CHAPTER 22

14 2 0
                                    



Althea's POV

This will be the lamest plan. EVER.

I swear kung may mas maganda lang akong plano na maiisip yun yung gagawin ko.

Pero, bakit ba kasi hindi ako ganon kawitty. Sana kapareho ko yung magkakapatid mag-isip ng plano o kaya si Art.

Huhu, Goodbye, world.

Hayyy.

Ano pa bang magagawa ko? kesa naman mawala lahat ng mga kaibigan ko diba?

Narito ako ngayon sa isang classroom na walang tao.

Maya-maya ay lalabas na ako at magpapakita sa lahat.

Inhale, Exhale.

The moment na lumabas ako sinimulan ko nang kunin ang atensyon ng lahat.

"HOOOOOYYY!!! Mga BAKLAAAA!!!!! WHOOOO ANDITO AKO!!! HABULIN NIYO KOOOOO!!!!" sigaw ko matapos ay tumakbo ng mabilis.

Kinalampag ko lahat ng pinto sa isang hallway. Matapos ay lumabas ng building at saka nagpakita sa lahat ng mga estudyante.

Nakita ko ng hinahabol na ako nilang lahat.

Para akokng nasa zombie apocalypse. Jusme.

Tuloy lang ako sa pag-taunt sa kanila.

Takbo lang ako ng takbo, yung iba na haharang ay buong lakas kong binabangga para matumba.

Buti wala pang nakakahuli sa akin.

Ang dami na nila sa likod ko!!!

Binagtas ko ang kabuohan ng csampus namin hanggang sa makita ko na buong school na yung humahabol sa akin.

Kahit napakalaki ng school na ito, hindi ganon kalaki ang populasyon ang oakwood academy.

Siyempre iilan lang ang afford na mag-aral dito.

Nang mapansin ko na iyon na ang lahat.

Mabilis na tinungo ko yung building naming mga fourth year tapos ay umakyat ako sa pinakataas na floor. Matapos nun ay mabilis kong tinungo yung fire exit which is isang ladder sa likod ng building. May isang maliit na pinto papunta doon. Agad ko iyong pinasok at saka sinara.

Mabilis kong binaba ang aking sarili atsaka pumunta sa harap ng aming building.

Matapos ay isinara ko yung pinakagate nung building namin. Gawa yon sa steel bars kaya sure ako na mahihirapan silang buksan iyon.

Buti na lang at may nahanap akong makapal na padlock sa isa sa mga kwarto.

Success. Whoooo.

Nalock ang buong populasyon ng Oakwood academy sa isang building.

Wala nang sagabal sa pagkikita namin ng queen na iyon.

Tama na ang mga laro mo, Queen.

Agad akong pumunta sa speaker room.

Nakapwesto iyon malapit sa building ng mga teacher at ng principal.

Palapit na ako sa pinto ng magulat ako dahil may biglang humarang sa daan ko.

"S-selene?" tanong ko.

"Queen"

Oh my gosh.

Anong laban ko sa werewolf na ito?

At saka magagawa ko ba siyang saktan?

"No selene. Don't do this. Wake up!" I said.

Pero walang kwenta.

HauntedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon