Althea's POV
Makalipas ang ilang minutong paghihintay, sa wakas ay pinagbuksan na rin kami ni Joy.
Ako ang unang lumapit sa kanya matapos ay pabiro ko siyang binatukan.
"Aray naman. Grabe ka, girl. Ikaw na lang ang tinutulungan eh." Reklamo nito.
"Che! Loka-loka ka rin ano? Bakit ang tagal mong pagbuksan?" sermon ko.
"Eh kasi naman, nahuli ako nung classmate ko na wala sa klase kaya ayun. Napabalik ako sa classroom namin, ngayon lang umalis si ma'am kaya ngayon ko lang din kayo nabalikan. Sorry na." Paumanhin nito
"Ay! So ano na?" tanong nito. Hindi na ako sumagot dahil mukhang napansin niya sa nag-uusap-usap na kami.
"Ah, Joy. Sila nga pala yung iba ko pang friends. Si Ellie." Panimula ko.
"Hi girl!" bati ni Ellie.
"Hello!" Joy.
"Siya si Selene." Sabi ko sabay turo kay Selene
"Hi" Selene.
"Hi." Joy
"Si Vladimir." Wika ko.
"Oh, my gosh. Oo nga pala, friend mo pala ang mga Haunt. Hello!" kinikilg na wika nito.
"Tss" Vlad. Wala talagang modo. -_-
"ay, medyo masungit" mahinang wika ni Joy.
"At ito pala yung bestfriend ko. Si Arthur, Art for short." Pakilala ko sa bestfriend ko.
"Hi Joy, please to meet you. Salamat pala ah." Art.
Ilang segundo rin na walang kibo itong si Joy. Napano to?
Nakita kong namula bigla yung mukha niya tapos nung mapansin niyang nakalahad pala yung kamay ni Art ay mabilis niya itong kinuha.
Hmmm, alam na...
"A-ah, n-nice to meet you too, A-art. Wala y-yun." Nahihiyang wika ni Joy.
"Ang tinik ah." Singit ni Selene.
Napansin kong biglang namula yung mga tenga ni Art dahil sa kanyang narinig.
--------------------------------------
Since lunch time na kami nabalikan ni Joy. Siyempre, dumiretso na kami lang kami sa canteen matapos makuha yung mga bag namin.
Sa aming pagdating ay agad naming pinuntahan yung upuan nila Cas at Ymir.
Bakas ang pagkabigla sa mga mata ng mga ito pero mukhang naintindihan na rin nila kaagad.
Kasama na pala nila sila Xena at Lara na parehong nakangiti sa amin.
"Mukhang success ah, ate. Hello mga ate at kuya!" Xena.
Bumati rin naman sila at matapos ay nagsimula nang kumain.
------------------------------------
Mabilis na natapos ang araw. Matapos namin na um-attend ng afternoon classes namin ay agad na rin kaming umuwi.
Masaya ako na ok na kaming lahat. Habang nasa parking lot kami kanina ay tumambay muna kami saglit. May konting tawanan, at asaran. Nakakatuwang makita sa magkakasama na ulit kami at nadagdagan pa.
Pero sana lang ay huwag nang madamay pa sila Lara at Joy sa kung anumang kababalaghan. Sapat nang kami-kami na lang nung iba ang may alam.
Nasa mansion ako ngayon at dahil masaya ako ay naisipan kong tumulong sa pagluluto ng hapunan ng mga Haunt. Since nandito ang mga magulang nila Vlad ay dapat lang na galingan namin ang paghahanda. Haha, medyo sipsip.

BINABASA MO ANG
Haunted
FantasyOk na sana maging katulong para kay Althea. Pero nung malaman niya kung gaano kagulo ang mga aalagaan niya, ayy nako. At ito pa, may something na hindi natural sa magkakapatid. Tapos napuno pa ng kung anu-anong kababalaghan ang school nila. Ano nga...