapasok naman ako sa bahay niyo lalo na sa kwarto mo matagal na." Sagot ng di kilalang lalaki sa harap ko. Nakahubad pala siya, wala siyang damit siyempre, pero di ko na pinansin dahil sa takot.

"Paano?! Saka sino ka?!" Tanong ko. Familiar talaga tong lalaking to.... Si-siya yung madalas kong makita! Si-siya yung maligno!

"Ikaw?! Ikaw yung madalas kong makita!! Sino ka?! Magpaliwanag ka ngayon din! Bago pa ko tumawag ng pulis! Malignooo!!!" Taranta kong sabi.

"Teka lang, easy ka lang! Ako nga pala si Christian! Your Guradian Angel" sagot niya sakin. Ano daw?! Guardian Angel?! Loko ata to ee! Buwisit!

********************************

A/N: Ayan na po si Christian! Ekekekeeeekek!

#ChristianIsHere!

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon