Naiwan akong nakatulala hanggang ngayon. Kakaiba talaga itong lalaking ito. Wow. Just wow.
"So kaano-ano mo siya Migz?" Tanong sakin ni Cindy.
"Uhm-eh--" Di ko na natuloy dahil biglang sumingit si Christian.
"Guardian angel niya ko, Cindy" walang kaabog-abog na sabi ni Christian. Na ikinalaki ng mata ni Cindy.
"Hiwaaaaat?! Hoy ako lalaki wag mong pinagloloko ha. Kahit na madali akong maloko lalo na't gwapo! Pero yung guardian angel?! OA na po yun kuya." Mahabang litanya ng bruha.
"Totoo yun Cindy" pagtatanggol ko sa sinabi ni Christian.
"Aba, in tandem pa, wag niyo ko idamay sa mga out-of-this-world niyong trip ha. Don't me!" Di papatalo niyang ka-pride-an.
"Edi wag kang maniwala. Chos ganto kasi yan..." ayun at ikinwento ko na sa kanya yung lahat nang nangyari kahapon ng hapon, pati na din yung sa panloloko ni Vince sakin pati yung nararamdaman kong galit na slight nalang.
"First of all, ang kapal ng mukha ni Vince. Second, ang bilis mong maka-move on. Third, anong hiwaga nalang ang meron kayong dalawa at napagtagpo niyo ang isa't isa? Lastly, ang gwapo ng kauna-unahan mong ginabayan! Bring him back today para meron din ako!" Mahaba't malandi niyang talata.
"Hayaan na natin si Vince dahil ayoko na siyang makausap at mapag-usapan. At yung tungkol sa aksidenteng nangyari samin ng anghel ko ee di pa rin namin alam." Pinaikli kong sagot.
"Saka di ko kayang gawin yung pabalikin dito si Harry" sabat ni Christian.
"Harry?" Sabay na sabi namin ni Cindy.
"Yung una kong alaga." Pagtataka niyang sagot.
"Ahh. Kalimutan mo na yun, joke lang yun at isa pa, naalala mo pa yung pangalan niya." Sinagot na ni Cindy.
"Oo naman, di ako malilimutin. naalala ko din yung pangalawa, si Harold, si Kevin naman yung pangatlo, si Sarah, Mindy, Aries, Ar--" naputol na ang mapapa-haba niyang talata.
"Hep-hep-hepzz, tama na. Di namin sila kilala and wala kaming balak na kilalanin isa-isa yang mga yan dahil kukulangin ang buhay namin bago ka pa makarating sa paggabay mo sakin." Pagputol ko sa sinasabi niya.
"Oo nga... baka di na ko makapag-asawa niyan. Hahaha" sabad ni Cindy.
"Ok!" Magiliw niyang sabi na parang bata.
"So wanna go to the mall later, after class?" Alok ko kay Cindy.
"Sure!" Agad-agad niyang sagot.
"Sama!" Sigaw ni Chris samin na parang bata. Tsk!
"Ano ba magagawa ko? Ee kahit iwanan kita dito, ee makakasunod ka din naman dahil kaya mong lumipad." Sabi ko sabay irap.
"By the way, di ba siya nakikita ng ibang tao dito sa school?" Pag-iiba ng topic ni Cindy.
"Hindi. Kayo lang dalawa nakakakita sakin" sagot ni Chris.
"Weeeh?? Di nga???" Di pa rin niya makapaniwalang sabi.
"Oo nga, kulit naman neto ee-- Chloe! " sabi ko sabay tawag sa isa naming kaklase. Tumingin naman ito sakin.
"Ako ba?" Tangang tanong niya.
"Oo ikaw. Ikaw yung pinaka tanga sa school na to." Sabi ko, pero pabulong na yung pangalawang sentence. Agad naman siyang lumapit samin na nagtataka.
"Bakit? Ano yun?" Tanong niya.
"May kilala ka bang Christian dito? Saka malabo mata ko ee, may naka-upo ba sa tabi ni Cindy?" Tuloy-tuloy kong sabi. (Katabi kasi ni Cindy si Christian.)
"Si Melvin Christian lang kilala kong Christian ee. Wala naman akong nakikita na katabi ni Cindy." Sagot niya na nakunot-kunot ang noo.
"Ahh ganon ba, nagtanong kasi tong kaibigan ko kung sino mga Christian ee. Sige salamat. Kain ka na-- baka mamatay ka pa makasuhan pa kami" pangtataboy ko sa kanya. Nga pala, pabulong lang yung about sa mamamatay, baka ako mapatay dito hahaha.
"Ok" maiksi niyang sagot at umalis na.
"O ano? Naniniwala ka na?" Pagpapatunay ko na totoo yung sinasabi ni Christian.
"O-oo, ang galing naman talaga. Di pa rin ako makapaniwala. Akala ko boyfriend mo na to." Pagsasabi niya habang nakatingin sa kawalan.
"Bo-boyfriend?! Di pa ko magbo-boyfriend!" Depensa ko.
"Anong boyfriend? Madaming uri ng boyfriend yung-" tanong ni Christian na naputol din dahil inagaw ni Cindy ang eksena.
"Yung kaibigan lang. Oo kaibigan lang" sabi ni Cindy.
"Aahh oo boyfriend niya ko, taga-gabay, at tagapag-tanggol." Drama ni Christian.
"Yiieeeh! Kilig naman ako. By the way, wala ba kong guardian angel?" Tanong ni Cindy.
"Wala kaming karapatang sagutin yan." Simpleng sagot ni Chris.
"Ang daya naman. Ee bakit ikaw pwede?" Sabay baling sakin.
"Di naman kasi namin gusto ang nangyari, at magpa-sa-hanggang ngayon ay di namin alam ang nangyari." Sabad ni Christian.
"Sana alam niyo, para meron din ako." Panghihinayang ni Cindy sabay pout.
"Pangit mo! Mukha kang bibe na aso!" Pang-aasar ko kay Cindy dahil sa pout niya.
"Pag sakin ganyan reaksyon mo pero pag sa lalaki, kulang nalang magpagahasa ka na!" Pagsakay naman niya sa trip.
"Che! Pangit ka lang talaga kaya ganon." Gatong ko pa.
"Wala ba kayong ibang alam kundi magbangayan??" Biglang singit ni Christian.
"Meron!" Sabay naming sagot.
"Ano?" Kunot-noo niyang tanong.
"Maghanap ng pogi! Saka ng macho at manglandi!" Malanding sagot ni Cindy. Malandi talaga ang bruha.
"Tsk, landi mo talagang bruha ka!" Pang-aasar ko.
"Sayo pa talaga nanggaling ha! Ang alam ko nga ee mas malandi ka pa noh!" Nakangisi niyang pang-aasar. Sanay na ko sa bruha, pero pag sa iba nanggaling yang mga salitang yan, ee uuwi siyang naka-wig nalang. Tsk! Hahaha
"Hoy gaga! Time na pala! Lagot tayo sa next teacher natin!" Pang-aalarma ng bruha sakin.
"Tara na nga." Anyaya ko at agad naman kaming bumalik ng room. Parang na-OP ata si Christian samin.
"Di ah, sanay naman na ko. Matagal na kong nakakaranas ng ganon, bago ka pa dumating." Sabi niya sa isip ko. Mukhang masasanay na ko dito ah.
"Hahahaha! Sorry na po" dagdag pa niya.
"Basta mamaya mall tayo ha!" Huli kong sabi bago ako umupo sa upuan ko.
"Sure!" Sabi ni Cindy. Di ko na naman nakita si Christian.
********************************
A/N: Sorry po sa mga typo. Hehehe
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)
FantasiaMarami talagang bagay sa mundo ang di natin maintindihan, pero dahil sa wagas na pagmamahal, nabibigyan ng kasagutan. Hindi man lahat , pero at least karamihan. Pano kung ang di mo inaasahang pangyayari sa buhay mo ay dumating nang biglaan at dahil...
