Vladimir's POV
Nasa klase na ako ngayon. Ilang minuto na lang at dadating na yung teacher.
Hanggang ngayon, wala pa rin si Althea.
Ano na kaya nangyari dun?
Aishh, eto na naman ako.
What't going on with you, Vlad?
Itong si Althea naman kasi eh. Parang nagpunta lang kasi sa clinic eh, Kailangan matagal?
Hindi ako mapakali kaya tumayo na ako.
'Where are you going, baby Vlad?'
'Can we go with you?'
Brr, kinikilabutan ako sa mga babaeng ito. Grabe, Ang landi lang.
Alam ko gwapo ako, at halos lahat nasa akin na. Pero may standards ako eh. At I'm sorry to tell these girls na hindi sila umabot eh.
Hindi ko na lang sila pinansin tinungo ko na yung pinto pero nagulat ako ng makauntugan ko yung kung sinoman humarang sa pinto.
"Aray!"
"Hey, Watch it----Althea?"
"Ano ba yan, Vlad. Lahat na lang ba makakabanggaan ko?" Tanong nito.
"Eh ikaw kasi. Haharang-harang." Sisi ko.
"Eh, saan ka ba kasi pupunta? Parating na si ma'am oh" paaliwanag nito.
"A-ako? S-sa CR." Alibi ko.
"Tss, ayan na si ma'am. Mamaya na lang." Sabi nito tapos pumasok na sa loob at umupo sa upuan niya.
Hindi naman talaga ako mag-ccr kaya naupo na rin ako.
Maya-maya nagdiscuss na si ma'am.
Ang boring.
Yuyuko na sana ako para matulog ng biglang tumayo yung mga balahibo ko sa batok.
That's weird.
Napansin kong wala pa si Selene sa upuan niya.
Hindi kaya...
Nagulat kaming lahat nang makarinig na ako ng hiyawan sa labas.
Lahat kami sa classroom napalabas ng wala sa oras. Maging si ma'am napalabas din.
Ganito nalang lagi. Biglang nagiging usi lahat ng tao kapag may ingay na narinig.
Palapit na ako sa pinagmulan ng hiyawan ng lalo kong maramdaman yung kakaibang feeling na naramdaman ko kanina.
Hindi ko napansin na nandito na pala si Althea sa gilid ko.
Hindi ako agad nakapagisip ng maayos dahil sa gulo kaya naman hinigit ko yung kamay niya.
"Vla---Teka! Saglit lang! Wagas Makahila?" Hindi ko na siya pinakinggan.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi papunta sa pinagmumulan ng ingay kundi sa pinagmumulan ng kakaibang pakiramdam.
Hindi ko siya pwedeng hayaang tumakas.
Ellie's POV
Nakakaloka.
Period.
Bakit ngayon lang ako nagka-POV? Aber? At saka ngayong oras pa kung kailan magulo lahat?
Grabe si author oh.
Hindi tuloy ako makapag-project ng maganda kasi nakakahaggard yung environment.
Anyways, heto ako ngayon winawarla lahat ng nakaharang sa daan para makapunta dun sa kawawang victim.
BINABASA MO ANG
Haunted
FantasyOk na sana maging katulong para kay Althea. Pero nung malaman niya kung gaano kagulo ang mga aalagaan niya, ayy nako. At ito pa, may something na hindi natural sa magkakapatid. Tapos napuno pa ng kung anu-anong kababalaghan ang school nila. Ano nga...