Althea's POV
"AHHH!!!!" biglang sigaw ni Vlad.
Lumapat ang mga matatalim na ngipin ng halimaw sa kanyang kaliwang balikat. Agad siyang napabitaw sa kanyang sandata at namilipit sa sakit.
"VLAD!!!!" sigaw ko. hindi ko alam kung ano ang gagawin. Kailangan ko siyang tulungan.
Sinipat ko ang paligid upang makahanap ng tulong pero wala.....
Hindi. Kaya ko ito. Ako na lang.
Nakakita ako ng isa malaking sanga ng kahoy. Agad ko itong kinuha at saka mabilis na tumakbo sa direksyon ng halimaw.
Sinisipsip nito ang dugo ni Vlad. Sunod ay kakainin na niya ito.Hindi ako papayag.
"HIYAAAAHHH!!!!" malakas na iwinasiwas ko ang kahoy na aking hawak. Nahampas nito ang halimaw. Dahilan upang makawala si Vlad sa matatalim na ngipin nito.
Nakita kong medyo nahilo yung halimaw. Umagos mula sa ulo nito ang itim na likido na siyang dugo nito.
'ROAAAAR'
Mukhang madali itong nahimasmasan at saka muling sumugod.
"VLAAAAD!!!" mabilis na kinuha ni Vlad ang kanyang scythe at saka nagpakawala ng isang malaking bolang anino gamit iyon.
Tumama iyon sa halimaw kaya naman agad itong naging abo.
Napakabilis ng pintig ng aking puso dahil sa mga kaganapan.
Pagtingin ko kay Vlad ay humahabol din ito sa paghinga. Maya-maya ay bigla itong nawalan ng malay.
Oh my gosh!
Agad ko siyang sinalo pero dahil sa bigat niya ay sumama ako sa pagbagsak niya.
"Aray! Vlad??! Vlad?? Huy, gumising ka. Hindi kita kayang buhatin noh" ani ko.
Mukhang wala talaga siyang malay.
"Huy Vlad! Huy Vlad!!! *sniff Huy!!! Ano ba naman yan eh! Lagot ako nyan kay Mr. Haunt. *sniff Sabihin nila pinabayaan kita. HUY!! *sniff"
Naiiyak na ako na ewan. Kasi baka mamaya mamatay na ito. baka mamaya maraming nainom na dugo yung halimaw.
Bwisit kasi na Vlad ito eh. Makikipaglandian na lang sa may halimaw na lugar pa.
Hindi ko na mapigilan. Tumulo na talaga yung luha ko.
"BOO!!"
O_____O
"WAHHHHHHH!!!!!"
Biglang dumilat ang mga mata ni Vlad at saka ako ginulat. Napasigaw tuloy ako ng wala sa oras.....
"PFFT!!!!! WAHAHAHA. THAT FACE WAHAHAHAHA!!!! THAT EPIC FACE!!!!" bigla itong sumabog sa tawa.
Ibig sabihin.... hindi siya patay.
"VLADIMIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIRRRRRR!!!!!!" nangagalaiti kong sabi.
Pinaghahamapas ko nga siya.
"HAHAHA---OUCH!!" biglang sigaw nito sabay kapit sa balikat na kinagatan kanina ng halimaw.
Bigla akong napatigil at saka nagaalalang tinignan ang kanyang sugat.
"Hala! Mukhang malalim yan ah. Ipagamot na natin yan" sabi ko. inalalayan ko siyang tumayo pero marahan lamang ako nitong tinulak
"Tss, it's nothing. I can---"
Hindi na niya natapos ang kanyang sinabi sapagkat muntik na naman siyang bumagsak.
BINABASA MO ANG
Haunted
FantasiOk na sana maging katulong para kay Althea. Pero nung malaman niya kung gaano kagulo ang mga aalagaan niya, ayy nako. At ito pa, may something na hindi natural sa magkakapatid. Tapos napuno pa ng kung anu-anong kababalaghan ang school nila. Ano nga...