"Forgive others not because they deserved forgiveness but because you deserved peace"ㅡCerenade Alexis Estrera
19
Forgiveness
Alexis
Bago ako lumapit kay West, sinabihan ko muna si Kuya na iwan ako. Noong una ay ayaw niya pang pumayag, pero pinilit ko parin siya. I need to talk to West, yung masinsinan. Yung kaming dalawa lang. Nang umakyat na si Kuya sa kwarto niya, nilapitan ko na si West. Hindi ko nga alam kung saan ako uupo, tatabi ba ako sa kanya o doon ako sa kabila. Litong-lito ako habang naiilang sa mga titig niya.
"Alexis, sorry." napagdesisyunan kong umupo sa tabi niya. Doon ko lang nakita ang mga pulang marka malapit sa panga niya. I presumed na sinuntok siya. Gusto ko sanang hawakan ito ngunit baka masaktan lang siya.
"Sorry sa pagsisinungaling ko. I'm not your boyfriend, si Kuya North talaga 'yon. Sorry dahil naging selfish ako, I want you all by myself. Naging possessive ako sayo kahit hindi ka naman sa akin. Sorry kasi may kasalanan ako kung bakit ka muntik na mamatay. I help Cailee, we had a deal. Hindi ko inakala na aabot sa ganun para maagaw niya si North mula sayo. Sorry, hindi ko agad sinabi sayo. Ayaw kong mawala ka sakin, ikaw nalang ang meron ako. S-sorry,"
Pagkatapos niyang sabihin yun ay kumawala ang mga luha niya. Ayaw kong makita siya sa ganong sitwasyon, West been good to me noong panahong nasa Korea pa kami. Siya ang nagbabantay sa akin, I know deep inside he's fragile. Pinunasan ko ang luha niya, I snaked my arm on his neck. I hug him, I caressed his back para kumalma siya.
"It's okay West, I understand. Napaliwanag narin nila Mommy sakin. Nagalit ako, syempre sino ba namang hindi. Gusto kong magalit sa inyo, pero mas nananaig parin ang pagmamahal ko sa inyo. I understand you, you were just blinded by love. You just made wrong decisions back then but it doesn't mean na hindi ka na pwedeng magbago."
"You really deserved Kuya North,"
"You'll found her West, trust me. Someone who's better than me, someone who will truly love you."
Kumalas siya sa yakap. Pinunasan ang ilang takas na luha sa kanyang mata. Parang bata.
"So this is goodbye?" he asked.
"Nope, we haven't started yet." I smiled formed in his face mirroring mine.
-
"Ah- a-ray naman Alexis. Marunong ka ba talaga?" kasalukuyan kong ginagamot ang pasa niya. May hawak akong ice bag habang dinadampi ito sa panga niya.
"Ang dami netong arte, ikaw na nga 'tong ginagamot. Gigil mo si ako," inirapan ko siya habang diniinan ko ulit ang pagdampi ng ice bag. Nakakatuwa kaso soyang pagtripan.
"San niyo ba natutunan yan? kanina ko pa narinig yan kay Thunder,"
"Nabasa ko lang sa facebook. Hahahaha ang cute kaya."
"Wait, so nakausap mo na sila?" binaba ko na ang hawak kong ice bag, pinatong ito sa tray. Kinuha ko ang oinment at pinahid ito sa pasa niya.
"Yes, kwinento ko na sa kanila."
"Anong sabi nila?"
"Syempre puro tanong at tig-isang suntok mula kay North at Wind. I deserved that for being a jerk."
"Okay na kayo?" tanong ko.
"I guess, we're not girls Alexis." he just shrugged.
Tama nga naman, pag ang lalaki nagsapakan o di kaya pagkatapos magbatuhan ng maaanghang na salita ay okay na, di katulad sa mga babae na dinidibdib pa, kahit wala naman. Joke.
BINABASA MO ANG
Love Don't Die
Fiksi RemajaTheir love was strong but the timing was wrong and fate decide that they don't belong. "A-alexis y-you're back. God I miss you." Hahawakan niya na sana ang pisngi ng dalaga ng tingnan siya nito. "S-sino ka?" mababakas sa mata nito ang pagtatanong. T...