"There is a difference between giving up and knowing when you had enough"
[Ito yung scene bago siya pumunta kanila Alexis]
18
Let go
West
"Sir umuwi na po kayo, magsasara na po kami," hilong hilo na ako at halos di ko na maimulat ang mga mata ko. Nakailang bote na ba ako? tatlo, lima, baka naman sampu. Nevermind. I lost in count.
"Ano ba! natutulog yung tao eh." reklamo ko sa kanya habang nanatili pa rin ako sa pwesto ko. I'm fucked up.
"You can leave ako na bahala sa kanya," ani ng estraherong hindi na ako nag abalang kilalanin. All I want is to sleep, to forget the pain. All I want is to forget. Forget even for a while.
*
"Halika lapitan natin yung bata," aya ni Thunder samin nang makita niya yung babaeng bata na mag isang nasa swing. Sa aming magkakaibigan siya ang pinakabibo, palakaibigan at promotor pagdating sa kalokohan. Sumunod nalang kami kahit ang iba'y nailing pa. Madalas kasi ay puro gulo ang dala ni Thunder.
"Bat mag-isa ka? anong pangalan mo?" Tanong agad ni Thunder pag kalapit niya sa bata habang kami ay pinalibutan sila. Luminga linga ang bata sa direksiyon namin. Pakiramdam ko ay naiilang na ito. Imaginin mo labing tatlo kaming lalaki samantalang siya ay iisa lamang.
Inulit ni Thunder ang tanong niya. Natutulala na kasi yung batang babae samin. Well. Kahit bata palang kami hindi ko maitatanggi kung gaano kami kagwapo.
"Bago lang kasi kami dito, ako nga pala si Alexis Cerenade," sagot niya pagkatapos ay namula ito. Ang cute.
"Ang haba naman ng pangalan mo, Alexis nalang itatawag namin sayo ah?" Ani Flame, palibhasa tamad. Tumango naman si Alexis kasunod nito ang pagpapakilala namin isa-isa.
"So friends?" Pahayag ni North, ang kambal ko. Were identical twins. Siya rin ang tumatayong lider sa grupo namin. Mas matanda rin siya ng ilang minuto sakin. Malapit rin kami sa isa't isa. Tatlo pala kaming magkakapatid. Si Wind ang bunso sa amin. Lahat kami ay lalaki, kaya excited 'tong mga kaibigan ko dahil sa wakas may magiging kaibigan narin kaming babae.
Pagkatapos magkamayan ay naglaro kami hanggang dumilim. Naunang umuwi si Alexis habang kami ay nagpaiwan sa parke habang nakangiti. May bago na kaming kaibigan.
-
"Ganito kasi magdrawing Ace," kinuha ni Alexis ang sketch pad na hawak ni Ace. Bakas sa mukha ni Alexis ang pagkairita habang si Ace naman ay aliw na aliw na panuorin siya.
"Ako na nga, alam ko na eh." kinuha ulit ni Ace ang sketch pad at nagsimula ng gumuhit.
"Mali! ganito nga oh," namumula na ang mukha ni Alexis at alam namin sa sasabog na ito. Asar na asar siya kay Ace.
Ano na namang trip ng Ace na 'to, pag kami nga lang magkakasama ang tahimik niyan. Kung hindi libro, sketch pad ang hawak. Mamumuti nalang ang uwak di pa rin siya nagsasalita. Pero pag si Alexis kasama niya ang lakas ng trip niya. Gustong gusto niya itong asarin palagi.
1st year highschool na kami ngayon, ilang taon na kaming magkakaibigan, halos kabisado na namin ang isa't isa dahil sabay sabay at laging magkakasama. Kaso habang tumatanda kami ay nabubuo rin ang pagtingin ko para sa isang babae.
Si Alexis. Oo may gusto ako sa kanya. Walang nakakaalam ne'to dahil wala akong gustong pagsabihan.
-
"Diba gusto mong sagutin kita?" tanong ni Cailee.
"Oo," maikling tugon ko habang malayo ang tingin. Halos dalawang buwan na akong nanliligaw sa kanya.

BINABASA MO ANG
Love Don't Die
Novela JuvenilTheir love was strong but the timing was wrong and fate decide that they don't belong. "A-alexis y-you're back. God I miss you." Hahawakan niya na sana ang pisngi ng dalaga ng tingnan siya nito. "S-sino ka?" mababakas sa mata nito ang pagtatanong. T...