14
Avoid
Cerenade
I woke up with a groggy feeling. I feel so weak, napansin kong may bandage na yung right hand ko.
Haayy. Nakakapanibago lang na walang gumising sa akin ngayon. We need space for a while, kahit one day lang. Gusto ko pag nagusap kami pareho ng malamig ang ulo namin.
Nag-ayos na ako at bumaba para magbreakfast. Gusto ko pa sanang dumaan kanila North para tulungan si Spring sa pagluluto kaso malelate na ako. 8:00 na I still have 20 mins.
Nagtungo ako sa kusina ang tanging naabutan ko doon ay ang mga katulong namin.
"Good morning po Ma'am." bati sa akin ni Freya pagkalapag ng mga niluto niya sa lamesa.
"Morning din." ngumiti ako ng bahagya sa kanya. Hindi naman nagkakalayo ang edad namin, imbis na nag-aaral lang siya eh nagtatrabaho din siya. Ulila na kasi ito kaya kelangan niyang magtrabaho. I really salute Freya dahil sa kasipagan niya.
"Ah, nasan na pala sila Kuya?" I asked her bago siya makalabas ng kusina.
"Nauna na po Ma'am kasabay po si Sir West, magpahatid na lang raw po kayo kay Mang Edgar."
"Ilang beses ko bang sasabihin na Alexis na lang ang itawag mo sa akin?"
"Ah-ah okay po Maㅡ Alexis" pagkasabi niya nun ay nagbow siya bilang tanda ng paggalang at umalis na rin.
Kung nung nakaraan ayoko magpatawag ng Alexis, ngayon gustong gusto ko na itong marinig. Everytime I heard that name eh parang marami akong natutuklusan. Pakiramdam ko ang pangalan na iyon ang maghahatid sa akin tungo sa katotohanan.
Kumain lang ako ng tatlong hotdog tapos dalawang pancake. Tss wala akong gana.
Lumabas na ako ng bahay naabutan kong nakatayo na si Mang Edgar sa tapat ng sasakyan. Binati ko siya at pumasok na rin sa loob ng kotse. Matagal na namin siyang driver sabi nila Dad, may katandaan narin ito.
Ilang minuto ay nakarating na kami sa school.
"Ingat po kayo Ma'am."
"Kayo rin po Mang Edgar. Salamat po." Lumabas na ako, tiningnan ko ang relo ko at 8:30 na.
I'm 10 mins late. So what? I want to try kung paano mapagalitan ng prof. I want thrill ya know.
/NORTH/
"Can you giㅡ" naputol ang pagsasalita ng prof namin ng bumukas ang pinto.
"Mind explaining why your late Ms.Estrera." tanong ng prof natuon ang lahat ng atensyon namin sa kanya.
"Sorry, I don't have time explaining."
"Then get out of my class!"
"I don't care Hernandez just continue explaining your crap."
"You biㅡ" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya nung umupo na si Alexis sa bakanteng upuan sa harapan.
"Bakit dun siya umupo kuya?" tanong sa akin ni Wind sa likod.
"Ewan ko..."
Nakakapagtaka lang yung ugali si Alexis, ngayon pa lang niya nagawang sagutin ang prof namin. Siguro magkakilala sila pero pambabastos pa rin yung ginawa niya kasi prof parin si Ma'am Hernandez.
Sa palagay ko ay ilang taong lang din ang agwat namin kay Ma'am Hernandez.
Nagpatuloy lang sa pagtuturo ang prof namin sa harapan. Nawalan ako ng gana buong oras ay nakatingin lamang ako kay Alexis.
BINABASA MO ANG
Love Don't Die
أدب المراهقينTheir love was strong but the timing was wrong and fate decide that they don't belong. "A-alexis y-you're back. God I miss you." Hahawakan niya na sana ang pisngi ng dalaga ng tingnan siya nito. "S-sino ka?" mababakas sa mata nito ang pagtatanong. T...