"Unconditional love really exists in each of us. It is part of our deep inner being. It is not so much an active emotion as a state of being. It's not 'I love you for this or that reason. Not 'I love you if you love me, it's love for no reason, love without an object."
(3 years after)
North
Bata pa lang kami kasama ko na siya. As we grow, our feelings also bloom. She's fun to be with, masaya ako dahil kahit mga lalaki kami naging malapit siya sa amin. Kami ang naging tagapagtanggol, nagaalaga, kalaro niya noong panahong mga bata pa lang kami.
Nang kami'y magdalaga at magbinata na, may kakaiba akong naramdaman. Bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing malapit siya sa akin, tuwing ngumingiti at naririnig ko ang tawa niya. Masaya ako tuwing masaya siya, kapag malungkot siya ay ganun din ang nararamdaman ko.
Dumating ang araw na niligawan ko siya, I want her to be mine. Ayoko ng makita ang mga lalaking umaaligid sa kanya sa school, gusto ko ako lang. I asked her out, nageeffort ako at masaya ako dahil dun. Siya kasi yung tipo ng babae na sineseryoso. Yung minamahal at hindi sinasaktan. Hindi nagtagal, nagbunga ang paghihintay ko. Sinagot niya na ako, that time I feel like I was the luckiest man. Sa dami-dami ba naman ng nagkakagusto sa kanya ay ako ang pinili niya, siguro masuwerte ako dahil mas nauna ko siyang nakilala.
We're happy back then, may tampuhan minsan na hindi naman talaga maiiwasan. We have this stong bond between us, we know our limitations at kahit papaano ay matured na kaming mag-isip. All I know is were happy, pero nagkamali ako.
I have a twin, he's West Cervantes. Identical twins kami, kaya we have those same features. Mas matanda ako ng ilang minuto kaya tinuturing niya akong Kuya. Hindi ko alam na habang tumatanda kami ay naiinggit ito sa akin.
Bukod sa naiinggit siya ay mahal niya rin ang babaeng mahal ko.
It was late when I found it out, everything's a mess.
May nangyareng aksidente, nalaman ko nalang na patay na ang girlfriend ko. Hindi kami pinayagang makita siya sa huling pagkakataon. I was so devastated that time. Gabi-gabi akong umiinom, laging may kaaway. My life is a mess simula ng mawala si Alexis. Dalawang taon naging madilim ang mundo ko, humihinga ako pero hindi ko maramdamang buhay ako. My heart died together with her. Sinubukan kong ibaling ang atensyon ko sa iba, pero siya parin. Siya parin ang laman ng puso't isipan ko. Hindi ko siya maalis sa sistema ko at kahit anong mangyari ay walang makakahigit sa kanya.
One time, pumunta kami sa school. Aasikasuhin kasi namin ang enrollment at ibang school papers.
I saw her again. 2 years and she's here standing in front of me. She's wearing a dress and her hair is dyed in red. I feel my heart beating again. Gusto ko siyang yakapin, ngunit may kakaiba sa kanya. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mga mata.
Parang hindi niya kami kilala. Ang mas malala bakit kasama niya ang kapatid ko? kasama niya ang kambal ko.
Tama ang hinala ko may amnesia siya.
Ang akala ko magiging maayos na ang lahat, ngunit nagkamali ako.
Nagseselos ako sa tuwing magkasama sila ng kapatid ko. Ako dapat ang kasama niya. Ako ang boyfriend niya.
Una pa lang gusto ko na siyang bawiin, kaso baka lalo lang siyang lumayo. Naging mahina ako, I'm North I get everything what I want. Ngunit yung taong mahal ko ay hindi ko mabawi.
Siguro nainip na si tadhana at siya na ang gumawa ng paraan upang mabunyag ang katotohanan.
Tinawagan ako ni Dad, pinapasundo sa akin si West sa bar. Ayaw raw kasi nitong umuwi. At first ayoko, galit pa rin kasi ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Love Don't Die
Teen FictionTheir love was strong but the timing was wrong and fate decide that they don't belong. "A-alexis y-you're back. God I miss you." Hahawakan niya na sana ang pisngi ng dalaga ng tingnan siya nito. "S-sino ka?" mababakas sa mata nito ang pagtatanong. T...