Chapter 10

65 36 5
                                    

"Worrying is a waste of time it doesn't change anything. It messes with your mind and steals your happiness." (poems porn)

10

Smile

Cerenade

First day of school namin ngayon. I'm already checking myself on my full length mirror. White polo na 3/4 tas gray na vest, yung palda pencil skirt na 2 inches above the knee.

Wala rin naman masyadong nangyari nung nakaraang linggo. Oh meron pala nung umalis si West pagdating niya may pasa na siya sa panga at dumudugo ang labi niya. Ang sabi niya napagtripan lang raw siya sa labas and I'm not buying it.

Imposible naman siyang mapagtripan. I know he can protect his self.

After that everything back to normal. He gets more sweeter everyday na akala mo eh dinadaga at nilalanggam kami.

"Babe alis na tayo." ani West sa labas ng pinto. Kinuha ko ang wallet at phone ko at nilagay ito sa bag ko. I headed downstairs, naabutan ko si Kuya na nakaupo sa single couch at si West na inaayos ang kanyang bag.

"Girls will be girls. Ang kukupad." inirapan ko lang si Kuya then I check my wristwatch it's 7:30. 8:20 pa ang pasok namin.

"Wews. Masyadong excited may girlfriend ka na noh?"

I wiggle my eyebrows tas tumawa lang siya.

"Tss. Wala pa noh! Atsaka ikaw unang makakaalam kung meron na." aniya tumayo na siya at sinabit ang strap ng bag niya then he stormed out.

"Ready ka na babe?" ani West na hawak ang kanang pisnge ko. I look in his eyes pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay niyang nasa pisnge ko.

His hand is warm.

"Oo, lika na baka malate tayo." hinila ko na siya palabas.

Kuya is the driver for today. Isang sasakyan lang gamit namin kasi hassle. Sabay sabay lang naman ang oras ng dismissal namin.

"Kita kita nalang tayo dito sa parking lot mamaya ah. See you later love birds." lumabas na kami ng sasakyan, hinalikan ni kuya ang tuktok ng ulo ko pagkatapos ginulo niya ang buhok ko.

"ARGGHHH not my hair Kuya!" kukurutin ko pa sana siya kaso biglang tumakbo. Aish. Pasaway talaga.

"Lika na tingnan na natin kung saan yung room natin." We take business course gusto ko rin naman iyon kaya wala akong problema.

Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. Halos lahat ng estudyante ay napapatingin sa amin.

I don't mind them at all. Stare all you want because this man beside me is mine.

Nakarating na kami sa may bulletin board para tingnan kung saan ang room namin. Hindi kasi ito nakalagay sa schedule namin. Hindi ito katulad ng ibang school na palipat lipat ng room. Ganun ang patakaran dito tapos hinahati hati ang mga students pero pare-pareho parin ng courses.

"Badtrip di tayo magkasama." bulong ni West pero narinig ko pa rin ito, tiningnan ko ang listahan.

ESTRERA, CERENADE ALEXIS K. -RM 25

CERVANTES, WEST P. -RM 23

"Okay lang yan babe room lang naman eh, sabay parin tayo mag lunch kay?" Hinawakan ko na ang kamay niya at nagsimula na kaming maglakad patungong classroom namin.

He just nodded. Sanay na kasi kaming laging magkasama kaya nagkakaganyan yan. Ngayon lang naman kasi kami nagkahiwalay ng room.

"Ehhh gusto ko kasing pareho tayo para mabantayan kita." hinarap niya ako sa kanya pagkatapos inilagay niya sa likod ng tenga ko ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ko.

Love Don't Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon