"I'm sensetive I over think every little thing and I care way too much."ㅡCerenade Alexis Estrera
4
W-H-A-T?
Cerenade
Kasalukuyang dinadaos ang party ni Mommy. It's May 18, tatlong araw na kaming narito ni West sa Philippines I kinda miss the cold weather in Korea. Bagamat mainit ngayon dahil summer ay masaya parin akong narito kami kasi ito talaga ang tahanan ko. This is my home, I belong hereㅡwe belong here.
The party was held in our house, gusto kasi ni Mommy na simple lang ang gaganapin na party. Since tumatanda na raw siya eh hindi niya na kelangan ng magarbong handaan kahit may pera kami. But for me age doesn't matter kung magarbo ba o simple lang, basta gusto namin ibigay sa kanya ang the best since she take care of us. Kahit nang pumunta kami sa Korea ay she doesn't forget to check us every night kung kumain na kami, kung uminom na ako ng gamot o nagawa ko na ang mga assignments ko.
So Kuya, Dad, West and I planned to surprised her on this day. We called Lola and Lola sa London and we ask,rather Dad requested them to go home since it's their daughter's birthday. They both agreed on Dad's request cause we haven't see each other for a little while so they misses us.
Nakikipagkwentuhan naman si Mommy sa mga guest niya, habang kami ni Kuya at ni West palihim na tumakas, kanina kasi ay pinapakilala niya kami sa mga bisita niya at ang awkwardㅡ alam niyo na puro business ang pinaguusapan nila at kaming tatlo ay parang mamatay sa sobrang pagkaboring.
"Hello Lola! Hi Lolo! I miss you so much." Sinalubong ko sila sa front door then I hugged them tight. Kamukhang kamukha ni Mommy si Lola, lalong lalo na ang mata at ang kaputian ni lola ay namana ni Mommy. While ang Ilong naman at ugali ay namana niya kay Lolo.
"Oh West kamusta na ijo?" See mas gusto talaga nila si West kesa sa akin.
"Ang daya!" pabulong kong saad, lumingon naman sila sa akin at nginitian ako ng nakakaloko.
"I miss you too Apo!" Lumapit sa akin si Lolo at niyakap ako.
"Selosa as ever! buti hindi nasasakal sayo si West?" Pabirong saad ni Kuya while smirking at me. Tinapunan ko siya ng masamang tingin at hinabol ko siya nang magsimula siyang tumakbo papuntang gardenㅡwhere the party was held.
Natatawang umiling nalang sila Lola habang pinapanuod kaming maghabulang dalawa ni Kuya.
Kuya is turning 23 sa December, yet he's so childish. Napaka isip bata akala mo 12 years old lang siya.
Enjoy na enjoy naman si Kuya habang hinahabol ko siya not minding that I was wearing a 4 inches heels. Nang malapit ko na siyang maabutan saka naman ako natapilok. All eyes on me, gosh! Sana lamunin na ako ng lupa. This is so humiliating, nagtaka naman si Kuya kung bakit wala ng humahabol sa kanya at biglang tumahimik. Lumingon siya sa direksiyon ko atsaka niya lang nalaman na nasa damo parin ako nakasalampak habang tinatanggal ang pamatay na heels.
"Holyㅡ" hindi natuloy ni Kuya ang sasabihin niya at tumakbo siya sa direksiyon ko. Dapat lang! nakakahiya naman kung magmumura siya dito.
Hinawakan niya ang bewang ko at inalalayan niya ako tumayo. This is all your fault Kuya, nakakaasar ka!
Nang maitayo niya na ako ay agad ko siyang binatukan, hindi naman kami napansin dahil dumating na sila Lola.
Lumapit na kami ni Kuya kanila Mommy, mababakas sa mukha niya ang kasiyahan and that's what weㅡI wanted.
"Okay ka lang baby?" tanong ni Daddy, ngitian ko siya at tumango ako.
Hindi naman masyadong masakit yung pagkakatapilok ko kaya binalewala ko lang.
Nagsimula na kaming kumain ng mga handa, karamihan sa handa ay Filipino dishes pero may mga Korean dishes din naman.
Nagkkwentuhan lang sila Mommy habang kaming tatlo nagaasaran.
"Shunga kasi di tumitingin sa dinadaanan." pa sing-song na asar sa akin ni Kuya habang si West ay tumatawa lang. Tiningnan ko siya ng masama, bumaling ang paningin ko sa gilid ko. Parang bata akong nagsusumbong kay West telling him na kasalanan ni Kuya kung bakit ako natapilok.
He just laughed at nakisali kay kuya sa pang-aasar sakin.
Napaka bully talaga ng dalawang 'to.
Hindi ko nalang sila pinansin, I focused my attention on my food. Ang sarap ng pagkakaluto ng putahe, lasang lutong-bahay. Sino kaya ang nagluto ng pagkain? Ang sarap eh!
"West, Cerenade Apo? Can we talk to you?" tanong ni Lolo, saka palang natigil ang pang-aasar nila nang magsalita si Lolo.
Dapat ba akong matuwa kasi natigil ang pang-aasar nila sa akin o kabahan dahil sa sasabihin ni Lolo?
Knowing my grandparents pag may hiniling o inutos eh dapat masunod, takot nalang namin ni Kuya sa kanila.
Binaling namin ang atensyon namin kay Lolo, I know that's important. I can read it, seriousness written all over his face. Kahit Lolo ko siya eh hindi ko maiwasang maintimadate sa kanya after all he's a well known business man kaya hindi na ako magtataka kung bakit siya ganito ngayon. Base sa kilos niya eh parang may i-cclose itong deal.
"Napagusapan namin na dito nalang kayo tumira ni West, so for short both of you will be studying here."
"WHAT?!" sabay naming sagot ni West habang sila ay tuwang tuwa sa Idea nila.
Ano? Hindi pwede! May buhay kami sa Korea at dun ako mag-aaral.
Nagkatinginan kami ni West at alam ko na ayaw niya rin sa ideyang 'to, sino ba naman ang gusto? We only planned to have a vacation here.
Gusto kong tumutol pero alam kong hindi rin naman sila papayag.
"O-okay." yan nalang ang sagot ko. Ewan ko I can sense something, parang may mangyayari?
Lumingon ako kay West at tiningnan ko siya ng maigi. I know he's not happy with my decision, I'll just talk to him later.
"So it's settled then, ipapaayos ko na lang lahat ng papers niyo ako ng bahala." ani Dad.
Tumango nalang kaming dalawa ni West kahit ayaw namin. Minsan lang naman sila humiling kaya gusto ko rin silang pagbigyan.
Eenjoyin ko na lang to.
Natapos ang party ni Mommy, umuwi narin ang lahat ng guest. It's 11:00 at pagod na ako but first I need to talk to West. Umakyat na ako sa kwarto ko para magpalit muna ng damit then I walk to the guest roomㅡwhere West stay's.
Hindi ko alam kung papayag ba siya,knowing him ayaw niyang pinapakialaman sa desisyon niya lalo na pag tungkol sa kanya. I know how he wanted to study in Korea dahil mas mapapadali sa kanya ang bagay-bagay. Independent siyang tao kahit 19 palang siya.
I knock three times on his door. Bumukas ito at bumungad sa akin ang nakatopless na West. Di ko maiwasang mapamura sa nakita ko, well sculpted abs infront of me.
"What?" seryosong tanong niya.
「Edited: 12/12/16」

BINABASA MO ANG
Love Don't Die
Teen FictionTheir love was strong but the timing was wrong and fate decide that they don't belong. "A-alexis y-you're back. God I miss you." Hahawakan niya na sana ang pisngi ng dalaga ng tingnan siya nito. "S-sino ka?" mababakas sa mata nito ang pagtatanong. T...