CHAPTER 21

11 2 0
                                    



Althea's POV

Nung maghapon na, napagdesisyunan akong pumunta na sa kotse ng mga Haunt. Baka hinihintay na nila ako doon.

Pagkarating ko, hindi nga ako nagkamali.

"Ang tagal ah!" inis na wika ni Cas.

Tss, sungit na naman.

Andito rin pala sila Art, Ellie at Selene.

Magkadaldalan sila Ymir at Art about dun sa club nila, habang sila Ellie at Selene, nagbabangayan.

"Ano baaaa?! I said stop calling me Elmer, eh. Your so annoying ha!" Ellie.

"Wala ka nang pakielam kung ano man ang gusto kong itawag sa iyo, Elmer. At saka, Tignan mo nga yang suot mo. Naka-tuxedo ka tapos gusto mo Ellie ang itawag ko sa iyo?" Selene.

"So what ba kung naka-tux ako? Eh sa yun yung sinabi nung president namin eh."

"Ahh basta, Elmer!" tapos biglang dumila si Selene.

"Che!" tapos umirap lang si Ellie

Haha, ang cute.

"Hoy, Althea! Bilisan mo naman maglakad, aba. Gusto ko nang umuwi!" saway ni Cas.

"Chill ka nga lang, kuya. Bakit ba BT ka na naman?" Ymir.

"Hmp. May nabago ba?" tanong ni Ellie.

"Just shut up!" saway ni Cas.

"Asus, fafa Cas. I know what happened, and by the looks of you mukhang hindi pa rin kayo nagkakabati." Ellie said.

"I said SHUT UP!"

Nang makalapit ako sa kanila, napansin ko na kanina pa tahimik si Vlad. Mukhang may iniisip siya na kung ano. Ni hindi niya man lang napansin ang pagdating ko.

Saglit lang kaming nag-stay para tumambay. Si Cas, kanina pa uwing-uwi. Si Vlad talagang tahimik lang.

Sa byahe, tanging si Ymir lang ang walang kapagod-pagod na dumadadaldal. Nagsisimula na nga akong magduda kung totoong kapatid ng mga ito si Ymir.

Pag-uwi, walang kaimik-imik yung dalawa na pumunta sa kanilang mga kwarto.

Gusto ko sanang kausapin si Vlad tungkol sa gagawin naming essay pero mukhang wala siya sa mood. Di bale na, pwede naman siguro bukas o sa susunod.

-------------------------------------------------

Kinabukasan.

Pagpunta ko sa kwarto ni Vlad at nagulat akong malaman na wala na siya doon. Tinanong ko yung iba pang mga katulong at sabi nila ay maaga daw na umalis si Vlad kasama ang mga kapatid.

Akala ko late siyang aalis since wala namang klase. Iniisip ko pa ngang baka hindi na siya aalis dahil baka may club na siya. Pero mukhang wala pa dahil milagrosong nagmadali siyang umalis.

Hmm, parang hindi na tama yun ah. O baka naman paranoid lang ako?

Isinantabi ko na yung mga thoughts ko at saka nagmadaling nagbihis.

Naninibago man ay nagcommute na ako para makapuntang school. Lagi kasi akong nakasabay sa kanila pumasok kaya halos makalimutan ko na kung paano magcommute.

Pagdating ko, agad akong nawindang sa kakaibang kilos ng lahat ng mga estudyante.

They all looked blank.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa aking nadatnan.

Anong nangyari dito sa school?

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon