Ang tagal din ng panahon bago ako maka bisita dito, eto na. Kumatok ako ng tatlong beses at maya-maya pa ay bumukas na ang pinto at agad na bumungad samin si Cindy na parang gulat na gulat sa kasama ko.
"Ah oo nga pala, boyfriend ko, si Zander." Masayang pagpapakilala ko kay Zander. Nanlaki yung mata niya na nahalata naman naming dalawa ni Zander, at eto namang si Zander ee nagbigay lang ng napaka-tamis na ngiti sabay sabing... "Hello, Cindy". Oo kilala na niya si Cindy dahil madalas ko siyang ikwento dito. Eto ba naman kasi ang kai-isa-isang best friend ko sa loob ng mahabang panahon! Hay grabe, buti nga at di ako nananawa dito sa babaeng ito ee. Hahaha. At saka magda-dalawang linggo palang naman kami ni Zander kaya nagulat talaga si Cindy dahil ang alam niya na boyfriend ko ay si Christian.
"Tuloy muna kayo at mukhang madami pang ikukwento sakin tong boyfriend mo, Zander. Hehehe". Pagpapatuloy niya samin ng may pagtataka. Siyempre di ako pumasok agad-agad kahit na gawain ko yun noh, may hiya din naman ako, nahiya ako hindi dahil kay Cindy, kundi dahil kay Zander. Hehehe landeeee!
Naupo kami sa mahabang sofa, mayaman naman kasi itong si Cindy, at saka nag-iisa lang siya ngayon dahil yung boyfriend niya ee seaman at nagtatrabaho na sa kasalukuyan.Naghahanda si Cindy sa kusina nila. (oo mayaman sila pero kuripot kaya ayaw kumuha ng katulong.)
"Miguel?! Tulungan mo nga ako dito! Para ka namang bago nang bago ee!" Sigaw niya sakin na ikinagulat ko naman. Nakasanayan kasi namin na kapag naghahanda siya ng merienda o kahit anong makakain ee nandun ako. Hahahaha sorry naman! Tagal ko na kayang di nakaka-dalaw dito. Mahigit ilang buwan na din. Di ko matandaan ee, masyado kasi akong naging busy dahil graduating ako, at kaka-graduate ko lang ng college nitong bakasyon sa kursong
Arts and Design. Pinuntahan ko na si Cindy at baka mamaya ee sugurin pa ko sa sala at mabigyan pa ko nang havey at bonggang-bonggang batok ee mapahiya pa ko sa kasama ko. Hahahaha"Ano na naman ba problema mo?! Ganda-ganda ng sikat ng araw sa labas tapos ikaw ang pangit-pangit mo!" Pang-iinis ko sa kanya sabay ngisi.
"Tigilan mo ko sa kaartehan mo ha! At sino yang kasama mo?! Asan si Christian?!". pabulong ngunit malakas niyang sabi sakin. Napatawa nalang ako kasi para siyang bata, tinutok pa talaga sakin yung tinidor na hawak niya.
"Hoy babae, di ako kriminal, wag kang mag alala, walang masamang nangyari kay Christian." Natatawa ko pang sabi.
"O, ee nasan nga siya?!" Pangungulit nito. Ngunit nagbago lamang ang expression ng aking mukha, nahalata ata niya yon.
"Uyy, ano nangyare??" Pagbaba at paghinahon ng tono nito.
"Hindi ko nga din alam ee, bigla nalang siyang nawala isang umaga. Namimiss ko na nga siya ee, ilang taon ko na din siyang di nakikita." Malungkot kong sabi. Siya lang nakakakilala kay Christian kasi siya lang yung matalik kong kaibigan, at di ko naman siya pwedeng ipakita sa magulang ko, siguradong magtataka yun. Mahabang panahon din kaming nagsama noh, nakakamiss lang.
"Ano ka ba, mag move on ka na nga! May Zander na ko ngayon. At masaya kami. Wag kang magulo. Bleh bleh" Pagbabalik ko ng sigla at pang-iinis ko sa kanya sabay patong ng kamay sa ulo at ginawang tenga sabay dila na parang bata. Masaya naman talaga kami ni Zander, sa katunayan nga ee para siyang si Christian. Di ko po siya panakip butas, sadyang namiss ko lang si Christian noh. Echoserang mga toh! Sige balik tayo sa nakaraan para naman makilala niyo din si Christian. My guradian angel, my lover. Yiiieeeeh eeeekelekelekkelek!

BINABASA MO ANG
My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)
FantasyMarami talagang bagay sa mundo ang di natin maintindihan, pero dahil sa wagas na pagmamahal, nabibigyan ng kasagutan. Hindi man lahat , pero at least karamihan. Pano kung ang di mo inaasahang pangyayari sa buhay mo ay dumating nang biglaan at dahil...