"There comes a day when you realize the page is the best feeling in the worldㅡbecause you realize there's so much more to the book than the page you were stuck on." (poems porn)
8
When they meet
CerenadeToday is Monday that means pupuntahan na namin yung magiging school namin. I'm so excited. Saturday and Sunday was a blur to me namasyal kami sa iba't-ibang lugar na madalas namin puntahan dati.
First stop namin non is sa Eco park, the place was really really nice. Parang malaking garden ito, may lake, may swimming pools meron ding mga hall na pwedeng rentahan for parties. Sumakay rin kami ni West sa Kabayo, first time ko pa lang kaya nung una medyo paranoid pa ako kasi baka malaglag ako pero habang tumatagal I enjoyed it. We also try the zipline, tawa ako ng tawa kay West dahil putlang putla siya pagkatapos. Takot kasi siya sa heights kaya yun nagsuka.
Nagtagal kami hanggang 5 then we headed to Ministop sa may Sugartown. Nilibre ko siya ng Chillz na Chocolate kasi kasalanan ko raw kung bakit siya nagsuka. Hindi ko naman siya pinilit ah sinisi pa ako.
Gabi na kami umuwi then nung Sunday nagsimba kami sa St.Peter Parish kasama sila Mommy, umuwi na kasi sila Lola.
Bumaba na ako sa kwarto ko 9:00 na ng umaga. Bumungad sakin sila Dad na nagkkwentuhan sa Dining room. Lumapit ako at binati sila, himala nandito ang asungot kung Kuya.
Dumating na ang pagkain, fried rice, ham, egg at tinapay ang nakahanda ngayon.
Kumuha ako ng tinapay at pinalamanan ng egg at ham.
"Kuya bat ka nandito?" It's unusual kasi sakin na maabutan ko siya sa umaga kasi laging nasa labas.
"Bat bahay ko rin naman 'to ah." aniya at sinubo ang kutsarang may lamang fried rice.
"Wait! bago kayo mag-away sasamahan kayo ng Kuya mo sa school." ani Mommy
"Ehhhhh! kaya naman na namin eh. Wag ka na nga sumama Kuya." nilakihan ko ng mata si Kuya, ayaw ko kasi siyang sumama pang gulo lang siya eh. Tapos magkakampihan sila ni West para asarin ako.
"Bleh. sasama ako, may gagawin din kasi ako sa School noh."
Argghhh! Natapos na kaming kumain, umakyat narin ako sa kwarto ko para makapag-ayos.
I bath for 30 mins. then headed to my walk-in closet.
I scan my cabinet. Hmmmm. . .
What to wear?
Ah!
Pinili ko ang isang beige na dress at pinartneran ko ng 3 inch wedge na kulay black. I just let my red tresses down, sinuot ko rin ang necklace na bigay sa akin ni West.
It's a paper airplane necklace.
Nagpabango ako then I fixed my sling bag pagkatapos ay bumaba na ako.
"Witwew." ani Kuya habang sumisipol pa.
"Baliw."
"Na gwapo."
"Panget ka bleh."
Bumaba narin sa wakas si West kung hindi tatagal na naman ang asaran namin.
He looks so dashing wearing a light blue long sleeve at red pants habang nakahigh cut na puting sapatos. Messy din ang buhok niya pero napakaganda ng pagkakagulo nito.
"Laway mo tumutulo." sabi ni Kuya habang nakasahod ang palad niya sa baba ng chin ko.
"Ahh! tama na!" piningot ko kasi yung tenga niya, mabuti nalang naka heels ako kaya naabot ko siya.
BINABASA MO ANG
Love Don't Die
Teen FictionTheir love was strong but the timing was wrong and fate decide that they don't belong. "A-alexis y-you're back. God I miss you." Hahawakan niya na sana ang pisngi ng dalaga ng tingnan siya nito. "S-sino ka?" mababakas sa mata nito ang pagtatanong. T...