Linggo na naman ang lumipas ganon pa rin ang routine namin. Ngunit wala pa ring nagbabago samin kundi ang paglalim pa ng relasyon namin, mas lalo ko lang siyang minahal at mas lalo lang siyang naging mapagmahal at mapag-alaga sakin. Napaka-swerte ko sa kanya kung tutuusin dahil ni kailan man di niya pinaramdam sakin na dapat akong magalit o mainis man lang bagkus ay pagmamahl, tunay na pagmamahal ang inalay niya sakin kaya wala akong makitaan na dahilan para iwan siya kahit na wala naman talaga kong balak na iwan siya. Siguro siya na nga talaga ang para sakin. Siya na ang tutulong para sa mga bagay na dapat ko nang makalimutan.
***
"Anak, kailangan mo nang mag-trabaho para masanay ka na at para alam mo na ang gagawin sakaling magkaron ng problema." Sabi sakin ni papa habang kausap ko siya sa telepono.
"Opo, sige po papa." Simpleng sagot ko lang.
"Bukas ka na magsimula para tamang-tamang lunes" sabi pa niya.
"Sige po papa. Pupunta po ako bukas ng 6 am. Tulad ng sabi niyo sakin noon." Sagot ko. Ako daw kasi ang mamamahala ng kompanyang meron kami. Kita ko nga naman, noon ee wala akong pakialam sa kompanyang ito dahil naiinis ako dito pero ano nangyari ngayon? Ako pa mamamahala dahil kakailanganin ko din pala ito balang araw... at yun ay ang araw bukas at magpakailan man.
"Sige. Ingat ka palagi ha" paalala ni papa.
"Opo, sige po pa. Bye po" paalam ko at saka binaba na ang tawag.
***
"Hon, babe, ano na? Ready ka na ba?" Tanong ni Zander. Nakakapasok na siya sa unit ko dahil pina-duplicate ko yung susi ko at susi niya para nakakapasok kami sa kwarto ko at kwarto niya. Minsan nga dito na siya natutulog ee o kaya ako naman natutulog sa unit niya. May tiwala na ko sa kanya dahil kahit kailan di siya nagsinungaling sakin. Tatanungin ko siya ng mahinahon at magsasabi agad siya sakin ng dapat kong malaman. Mas maganda kung ang relasyon ay tapat para wala na kayong pag-aawayan pagdating ng araw dahil sa isang araw na pagsisinungaling.
"Oo babe, ready na ko." Sagot ko. Aalis kasi kami today. As usual, magde-date kami. Kung saan-saan na kami naka-punta sa loob ng isang linggo, meron sa EK, Bohol, Boracay, at Tagaytay. Ngayon naman ay sa Palawan, pero balikan lang kami. Mamayang gabi uuwi na din kami. Maaga pa naman ee, 5am palang kaya keri pa yan at may sasakyan naman kami. Kung mabitin man, babalik ulit kami hahahaha. Basta aalis kami, yun yung sure.
"Ready na mga gamit ko, sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina pa honey." Sabi niya sakin.
"Ee kung ganon, tara na!" Masaya kong anyaya at umalis na ka-agad kami.
Medyo malayo-layo ang byahe, mga 4-6 hours daw bago makarating don. Edi 9-11 am nandun na kami. May dala na din kaming snacks if ever na magutom kami. Nag-breakfast naman kami pero malay mo abutan kami ng gutom sa daan, edi at least ready kami hahaha. Nagpapalitan din kami sa driver seat kapag napagod or nagutom ang isa samin.
***
"Finally! We're here!" Masaya kong sabi.
"Let's go na, namnamin na natin ang magandang lugar na ito at magtampisaw na din!" Anyaya niya sakin.
Ang gwapo niya talaga. Napaka-bait, magalang, mapagmahal, mapaglaro sa mga bata, matulungin, mahaba yung pasensya, Basta napaka buti niya. Bonus nalang yung kagwapuhan niya ee, almost perfect na kasi siya. I mean perfect na siya para sakin.
Kung iisiping mabuti, para siyang angel. Para siyang si--...
Bakit ko ba iniisip yon. Imposibleng mangyari yon.
"Babe, sabi ko let's go na. Sayang ang lugar, kung tititigan mo lang din pala ko edi sana di na tayo umalis and dun nalang tayo sa unit mo't nagtitigan." Sabi niya sabay ngiti. Nakatitig nalang pala ko sa kanya. Hahahaha. Ang gwapo niya talaga!
"Ay, sabi ko, mag-lunch muna tayo kasi magtu-twelve na din naman" palusot ko kahit wala naman talaga kong sinabi na ganon hahahaha.
"Hahahaha. Sabi mo ee, edi kain muna." Sabi niya kaya naghanda na kami ng baon naming pagkain at kumain. Nagpahinga muna kami bago kami nagswimming. Nga pala, may abs si Zander like Uhmm. Ganern! Hubog na hubog yung maskels niya! At kitang-kita ko yun dahil topless siya ngayon! Roar! Sabi sa inyo perfect na ee!
Ilang mimuto din kaming nagpahinga at nagtampisaw na kami sa tubig na ani mo'y mga bata na naghahabulan at nagtatawanan at nagbabasaan. Ang sweet lang tignan. Tapos kapag nahuli yayakapin ng super higpit at di papakawalan, kapag pumalag, babagsak kaya nagpapagulong-gulong kami don. Wala kaming pake kung may makakita man samin, basta masaya kami sa ginagawa namen! Mamatay sila sa inggit! Charr! Hahaha.
Nagtataya-tayaan din kami sa dagat. Habulan gamit ang paglangoy, nag snorkeling din kami. Madami kaming ginawa. Naging masaya kami ngayon... kahit lagi naman talaga kaming masaya. Sumakay din kami sa boat. Basta super saya nung araw na yon. Napaka saya.
4pm kami umalis sa lugar na iyon. At habang nasa biyahe...
"Babe, papasok na pala ko bukas sa company ni papa. Sorry ngayon ko lang nasabi. 6am pasok ko. Para daw maging handa na ko sa pamamahala ng company namin kaya inagahan niya na yung pagpapapasok sakin don." Sunod-sunod kong sabi.
"Ok lang babe, naging masaya kasi tayo kaya di mo na nasabi ka-agad. Hatid nalang kita bukas. Sa unit mo ko matutulog ngayong gabi para sabay tayo gising." Sabi niya. Ang bait talaga diba? Kung yung iba niyan magagalit pa na,'bakit ngayon mo lang sinabi! Di mo ko in-inform! Di ako ready!' Ganern. Pero sa kanya, naintindihan agad niya.
"Thank you honey, sa pag-intindi! Kaya mahal na mahal kita ee. I love you so much!" Sabi ko sabay kiss sa pisngi niya kahit nagda-drive siya.
"I love you more honey!" Sabi niya sabay patugtog ng favorite niyang--naming music... 'I love you too much - book of life.' At nakisabay na din kami sa tugtog.
Pasado alas onse nang makauwi na kami. Nagbihis nalang kami at saka natulog ng magkatabi.
"Goodnight babe, I love you" sabi ko sabay bigay ng smack na kiss.
"Goodnight din. Sweet dreams!" Tugon niya sabay yakap sakin. Nakaunan ako sa braso niya at nakasubsob sa dibdib niya habang yakap-yakap niya ko. Ang bango niya talaga.
"Di na kita pakakawalan kahit kailan!" Dagdag ko pa. At saka natulog na.
********************************
BINABASA MO ANG
My Guardian Angel, My Lover. (COMPLETED.)
FantasiaMarami talagang bagay sa mundo ang di natin maintindihan, pero dahil sa wagas na pagmamahal, nabibigyan ng kasagutan. Hindi man lahat , pero at least karamihan. Pano kung ang di mo inaasahang pangyayari sa buhay mo ay dumating nang biglaan at dahil...
