CHAPTER 2

15 2 0
                                    


Helooo pooooo ulit :)

-----------------------------------------------------------------------------

Althea's POV

'So, wala na pala si Ms. Devil'

'Good thing'

'Huy ano kaba? Baka mamaya multuhin ka nun'

'Ang sama kasi niya'

'Yah, I know. She's so mean'

Kilala si ma'am Davil bilang isang terror teacher sa school na ito. Math pa ang subject na kanyang tinuturo kaya naman, maraming estudyante rin ang inis sa kanya.

Pero di naman yata tama na matuwa sa pagkamatay niya.

Ano kaya ang dahilan ng pagkamatay niya?

Napalingon ako sa kinauupuan ni Vlad at napansin kong hindi siya poker face ngayon. Madalas kasi ay straight face lang siya. Pero ngayon ay parang may kung anong siyang iniisip.

Ibig-sabihin. Hindi lang basta-basta ang pagkamatay ni ma'am.

Dahil sa powers ni Vlad over darkness. Kaya niyang maka-sense ng paranormal. Alam niya kung may something na kakaiba sa isang tao o bagay.

Parang psychic ba

The Haunt brothers were not given with tremendous power just to play with it, kaya sila biniyayaan ng kapangyarihan ay dahil kailangan nilang protektahan ang nakararami at itago sa mata ng mga katulad kong tao ang tungkol sa supernatural o mga bagay na kakaiba.

Pero minsan maloko talaga ang mga magkakapatid at ginagamit nila sa power trip ang kanilang mga kapangyarihan. Doon papasok ang pagiging bantay ko sa kanila.

The whole time, panay daldal na lang ang ginagawa ng mga classmates ko. Yung iba kausap tung friends nila, yung iba PDA much. Haha

Si Vlad tahimik lang.

Parang may iniisip.

"Huy beh. Baka matunaw si fafa Vlad. Ikaw ha?" biglang sita sa akin nung bakla kong classmate na si Elmer. We call him--- her?---- ewan, basta. Ellie. Period. Haha

"Ano na naman? Matunaw ka dyan. Wala naman akong ginagawa sa kanya ah" ani ko.

"Wala ka dyan. Eh kung makatitig ka eh. Crush mo rin noh? Oy, akin lang si fafa Vlad" biglang taray ng bakla.

Natawa na lang ako sa kanya.

"Edi sayo na. Go. Iyong-iyo na" sabi ko.

"Che, haha. Ay girl, alis muna akiz. CR lang. Babush" wika nito.

Ang harot talaga ng baklang yun. Pero wag kayo. Mayaman yun. As in. Maraming ospital kasi ang pagmamay-ari ng papa niya.

Kinuha ko ang aking notebook at saka nagscribble ng kung anu-ano.

Haha. Ang kyut ng drawing ko na unggoy. Tatlo sila.

Si Ymir, yung unggoy na nakadila.

Si Cas yung may salubong na kilay.

Si Vlad naman yung nakapoker-face.

Maya-maya may pumasok nang teacher.

Concentrate lang ako sa sinasabi niya at saka kopya lang ako ng kopya nung nasa blackboard nang biglang.

Kyaaaaaaaaaahhhh!!!!!

Isang malakas na tili ang narinig ng buong klase

Agad na umusyoso ang marami sa aking mga kaklase.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon