"Totoo yung kasabihang 'Even if you know what is coming, you're never prepared for how it feels.' "
Sabi ko sa sarili habang nakatulala at nakatingin sa malayo."Mukhang matatagalan akong maka-move on sayo ah." Dagdag ko pa.
***
( 4 years later)
"Apat na taon nang nakalipas pero di pa rin nawawala yung sakit dito. Dito oh" sabi ko habang nakaturo sa kaliwang banda ng dibdib ko.
"Itong kwintas lang ang natitirang alaala na binigay mo sakin. Ni kailan man di ko na pinagpatuloy ang pagtingin sa kung ano pa ang laman nito. Tignan ko na kaya? Sige na nga.
***
"Alam mo, meron akong ginagawang isang bagay." Sabi ni Christian sabay ngiti.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Eto oh." Sabi niya sabay pakita ng kwintas.
(Yun yung kwintas na suot ko ah.)
"Para san naman yan?" Tanong ko ulit.
"Ito... dito sa kwintas na to, dito matatago ang masasayang alaala natin. Para kahit anong mangyari, pwede mong matandaan lahat ng masasayang alaala natin at isa pa, ikaw at ako lang ang makakahawak at makakakita dito." Paliwanag niya.
"Kailangan pa ba yun? Ee maaalala naman kita ee." Sabi ko sa kanya na ikinabago ng expression ng mukha niya.
"Kailangan din natin to, para kapag matanda ka na at naging makakalimutin, may maaalala ka kahit papaano. Maaalala mo na naging masaya ka din naman. Hehehe" sabi niya habang ngumingisi.
"Ganon? Sabagay.." sabi ko. Nang biglang...
"Hello? Kuya? Ok ka lang?" Sabi sakin ng isang lalaki sa harapan ko.
"Ha-huh?" Gulat kong sabi at bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko nung makita ko siya. May kakaiba. At saka
Nandito ako sa park, naka-upo mag-isa, bago pa siya dumating."Kanina ka pa nakatulala ee. Mukhang malalim iniisip mo ah. Di maka move on?" Tuloy-tuloy niyang sabi.
"Huh? Ah-- eh... hindi, ayos lang ako. Wag mo kong alalahanin. At saka bakit mo ko pinagmamasdan? At Mukhang kanina mo pa ko tinitignan base sa sinabi mo" tanong ko sa di ko kilalang lalaki.
"Ah-- ee ang gwapo mo kasi e." Sabi niya na ikinamula ng mukha ko.
"Ang corny po. Promise." Sabi ko sabay irap.
"Ee bakit ka namula?" Pang-aasar niya.
"Ewan ko sayo. Di naman kita kilala kaya don't talk to me!" Mataray kong sabi.
"Problema ba yun? I'm Zander by the way." Pakilala niya.
Lalo namang bumilis yung tibok ng puso ko na ani mo'y nakikipag karera sa kidlat.
"Ah-uhmm.. I'm Mi-Miguel, Miguel Cruz." Nauutal kong sabi.
"Yeah, wag kang kabahan, di ako nangangain ng tao. Bait-bait ko kaya." Sabi niya na parang bata.
Di ko alam pero nagwawala na yung puso ko. Ang lakas at rinig ko na yung bawat tibok.*Dub-dub Dub-dub Dub-dub.*
Baka rinig na din niya. Mamamatay na ata ako. Baka atakihin nalang ako bigla dito.
"Wag kang kabahan. Ok lang yan na kumakausap ka ng taong ngayon mo lang nakilala. Saka wag kang maniwala sa madalas nilang sinasabi na 'don't talk to strangers' kasi pano ka magkakaron ng kaibigan kung di ka kakausap ng iba. Remember, every friend you have today, was once a stranger." Mahaba niyang litanya. May point naman siya.
"O-ok. San ka ba nakatira?" Tanong ko sa kanya.
"Kung saang building ka nakatira." Simple niyang sabi.
"#738 yung unit ko sa Palacio de Luna Condominium." Dagdag niya na ikinagulat ko dahil magkatabi lang yung unit namin at iisa lang yung condo na tinutuluyan namin.
"Ta-talaga?" Gulat kong sabi.
"Magkatabi lang tayo ng unit." Dagdag ko
"Edi maganda, alin yung iyo yung #737 o #739?" Tanong niya.
"#739 akin." Sabi ko na parang nawawala sa sarili dahil sa kakaiba talaga yung pakiramdam. Parang ang saya, tapos ang dali ko lang siyang nakapalagayan ng loob. Baka ito yung tutulong sakin para makapag-move on. Hehehe landeeee!
"Labas tayo minsan?" Anyaya niya sakin.
"Sige, hehehe" pagsang-ayon ko.
"Simulan natin ngayon." Sabi niya habang nakangiti.
Gwapo din pala to, siya yung tipo ng lalaking walang dating sa unang tingin pero kapag tinitigan mo, lumalabas yung tunay niyang panglaban.
Mala rosas ang kulay ng maninipis niyang labi, nangungusap ang kanyang mga mata, maputing kutis, mapuputi't pantay-pantay na ngipin. Basta, di nakakasawang titigan, kasi habang tumatagal lalong nakakaadik tignan.
"May dumi ba ko sa mukha?" Basag niya sa moment kong pagtingin sa mukha niya na ikinagulat ko. Siyempre nakakahiya noh!
"Ah-- wala... wala hahaha" napuputol-putol kong sabi.
"Grabe ka kasi makatingin ee. Ikaw ah, gusto mo ko noh?" Makapal na mukha niyang pagbigkas.
"Hindi ah!" Pagtanggi ko.
"Di mo nga ko sinagot ee." Sabi niya.
"Ano ba tanong mo?" Tanong ko.
"Kung mahal mo ba ko" walang pakundangan niyang sabi.
"Ha-huh?" Sabi ko na namumula na ng sobra. Tinanong ba niya yun??
"Got yeah! Hahahaha!!! Joke lang! Napaghahalataan ka! Hahaha. Sabi ko, simulan na natin yung paglabas natin ngayon. Gala tayo." Pang-aasar niya sakin dahil naisahan niya ko. Letse.
"Ewan ko sayo!" Sabi ko sabay tulak ng mahina sa braso niya. Magkatabi lang kami, mga isang dangkal o dalawa lang ang pagitan kaya madali lang para sakin ang itulak siya. Umalis na ko dahil napahiya ako ee.
"Uy! Joke lang! Teka sandali!" Sigaw niya dahil papalayo na ko nang bigla kong maramdaman yung paghila niya sakin sa kamay ko na naging dahilan para mapaharap ako at biglang may nangyari. Ang bilis ng pangyayari, di ko alam kung paano pero nadatnan ko nalang ang sarili kong nakatingin sa mata niya na ilang inches lang ang layo at lalong nagwala yung puso ko sandali na parang sumabog lang at naging kalmado din ito makalipas pa ang ilang segundo ng aming posisyon. Hindi ako makagalaw, naparalisa ako. Parang nahigop yung lakas ko. Maging ang mundong aking ginagalawan ay nagmistulang nakahinto rin dahil wala akong ibang nakita kundi si Zander na nasa harapan ko.
********************************
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)
FantasiMarami talagang bagay sa mundo ang di natin maintindihan, pero dahil sa wagas na pagmamahal, nabibigyan ng kasagutan. Hindi man lahat , pero at least karamihan. Pano kung ang di mo inaasahang pangyayari sa buhay mo ay dumating nang biglaan at dahil...