CHAPTER 30

18 2 0
                                    

Althea's POV

Matapos ang pag-ready sa mga gamit ay nagsimula na kami.

Whooo, ang galing ng mga cast namin. Sobrang nakakaproud.

Siyempre nakakaproud din yung mga pinaghirapan naming mga props at background.

Ang galing din nung mga nakaassign sa technicals dahil sakto yung mga effects and background music.

Everything is organized kaya naman smooth sailing lang kami.

Mukha nagkausap na rin sila Allison at Vlad dahil kita kong wala nang ilangan sa kanilang dalawa. Buti naman.

Naalala ko na naman yung pinag-usapan namin ni Vladimir.

Ano na naman ang balak ng mokong na iyon?

Nakakakaba yung mga ngiti niya kanina.

Nasa entablado siya ngayon at kitang-kita kung gaano siya kagaling sa pag-act.

Nasa scene na sila ngayon kung saan hinahabol na ni Prince Charming si Cinderella dahil twelve midnight na kuno.

Kita ko kung paano kiligin yung ibang mga classmates namin na nanonood. Ang epic talaga nila. Hahaha.

"Ang saya mo ah." Biglang pansin sa akin nung katabi ko.

Si Julius pala. Yung president namin.

"Hindi ko naimagine na ganito pala kaganda ang kalalabasan ng play natin. Ang galing nila noh?" wika ko.

Julius chuckled.

"Yeah, they are pretty great on stage. Pero mas kapansin-pansin ngayon si Vladimir. Don't you think?" wika niya.

Gustong tumaas ng kilay ko dahil sinabi niya.

Hindi kaya?

"Nope. Hindi ako bakla. Don't worry. I'm just stating the obvious. Something is different on how Vlad acts today. Could you possibly know the reason?" Tanong niya.

"ahm, ewan ko." yun na lang yung tangi kong nasabi.

He just shrugged.

Pero totoo nga yung sinabi niya, Vlad seemed to act a bit different. Siguro masaya lang talaga siya dahil mamaya ay may ipagagawa siya sa aking kalokohan.

"So palagay mo panalo na tayo?" nakangiting wika ni Julius.

Sinuklian ko rin siya ng ngiti sabay sabing, "Atin na yung trophy, Julius. Sure win na eh." Wika ko.

After the rehearsal ay mabilis na nagligpit ang lahat. Siyempre tumulong ako.

Matapos ay agad na akong nilapitan ni Vlad na halos mapunit ang mga labi kakangiti.

"Huy, ok ka lang?" tanong ko.

"Oo naman." Sagot niya.

Luh.

"Hinde. Hindi ka ok. At kailan ka pa sumagot ng 'oo naman' kapag tinanong kita?" wika ko.

"Tss"

"Ayan. Ayan ang ok na Vladimir" wika ko sabay tango-tango.

"Ang dal-dal mo talaga." Wika niya sabay hila sa kamay ko.

"Uy teka, saan tayo pupunta?" ani ko.

"Ahh, basta. Saglit lang ito." sagot naman niya.

Mukhang no choice naman na kaya sumama na ako.

Habang naglalakad ay nakita ko siyang may tinawagan na kung sino matapos ay dinala na niya ako sa parking lot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon