"No relationship is all sunshine but two people can share one umbrella and survive the storms together" (poems porn)
Alexis
Katatapos lang namin mag-usap ni Cailee, nagpaalam na siyang uuwi siya. I decided to take a walk first, iikutin ko lang 'tong school.
Nakakarelax ang hangin dito sa field. Napatingin ako sa direksiyon ng babaeng nagkukumpulan di kalayuan sa field. I got curious, so I headed to their direction. Tutal bored na rin ako, uusisain ko nalang kung anong meron doon.
Nagulat ako nung tumili yung mga babae, iba't-ibang kotse ang pumarada sa harapan namin. Nagtaka naman ako dahil lahat ng ito ay magagara.
Pamilyar ang kotse na nasa gitna, a black lambo. Lalapit na sana ako dahil alam kong kay West ito, nang bumaba ang isang lalaki. I looked closely to find out, si North pala iyon.
Why is he using West's car, o baka pareho lang naman. Kung titingnan mo sa malayo ay hawig talaga sila ni West, but North's features are softer than West.
Isa-isa ng bumaba ang iba pang may dala ng sasakyan. Nanlaki ang mata ko ng makita kong sila West and the rest of the gang. Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko, I feel my cheeks heated up. I probably look like a red tomato.
Hapon na, anong ginagawa nila dito. Pa-show off. Gusto ko na silang makausap. Pero kinakabahan ako, ilang araw ko rin sila hindi nakita. Nahihiya ako kasi nakalimutan ko ang mga kaibigan ko, especially North.
Tatalikod na sana ako ngunit may narinig akong tumawag sa pangalan ko. Nakatingin na sakin ang babae. Sila West naman ay nakangiti lang ng nakakaloko sa harapan.
"Halika dito dali," sabi ni Flame.
Tinuro ko ang sarili ko para makasigurado.
"Natural, hahahaha." tawa ni Thunder. Tiningnan ko siya ng masama habang palapit sa kanila.
I can heard the girls screaming, ang sakit sa tainga.
"Oh?" tanong ko sa kanila. Pabibo na naman 'tong mga 'to. Ngayon lang nagpakita, di ako handa.
"Taray ni Ateng meron ka?" tanong ni Thunder, minsan nagtataka na rin ako sa kasarian neto eh.
"Psh," I just rolled my eyes, hindi ko kasi alam kung paano ako kikilos sa harap nila. Ramdam na ramdam ko ang mga titig nila. Kung ice cream ako kanina pa ako tunaw. Jusme.
"Cute, sama ka samin." saad ni West. Nagulat ako nang akbayan niya ako. Naiilang ako lala boset. Nandito pa naman si North.
"Hands off Alien," ani Ace habang hinahatak ang damit ni West. Hindi parin ako sanay na naririnig kong nagsasalita si Ace. Masyadong seryoso kasi ang mukha nito, tipong pag inasar mo sasapakin ka kaagad.
"Joke lang naman," tinaas ni West ang kamay niya bilang pag-surrender.
Nabaling ang atensyon ko kay North, ang sama ng titig niya kay West. Hahahaha is he jealous?
Ano ba dapat kong gawin? should I hug him, kiss him na parang walang nangyare? bakit ba kasi ang gulo ng buhay ko.
"Saan tayo pupunta?"
"Sa park."
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Weh? tara na. Dali." nanlaki ang mga mata nila. I'm excited tho.
-
Ang awkward.
Nakatingin sa amin ang mga batang naglalaro sa park. Paano ba naman, thirteen silang lalaki tas ako lang ang nag-iisang babae. Isa pa, nagtataka siguro sila kung anong ginagawa namin sa lugar na yun.
BINABASA MO ANG
Love Don't Die
Teen FictionTheir love was strong but the timing was wrong and fate decide that they don't belong. "A-alexis y-you're back. God I miss you." Hahawakan niya na sana ang pisngi ng dalaga ng tingnan siya nito. "S-sino ka?" mababakas sa mata nito ang pagtatanong. T...