Chapter 5

82 43 6
                                    

"Sometimes I can't explain what I see in a person. It's just the way they take me to a place where no one else can."ㅡCerenade Alexis Estrera

5

Drunk

Cerenade

KINABUKASAN

Maaga umalis si West, nakapag-usap naman kami ng maayos. At first he's hesitating to agree but in the end pumayag na rin siya. Pwede naman siyang hindi pumayag at dun siya mag-aral sa Korea pero mas gusto niya raw na kasama ako.

Pumunta pala siya sa bahay nila,kahit matagal na kami he never invited me to go to their house. Hindi pa talaga ako nakakapunta doon ang palagi niyang rason ay wala naman raw tao sa bahay nila kasi busy lagi ang mga magulang niya sa pagtatrabaho. Ano kayang itsura ng bahay nila?

Gusto ko sana sumama kanina kaso nagmamadali siya eh, pagkagising ko ay siya namang kakapasok sa aking silid. Nagpaalam na kakausapin ang kanyang mga magulang about studying here.

It's already 2 in the afternoon at ako lang mag-isa dito sa bahay. Wala ang asungot kung Kuyaㅡmalamang nasa galaan na naman yun. Lagi naman eh!

Labas kaya ako? Lilibutin ko nalang 'tong village.

Nag-ayos na ako, nakasimpleng t-shirt lang ako at shorts. Tinali ko naman ang buhok ko ang init kasi!

Nagpaalam ako sa katulong na lalabas muna ako saglit, incase of emergency lang naman kasi mamaya hanapin nila ako.

Dumampi agad sa balat ko ang mainit na sinag ng araw. Tinatamad na akong kumuha ng payong eh, I started walking. Maraming bahay, iba't-ibang disenyo ang makikita. May simple meron din namang magagarbong hanggang third floor.

Sa paglalakad ay hindi ko napansing nakaabot na ako sa parke. Sa loob parin ito ng village namin, maraming bata ang naglalaro dito. Hindi nila alintana ang mainit na sinag na araw na dumadampi sa mga balat nila pati ang patuloy na pagtulo ng kanilang pawis. Mababakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan.

Bigla akong nainggit. How does my childhood look like? nakakapaglaro din kaya ako sa ganitong lugar? Marami ring kaya akong nakakasalamuha na mga bata noon na gusto akong maging kaibigan? Ilan lang yan sa mga katanungang gumugulo parin sa akin hanggang ngayon.

Akala ng iba okay lang magka-amnesia, hindi mo maaalala ang mga mapapait mong nakaraan. Pero ang tanong masaya ka ba? Masaya ba na nakalimutan mo ang mga alaalang bumuo at humubog sayo?

Para sakin kasi ay hindi. Hindi ako tuluyang magiging masaya hanggat alam kong may kulang. Kumpleto ang pamilya ko at may boyfriend akong napaka mapagmahal, pero kulang parin.

Alam kong may kulang at gusto ko itong malaman. Madalas ko ring tanungin si West kung may mga kaibigan ba ako dati ang tanging sagot niya lang ay Wala. Hindi raw kasi ako palakaibigan, hindi naman sa pinaghihinalaan ko siya pero imposible naman diba? sa ganda kong 'to wala akong kaibigan? but kidding aside yan lang ang lagi niyang sagot kahit sila Mommy.

Alam kong babalik rin ang alaala ko at sana walang magbago. Ayaw kong mawala si West, hindi ko alam ang  mangyayari at ayaw ko siyang mawala sa akin. Hindi ko kaya.

"AHHH!" napaupo ako mula sa pagkakabunggo sa akin ng isang lalaki.

"Miss. Sorry. Sorry." Tinulungan niya akong tumayo.

"Okay lang." sagot ko sa kanya, kasalanan ko rin naman hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Marahil ay lumipad na naman ang utak ko sa pag-iisip.

Kinamot niya ang likod ng batok at ngumiti siya sa akin. Lumabas ang malalim niyang dimple. Awww. Cuteee.

"Do you wan't me to heal you? may sugat ka kasi sa braso." aniya tinaasan ko naman siya ng kilay, doctor ba siya?

Kinuha niya ang braso ko at nagsalita.

"Chiyuuu. Chiyuuu." kasalukuyan niyang hinihipan ang parte ng braso ko na nagasgasan habang paulit ulit na binibigkas ang mga katagang yan.

What the hell?! nakakatawa siya. Ang akala ko eh bibili siya ng band-aid at lilinisan ang sugat ko pero what is he doing? Chiyuuu chiyuu?

"Ayan! gagaling narin yan mamaya." nakangiti parin siya habang tinitingnan ko siya. Siguro kong hindi siya maitsura ay pagkakamalan ko siyang takas sa mental.

"Tsk. Samahan mo nalang akong bumili ng band-aid." naglakad kami papunta sa maliit na tindahan malapit sa bukana ng parkeng ito.

"Hindi ba effective yung healing powers ko? But I'm a unicorn!" aniya habang nakapout. What? seriously ilang taon na ba 'to? eh halata namang mas matanda ito sa akin dahil mas matangkad siya sa akin at hanggang dibdib niya lang ako.

Pagkatapos kong bumili ng band-aid ay umupo ako sa pinakamalapit na bench. Sumunod din naman siya agad at pinagmamasdan niya ako habang nilalagay ko ang band-aid. Imbis na mailang ay naging kumportable ako.

Ewan ko ba, meron kasi siyang aura na napakagaan. Yung tipong wala siyang gagawing masama sayo.

"Ano palang pangalan mo?"

"I'm Ardy, fancy meeting you here Miss?" Aniya habang nakangiti,kanina pa to nakangiti siguro pinaflaunt niya yung dimple niya. Edi siya na.

"Cerenade."

"Cerenade? kapangalan moㅡ nevermind."  Umiwas na siya ng tingin sa akin at tumingin sa mga batang naglalaro sa aming harapan.

Umihip ang hangin, ang sarap sa pakiramdam nakakarelax.

"Ahh uuwi na pala ako. Sige babay!" Sabi ni Ardy habang kumakaway pa. Tumakbo na siya ngunit hindi pa siya nakakalayo ay humarap siya uli sa direksiyon ko at lumapit.

"Saan nga pala yung block 12? nakalimutan ko eh." aniya habang nahihiyang tumingin sa akin.

Nagsimula na akong maglakad para samahan ko siya tutal dun lang din naman kami sa Block 12.

Nakasunod lang naman siya sa akin at nagkkwento, kung san siya nag-aaral at pati narin yung tungkol sa mga kaibigan niya. Nang mapadaan kami sa isang may third floor na puting bahay ay huminto siya. Marahil ito na ang bahay niya, maganda ang pagkakadisenyo sa bahay at malalaman mong marangya ang pamumuhay nila sa disenyo ng bahay.

Humingi siya ng paumanhin sa pagkakabala sa akin at nagpaalam ng pumasok sa bahay nila.

Blessing in disguise din ang pagkakabunggo sa akin ni Ardy dahil nakahanap ako ng kaibigan.

Kahit makakalimutin siya.

Ilang bahay lang ang layo ng bahay nila sa bahay namin.

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang mga katulong saying that West just arrived at hinahanap raw ako. Nagmadali naman ako sa pagakyat sa aking kwarto.

I open my door, then I found him. Sitting on my bed habang nakasandal ang ulo niya sa headboard ng kama ko. Nilapitan ko siya,hindi niya ako napansin dahil nakapikit siya.

Mukang pagod siya. Hinaplos ko ang malambot niyang mukha kasabay nito ang pagdilat ng kanyang mga mata.

"Babe please! Don't leave me you're mine. Akin ka lang. Akin ka lang." aniya at may tumulong butil ng luha sa kanyang mata. Naamoy ko ang amoy ng alak sa kanyang bibig.

Humiga ako at niyakap ko siya. "Hindi kita iiwan babe, promise I love you."
bulong ko sa kanya habang marahang hinahaplos ang kanang pisnge niya.

Bakit siya naglasing?


「Edited:12/12/16」

Love Don't Die Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon