CHAPTER 12

8 2 2
                                    



Althea's POV

Matapos ang dalawang araw ng pagkulong sa akin sa mansion.

Sa wakas! I'm free!!! Mwahahaha.

Ayun, balik ulit ako sa pagpasok.

May mga nagtanong kung bakit daw ako nawala ng ilang araw. Sabi ko na lang nagkasakit ako. Buti na lang at kinagat nila yung palisot ko.

Nakausap ko na rin si Art. Nung una, talagang tampo pa rin siya pero nung niyaya ko ulit siyang kumain dun sa kwek-kwekan, ayun, bati na kami, hahaha.

Medyo may mga nagbago na ngayon.

After kasi nung insidente, naging mas friendly na sa amin si Selene. Hindi man namin napaguusapan yung tungkol sa nangyari, halata mo na iba na yung pagturing niya sa amin.

Natatawa nga ako kasi tatabi lang siya sa amin sa lunch tapos titignan siya nila Vlad tapos tataasan niya lang sila ng kilay.

Nakakanig lang siya sa aming mga kwentuhan, tapos minsan bigla-biglang magsasalita kapag napagkadiskitahan ni Ymir na ngayon ay medyo ok na. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung ano nangyari sa kanya. Good thing ay ok na siya

Parang si Cas si Selene kung mapikon. Grabe, isang beses muntik na siyang mag-transform nung nilagyan ni Ymir ng yelo yung batok niya.

Tapos, eto pa ang nakakatuwa, lagi niyang trip si Ellie na tawaging Elmer.

"Ano baaaaaa!!!! Just call me, pretty Ellie. Nakakaloka ka ha!" reklamo ni Ellie habang naglalunch.

"Bakit? Ang pogi kaya ng Elmer. Bagay nga sa iyo eh." Kumento ni Selene.

"Nakuuuu, Hindi kita keri!" Yun na lang ang nasabi ni Ellie.

"Ahh, basta. Ikaw si Elmer." Pinal na wika ni Selene.

Natawa naman kaming lahat doon.

Halatang crush ni Selene si Ellie. Hahaha. Tuwing inaasar namin silang dalawa. Namumula siya, tapos si Ellie parang ginagapangan ng ipis kung kilabutan. Haha.

Sa classroom.

Afternoon classes na namin. Dumating na rin yung teacher at ngayon ay may announcement daw siya para sa amin.

"Good afternoon everyone! Bago tayo magsimula ng lecture. I would like to announce na magkakaroon pala tayo ng gaganapin ng Clubs ang Organizations Fare. Kanina palang ito napagkasunduan kaya hindi pa siguro ito nasabi sa inyo kanina." Panimula nito

"Obviously, ginaganap ang fare na ito para maintroduce sa mga freshmen at transferees ang ating mga clubs at organizations. Siyempre, magkakaroon ng mga pakulo ang bawat club. Magkakaroon ng mga booths and for three days, wala tayong regular classes kaya hindi required na pumasok. Since mga grade 10 na kayo, marami na sa inyo ang may mga orgs. I expect na tutulong kayo since kayoang mga kuya at ate dito sa Oakwood Academy. Sa mga wala pang club, nirerekomenda ko na sumali rin kayo for experience."

Magsasaya na sama ang mga classmates ko pero nagsalita ulit si ma'am.

"Hep, hep, hep. Mamaya na kayo magsaya dahil may sasabihin pa ako." Wika nito na siyang nagpatahimik sa lahat.

"Siyempre kailangan may mapala naman tayong lahat sa event na ito. kaya naman I want you guys to make an essay about this fare. To be submitted a week after next, since next week na yung fare."

May mga classmates ako na napa-aww. Yung iba naman chill lang gaya ni Vlad. Si Selene, walang paki. Same as Ellie and Art.

Nagsalita ulit si ma'am

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon