CHAPTER 1

22 2 1
                                    

Hello po dear readers!!! kung meron man, hahaha.

Gusto ko lang pong sabihin na sorry dun sa mga bumasa nung una kong gawa na heirs and keepers.

Dinelete ko na siya kasi nafrustrate talaga ako dun sa ginawa ko na iyon.

Sorry po talaga. 

Wag po kayong magalala dahil babawi po ako through this story.

Tatapusin ko na talaga ito.

Once is enough, haha.

Sana po ay magustuhan niyo itong ginawa ko.

Kung hindi man, thank you pa rin kasi tinry niyong basahin.

I wont force you to vote or comment para lang magupdate ako. i know naman po na kung talagang naappreciate niyo, kusa nang manggagaling sa inyong mga puso ang pag-vote or comment.

No offense for those authors. Mahal ko po kayo dahil reader din po ako and I admire a lot of your works.

Wala po sanang magsabing ginaya ko ito or what. Lahat po ito ay galing sa aking malikot at wirdong imahinasyon. Medyo cliche lang po talaga dahil teenager din po ako. 

Anyways, Enjoy reading po. :)

-rayluminos

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Althea's POV

"YAYA!"

"HUH?" Agad akong napadilat nang marinig ko yung boses na nagmumula sa intercom.

Mukhang gising na yung mga demonyo. Patay na naman ako.

Teka, nga.

Tumayo ako mula sa kama upang tignan ang orasan.

"Eh? Alas tres palang ng madaling araw ah."

Pambihira talaga ang mga mokong na yun ah.

Hay! Di bale na nga.

"YAYA!"

" Ayan na, Saglit lang po" mahinang wika ko sa sarili ko habang tumatayo mula sa aking single bed.

Madali akong naglakad palabas ng kwarto naming mga katulong upang puntahan ang mga alaga ko.

Nasa ikalawang palapag sila nang masyon habang ang kwarto naming mga katulong ay nasa ibaba nito.

Kakamot-kamot akong naglakad papunta sa mga kwarto nila nang maramdaman kong lumalamig ang paligid.

Kasalukuyan ako ngayong naka-spaghetti strap na pantulog kaya naman agad akong gininaw at napayakap sa aking sarili.

Marahang hinimas ko ang aking mga braso upang maibsan ang lamig.

Teka, kahit naman naka aircon ang buong mansion ay hindi naman yata aabot sa ganitong lamig ang buong lugar. Napansin ko na nagkaka-steam na rin ang bawat paghinga ko.

Binilisan ko na tuloy ang paglakad sa mga kwarto ng mga inaalagaan ko. Maya-maya ay napansin ko na dumudulas na ang sahig.

Mukhang yung tatlong mokong na naman ang may kagagawan nito.

Maingat akong naglakad upang hindi ako madulas sa kasalukuyang nagyeyelong sahig.

Akala niyo ha?

Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng isa sa mga kwarto nilang magkakapatid ay marahan na akong kumatok.

"Ano ba iyon? Alas tres pa lang ah." Wika ko.

Marahang bumukas ang pinto at sumambulat sa akin ang isa sa mga inaalagaan ko na hawak-hawak ang isa aking mga panloob.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon