"Life is like a piano. White keys represents joy, black shows sadness. As you go through life remember that the black keys make music too."ㅡNorth Cervantes7
North&West
Wind
"Kain na tayo!" sigaw ni Spring mula sa kusina. Tumayo na ako sa sofa at pumunta na sa kusina. Sakto! gutom na ako, kanina pa nagwawala yung mga alaga ko sa tyan.
"Magandang hapon ay mali pala mas gwapo pa ako sa hapon." ani Thunder habang paupo sa tapat ko.
"Umaga palang baliw." sabi ni Flame at binatukan siya, tumawa kami nila Spring kasi napalakas ang batok niya. Ang laki pa namang tao ni Flame.
Maaga pa nga lang 9:00 pa lang naman. Lakas talaga ng trip ni Thunder.
Dumating narin ang iba pa naming kaibigan, bale labing dalawa kaming nakatira sa isang bahay.
Nagsimula na kaming kumain ang sarap talaga ng luto ni Spring. Sa aming labing dalawa siya ang tagaluto kasi kung iba ay baka matagal ng nasunog ang bahay namin.
"Nasan pala si North?" tanong ni Winter, tumingin naman silang lahat sa akin.
"Aba malay ko dun." yumuko na ako at nagpatuloy sa pagkain. Nakakatandang kapatid ko si North dalawang taon ang tanda niya sa akin.
Nakarinig kami ng yabag papuntang kusina, bumungad samin si North na kakagising lang. Uminom na naman 'to mukang sabog eh.
Ang kaninang maingay ay biglang tumahimik. Dumiretso naman siya sa pwesto niya at nagsimula na ring kumain.
Simula nung mangyari iyon ay lagi na siyang ganyan. Madalas wala sa sarili palaging umiinom at napapaaway.
"Uminom ka na naman?" singhal sa kanya ni Ace, narinig ko ang tunog na ginawa ng kubyertos ng kanyang ilapag sa kanyang plato.
"tsk." yan lang ang tanging sagot niya at umalis na. Ang bilis naman nun? Sumunod naman ang iba, tatlo nalang kaming natira sa kusina. Dahil linggo ngayon kami ni Lance at Ardy ang naglinis ng kalat.
Nang matapos kami ay umakyat na ako sa kwarto ko.
Hayy. Dalawang taon na pero sariwa parin ang alaala at sakit na naiwan sa amin.
Lahat nagbago,lalong lalo na si North. Hindi naman siya ganyan dati, siya yung tipo ng palangiti at mahilig magpatawa sa amin. Pero nung mangyari iyon ay nagbago na siya, hindi na masyadong magsasalita. Puro "tsk" "wag niyo ko pakialaman" lang ang lumalabas sa bibig niya,palagi rin siyang naglalasing at nasasangkot sa mga gulo.
Marahil ay sinisisi niya ang sarili niya nang mamatay ang girlfriend niya. Galit siya sa lahat, lalong lalo na sa kambal niya.
Nang mamatay siya parang nabawasan ang parte ng pagkatao namin. Magkakaibigan kasi kami simula bata palang nagkakilala kami sa isang parke. Maganda siya mabait at napakatalino. Lahat gusto siya.
Habang lumalaki kami mas naging close pa kami sa kanya. Lagi kaming sabay sabay umuuwi, tatambay sa parke kung san kami nagkakilala o di kaya ay magmomovie marathon lang kami pag tinatamad kaming umalis.
Dumating ang panahon nung nanligaw si North, tinulungan namin siya di rin nagtagal naging sila. Tumagal ang dalawang taon, masaya parin sila at pati narin kami. Mas lalong tumibay ang samahan, pag nagkakaproblema naman ay inaayos ito agad.
Pero hindi namin alam may isang naiinggit. May isang patuloy na nililihim ang nararamdaman niya.
Si West ang kambal ni North at ang isa ko pang kapatid.
Ang sakit, dahil kahit kaming mga kapatid niya ay trinaydor niya. Kaming mga naging kaibigan niya.
Ang dating labing tatlo ay naging labing dalawa nalang.
*FLASHBACK*
"Nakakahilo ka na North." sabi ni Thunder tiningnan lang siya ng masama ni North.
Kanina pa kasi ito palakad lakad habang nasa tenga ang cellphone. Tinatawagan niya kasi si Alexis pero hindi ito sumasagot. Hindi kasi siya sumabay sa paguwi at nagaalala kami lalong lalo na si North.
"Damn! pick up the phone." Bumalot sa buong sala ang boses niya. Nagulat naman ang iba sa pagsigaw ni North. Mas lalong lumaki yung mata ni Spring.
Tumayo na si Ace at Frost para pakalmahin siya, tumawag na kasi si Edison kanina sa bahay nila Alexis at sinabing hindi pa ito nakakauwi. Mag na 9 na ng gabi at kanina pa kaming 4 umuwi.
Pag aalis naman yun nagpapaalam siya kaya kinakabahan kami baka may nangyari ng di maganda.
Patuloy parin sa pagring sa kabilang linya,rinig namin lahat dahil nakaloud speaker na ang phone ni North.
Nang maputol ang pagring inulit niya ulit.
"Help me! Help me please." nagulat kami ng may nagsalita na sa kabilang linya.
"Anong nangyayari? tell me baby nag-aalala na kami." ani North
"Babe please help me si West hinahabㅡ" Bago maputol ang tawag ay may narinig kaming tili galing kay Alexis.
Ngayon lang namin napansin na kulang kami, wala si West.
"FUCK YOU WEST!" sigaw ni North
Nagring uli ang cellphone ni North, agad agad naman niya itong sinagot.
"Gago ka West! nasan si Alexis?! pag may nangyaring masama sa kanya papatayin kita!"
His eyes turned jet black galit na galit siya. His knuckles are almost white dahil sa matinding pagkakakuyom nito. Hindi na ata nakakadaloy ng maayos ang dugo niya.
Damn! Ano bang nangyayari?
"ANO?! H-hindi pwede, hindi pa siya patay!"
Nang makita namin ang pagiyak ni North ay unti unting gumuho ang mundo namin.
Para naring kaming namatay nang makita namin si Alexis na nasa Morgue.
*End of flashback*
Pinunasan ko ang butil ng luha na tumulo sa mga mata ko. Tinago ko na ang hawak kong litrato, ang litrato naming magkakasama nung birthday ni West at North.
Simula nung mangyari yun tinakwil na si West sa grupo. Lumipas ang dalawang taon at wala parin kaming balita sa kanya hindi rin naman namin tinatanong kanila Daddy dahil hanggang ngayon galit parin ako. Galit parin kami sa nangyari dati.
Kasalan niya 'to at hinding hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Alexis.
Sana lang hindi magtagpo ang landas namin dahil kung hindi kahit kapatid ko siya ay baka hindi ko mapigilan ang sarili kong mapatay siya.
Prepare your own grave West pag nagkita tayo.
「Edited: 12/14/16」
BINABASA MO ANG
Love Don't Die
Fiksi RemajaTheir love was strong but the timing was wrong and fate decide that they don't belong. "A-alexis y-you're back. God I miss you." Hahawakan niya na sana ang pisngi ng dalaga ng tingnan siya nito. "S-sino ka?" mababakas sa mata nito ang pagtatanong. T...