Chapter 1

180 55 10
                                        

"I only want two things in this world. I want you, I want us."ㅡWest Cervantes

1

Going back

Cerenade

"Kelangan ba talaga natin umuwi?" saad ni West habang nakahiga sa kama ko.

"Oo naman babe! ano ba birthday kaya ni Mommy," sigaw ko sa kanya habang inaayos yung mga dapat naming dalhin.

"Ehhh dito nalang kasi tayo babe." lumapit ako sa kanya at kinurot ang pisngi niya, nakapout kasi.

"A-aray, bitaw na," pilit niyang tinatanggal ang mga kamay ko sa pisngi niya.

Tinanggal ko na namumula na kasi baka mamaya umiyak pa to. De joke lang.

"Tulungan mo na kasi ako dun." hinila ko ang braso niya at pilit siyang itinatayo sa kama.

"Kiss muna," binatukan ko naman siya. Minsan talaga namimihasa na siya.

"Oo na oo na, tatayo na." inirapan niya ko tapos naglakad siya patungo sa walk in closet ko.

Tingnan mo 'to parang bakla. Nangiirap.

Lumapit na ako sa cabinet ko at pinagpatuloy ang pagiimpake habang siya ay inaayos ang mga necessities na nasa banyo.

After 2 years kasi ngayon lang kami uuwi. Dito na kami nag senior high, yung grade 11 at 12. We live in the same roof pero seperate naman yung room namin.

Magbibirthday na kasi si Mommy and she requested na umuwi raw kami ni West kasi miss na miss niya na raw yung son-in-law niya, imba diba? ako yung anak dito pero mas miss niya si West.

"Kain na tayo, gutom na ako." wika ni West nang makalabas ng banyo, marahil tapos niya na ayusin ang mga kailangan namin.

Sinara ko na ang zipper ng maleta, onti lang naman yung inimpake ko kasi we'll just have vacation there since May palang naman.

"Okay. Nagluto ako ng Adobo, your favorite!" tumayo ako at nagtungo sa kusina then I prepare the table. Habang si West nakatingin lang sa akin habang prenteng nakaupo sa upuan niya.

"Matunaw ako niyan!" pabiro kong sabi sa kanya habang umupo ako sa upuan ko.

"I'm just happy that you're with me babe." nakangiti niyang sabi habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Ngumiti lang ako sa kanya habang sarap na sarap siya sa pagkain, kahit kasi 2 years na kaming nakatira dito mas pabor parin sa kanya na dapat ay kumakain kami ng Filipino dishes, so as a good Girlfriend pumayag naman ako since I can cook.

"I love you babe," malambing kong wika habang kumakain parin kami. I don't know what gotten into me at nasabi ko yan. I just feel like saying it.

"I love you too, very much."

Naalala ko na naman, naalala ko yung muntik na siyang mawala sa akin at ayaw ko nang maulit yun.

*FLASHBACK*

White ceiling. White curtains. White room.

Where am I?

Pumikit ako ulit para luminaw ang paningin ko.

"Sino ka?" tanong ko sa lalaking nasa aking silid, hindi niya alam na gising ako kasi nakatalikod siya sa direksiyon ko.

"Sino ka?" paguulit ko sa tanong ko, humarap siya sa akin at tila nagulatㅡnatarantaㅡtakot? I can't read his expression.

"Ano ka ba babe! Wag ka magjoke, sino ba ako? Ako lang naman yung lalaking mahal na mahal mo. I'm your boyfriend." nakangisi siya habang lumalapit sa akin.

Ano bang sinasabi nitong lalaking 'to? I admit maitsura siya pero wait-

Ako may Boyfriend? How did that happened, eh wala nga akong maalala kahit isa na may naging boyfriend ako.

"Pinagtitripan mo ba ako?" habang tinataasan ko siya ng kilay.

"What are you saying? Do I look like joking here. If you're joking please stop it. You're hurting me," seryoso niyang saad, I can feel a pang on my chest. Parang may kumirot habang nakatingin ako sa ekspresyon niyang seryoso at binabalot ng kalungkutan ang pares na mata niya.

Sino ba siya?

"Oh my god! Alexis you're awake!" Hindi ko namalayan na may pumasok na pala dahil ang paningin ko ay nakapukol lamang sa lalaking nasa gilid ng kama ko.

"Mom! I can't breath haha," natatawang wika ko kay Mommy habang yakap yakap niya ako ng mahigpit.

"So okay ka lang? anong masakit baby ko tell me?" parang bata siya habang ineeksamin pa ang muka ko pati ulo ko.

"Mom I'm fine ano ka ba I just slept for 2 days." natatawa ako, ang OA kasi ni Mommy eh nakatulog lang naman ako for 2 days.

"What did you said? anong two days ang pinagsasabi mo Alexis?"

Natakot naman ako sa itsura ni Mommy para akong kakainin eh, atsaka nandito pa si Kuya. Nakakahiya!

Magsasalita na sana siya ng may pumasok, so ilan pa ba ang papasok?

"So how are you feeling Ms.Estrera?" Tanong ng babeng naka lab coat, marahil siya ang doctor ko.

Natural alangan naman pulis yan? Nakalab coat nga diba. Shunga lang teh?

Bakit ko ba binabara sarili ko? hayy! epekto siguro ng dalawang araw na pagtulog.

"Medyo masakit ang ulo ko,"

Totoo naman parang pakiramdam ko lumulutang ako.

Tumango tango naman siya habang may binabasa sa records na dala niya.

Nagtanong siya tungkol sa sarili ko kung ano raw pangalan at edad ko.

Natatawa nalang ako ano ba naman mga trip nila. Syempre nasagot ko ng tama alangan naman makalimutan ko ang pangalan at edad ko diba?

"Anong date ngayon?"

What the hell pati ba naman yun? Hindi ko na mapigilan tumawa, she's crazy!

"February 15 2016 ano ba namang mga tanong yan?"

Kumunot ang mga noo nila after non, did I say something wrong? pati kasi si Kuya mukang di makapaniwala sa sinabi ko.

"I need to talk to you Mrs. Estrera." Naunang lumabas ang doktor, hinalikan muna ako ni Mommy sa noo bago lumabas ng aking silid.

"It's March 15 Alexis." saad ni Kuya at lumabas na ng silid ko ng hindi nagpapaalam.

What? So I slept for a month? hindi two days.

Ang gulo.

*End Of Flashback*

After non they explained to me that I had a selective amnesia which is may nakalimutan akong ibang events/persons sa buhay ko. Nagcause daw nun ang aksidenteng nangyari sakin. In short na trauma ako but I can't still remember what happened during that accident.

Nakilala ko si West, the man who took care of me. Siya yung lalaki that time sa kwarto ko. Hindi ko alam kung mahihiya ako sa kanya nung nalaman kung boyfriend ko pala siya. Silly me. I just forgot my boyfriend.

We went here to Korea para raw mas mabilis akong makarecover sa trauma ko which is suggested by my doctor.

After ilang months medyo naaalala ko na yung kwento ni West. Madalas rin akong managinip ng mga memories namin ni West.

But the guy from my dreams was still a blur upto now.

One thing is for sure It's West. Maybe my mind forget him but my heart don't.

「Edited: 12/11/16」

Love Don't Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon