Changes

993 39 2
                                        

"Sabi mo di ka nagugutom diba?" Nakangiti kong banggit.

"Oo, bakit?" Tanong niya

"Nagugutom na kasi ako ee. Gabi na kaya, pwede nang mag-dinner" simpleng sabi ko sabay hawak sa aking tiyan.

"Ganon ba? sige kain ka na. Hehehe" magiliw niyang sagot.

Pumunta na kaming kusina, di naman siya nakikita, so ayos lang sa kanyang magpagala-gala at saka di ko din naman siya niyaya, sumunod lang siya bigla. Sanay na yata kasi siya na lagi akong sinusundan. Para tuloy akong may body guard, pero gwapo. Hahahaha.

Pinaghain na ko ni manang ng makakain at kinain ko din naman iyon. Naninibago ko dahil may kasama kong kumain. At tinitignan lang ako. Buti di niya binabasa nasa isip ko ngayon. Hahaha. Di ko din siya pwedeng kausapin dahil nasa malapit lang namin yung ilang mga kasamabahay namin kaya binilisan ko nalang ang pag-kain ko.

Pagkatapos kong kumain ay nagtungo na kami sa kwarto ko.
Madami pa kong gustong malaman sa kanya ee... kaya lang di nakikisama yung antok. Tsk. Inaantok na ko.

"Tulog na tayo?" Anyaya ko sa kanya at tumango lang siya.
Nauna siyang nahiga sakin at pumikit agad pagka-higa. Ilang minuto ko din siyang tinignan at parang tulog na nga siya kaya naka-tulog na din ako.

***

(Christian)

Di naman kami natutulog ee, pero nagpanggap nalang ako na natutulog para makatulog na din siya. Baka pag nalaman niya yun ee, di na din siya makatulog. May pasok pa naman siya bukas.

"Bakit ang cute mong tignan? Bakit may kakaiba kong nararamdaman." Pag-kausap ko sa sarili.

"Mahaba-haba pa ang gabi." Dagdag ko pa. Gagawin ko nalang yung madalas kong ginagawa. Ano pa nga ba, edi yung makisingit sa panaginip niya... Matagal ko na tong ginagawa, lalo na kapag gusto ko siyang makausap, makalaro, at kung ano-ano pa, pero ngayon nandito lang ako sa malayo naka-bantay. Ewan, parang ayokong guluhin yung pag-uusap nila nung lalaking yun na kausap niya, di ko din naman kilala. Di ko alam kung bakit pero parang di ko gusto yung nararamdaman ko. Ewan. Lalabas na nga ako dito. Matagal ko din siyang pinagmasdan, sa sobrang tagal di ko namalayang umaga na pala. Bigla na lang tumunog yung cellphone niya at parang magigising na siya. Agad naman akong nagtulog-tulugan.

***

"May pasok nga pala! Argh! Bakit ko nakalimutan? Eto kasing lalaking to ee, inalis ako sa earth. Tsk" sabi ko nang nag-uunat sabay tingin kay Chris.
Tulog pa din siya. Tulog?! Bakit siya natutulog?! Ee di ba sabi niya di siya napapagod?! Niloloko ata ako neto ee.

"Hoy! Ang drama mo! Dumilat ka nga jan!" Malakas kong sabi at dumilat naman.

"Bakit? Anong problema?" Mahinahon niyang tanong.

"Bakit ka natutulog?!" Taka kong tanong.

"Masama bang matulog?" Sabi niya na parang inosenteng-inosente.

"Niloloko mo ba ko? Ee di ba di ka naman napapagod!" Inis kong sabi.

"Hindi nga, ee kasi gusto kitang patulugin kaya nagpanggap ako. Baka kasi di ka matulog kapag alam mong di ako natutulog." Maayos niyang paliwanag. Ang hirap magkaron ng kausap na di nagagalit. Hays. Parang lumalabas na napaka-sama ko tuloy.

"Ah ganon ba? Salamat ah. Pero ngayon alam ko na, naalala ko kasi. Hahaha" masaya ko nang sabi, para naman di ako magmukhang masama. Hahaha.

"Mag-aayos na ko para makapasok na ko ah." Paalam ko sa kanya at tumango lang siya. Ang gwapo talaga, ang amo tignan, parang inosenteng-inosente na di mo kayang bastusin. Wag kang green, ibang bastos nasa isip mo. Yung bastos na walang modo ganern yung meaning ko dun.

Kumain na ko't nag-ayos pero di siya sumunod. Pumunta din ako ng kwarto pero wala siya don.

"Nasan ka ba? Male-late na ko... arghhh.. bahala ka na nga." Sabi ko habang naghahanap sa iba't ibang dako ng bahay namin.
Aalis na ko.

"Kuya Jobert, tara na po." Walang gana kong anyaya.

"Sige" simpleng sagot niya.

Habang nasa daan, nakatingin ako sa labas, As usual. Nang biglang may nakita ako sa bandang itaas, akala ko ibon lang pero malaki kaya mas tinignan ko pa lalo... siningkit ko yung mata ko para makita ko ng malinaw... na agad namang pinalaki (yung mata) nang nakita ko kung ano yun! Di pala ano, sino! Si Christian yun! Whaaat?!

"Kaya din pala niyang lumipad?!" Gulat na sabi ko na ikinagulat din ni kuya Jobert.

"Lumilipad?" Pagtataka ni kuya Jobert na tumitingin-tingin sakin gamit ang maliit na salamin sa unahan ng sasakyan.

"Yung ibon po, kaya din palang lumipad. Hehehe" palusot ko. Masyado na kong Nagmumukhang tanga. Oo di ako magaling sa klase pero the ef? Pati ba naman sa simpleng bagay? Hahaha.

"Ngayon mo lang nalaman? Hahahaha" pang-iinis niya sabay tawa. Di ko nalang pinansin.

Tiningnan ko ulit si Chris at tumingin din siya sakin. Saktong sakto.

"Ano yan? Di mo sinabi sakin yan!" Sabi ko sa kanya gamit lang ang isip.

"Di mo naman tinanong ee." Sagot niya.

"Mag-usap tayo mamaya, dun sa school!" Sagot ko sa parehong pamamaraan. Umiwas na ko nang tingin. Ang daming kakaibang nangyayari, mukhang maninibago ako neto ah. Tsk. Ano kayang dahilan at nakita ko yang mahiwagang lalaking yan. So extraordinary.
*sigh*

"Si-" naputol na sabi ni kuya dahil inunahan ko na siya.

"Nandito na tayo! Sa wakas!" Parang bata kong sabi.

"Aba, iba na... bago to ah." sabi ni kuya na halata mong nagulat.

"Naman! Hehehe. Bye kuya Jobert!" Magiliw kong pagpapaalam.

"Nasan na kaya yung gwapong nilalang na yun?" Banggit ko pagkababa ko.

Naghintay pa ko nang ilang sandali nang bigka kong makita si Vince. Galit pa nga pala ko dito! Pero in fairness nakalimutan ko. Dahil siguro kay fafa Christian. Ang gwafuuu niya kasi ee! Chos! Yun talaga yung napansin ee noh? Hahaha. Pero parang nawala na din yung galit ko sa kanya, ewan. May galit ako, pero konti na lang. Ewan ko ba. Dahil din siguro kay Chris. Iba epekto sakin nung kakaibang nilalang na yun. Hmp!

********************************

My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon